Chapter 7

79 5 0
                                    

Cristy

Inis akong pumasok sa dressing room habang hawak ang susuotin. Habang sinusuot ko yun ay pakati naman ng pakati ang nararamdaman ko.

"P*ste! Ang kati!"

Nang maisuot ko yun ay kinakamot ko naman ang katawan ko. Pagkatapos, inis pa rin akong lumabas.

"Wow, bagay naman pala sayo eh!" Ani Jevie na kanina pa nakasuot ng gown niya.

"Tss! Pag natapos talaga to, susuntukin ko kayong tatlo!" Kasali si Clark.

"Oww? Bat hindi si madam L. Siya naman nagplano nito ah!" Sagot niya.


"Ano yun, Rose?" Anang boses ni madam L sa earpiece na suot namin.


Nginisihan ko si jevie ng mamutla siya.


"Ah wala po madam." Kinakabahan niyang sagot.


"Cristy, batukan mo siya para sakin mamaya." Natawa naman ako.

"Yes po, madam, makakaasa kayo." Agad kong sagot.


Ngumuso naman si Jevie. "Madam naman eh!" Bigla siyang ngumisi sakin. "Hindi naman ako lalapit sayo mamaya. Bwahahaha!"


Nilapitan ko naman siya at binatokan agad. "Eh di ngayon nalang.."


"Aray!" Hinihimas niya ang ulo niya.


"Ready, number 3?" Anang isang lalaki. Ewan ko kung anong tawag sa kanya. "Ikaw na sunod." Number 3 kasi ako at number 4 si Jevie tsaka number 5 si Lala.


Mga 15 ata lahat ng mga candidates.

Kaya ko 'to.


"Tandaan mong maging normal lang, just be yourself." Hindi kaya ako marunong rumampa. Kaya naglakad lang ako na parang wala ako sa stage. "Nakita mo na ba sila?" Tanong ni madam L.


Kaya inilibot ko ang paningin ko sa buong audience habang pilit naman akong ngumingiti.


At dun sa dulo, nakita ko sila na tatawa-tawa. Sige, tawa pa...


Medyo nagulat pa ako ng makita si Ryke sa gilid na deretsong nakatingin sa gawi ko. Nakilala kaya niya ako? Siguro naman hindi.


Iniwas ko ang tingin ko at rumampa pabalik.

"Asan sila?"


"Nasa dulo sila, nagtatawanan." Mahinang sagot ko.


"Good. Now, puntahan niyo na ang office nila habang nagkakatuwaan pa sila."


Nakita ko si Clark sa dulo at tinanguan ako.


Kami lang dalawa ni Clark ang pumunta sa sinasabing office kasi kasalukuyang rumarampa pa yung dalawa.


"Bilisan natin. Baka bumalik sila dito." Ani Clark. Tumango naman ako.


Nang makarating kami sa isang kwarto, alam naming naka-lock yun kaya ginamitan namin yun ng device para mabuksan.


Pagkapasok namin, bumungad samin ang napakaraming papel na naka-pile. "Ano naman to?" Nilapitan ko ang mga nagkumpol na papel at tiningnan yun.


Nagulat ako ng makita ang isang sketch ng kwintas. Yung kwintas na nakuha ko. Pero ang nakapagtataka, bakit dalawa? Ibig sabihin.. may isa pang kwintas.


Binuklat ko yun at may nakita na naman.


Para siyang infinity na nakaukit sa isang bato. Infinity? Yung kwintas?


You Belong To MeWhere stories live. Discover now