Chapter 17

47 4 0
                                    

Ryke

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang isang papel.

"H-Hindi naman totoo to diba? Diba?" Nakatingin ako ng deresto sa mga mata niya. "Please tell me this is not true!" Sabi ko habang may tumutulong isang butil ng luha sa pisngi ko.

Iniwas niya ang tingin. "Totoo ang nakasulat jan. Pero hayaan mo kong magpaliwanag." Aniya na parang wala lang.

"Bullsh*t! You're an agent, Cristy! And.. y-you're spying us.." naalala ko bigla nung una kaming nagkausap.

She approached me all of a sudden pagkatapos niyang itanong at nalaman ang pangalan ko. Kaya ba lumalapit siya sakin? Dahil kasama yun sa plano niya?


Kaya pala magaling silang makipaglaban. She fooled me!


"..why? Ayos lang naman eh kung agent ka, pero bakit iniispiyahan mo ang pamilya ko? We're not criminals for god's sake!" Na-fufrustrate na rin ako!


"Wala kayong kinalaman nang Mommy mo dito."


"Sino kung ganun? Si Lola? Si Lolo? Kahit isa lang ang tinutukoy mo, kasama parin kami!" Hindi ako makapaniwalang niloloko lang niya ako. "You completely fooled me! Tama nga si Lolo, ito pala ang tinutukoy niyang hindi ka isang ordinaryong tao. Siguro nga pinagtatawanan mo ako dahil nauto mo ako." Tumawa ako ng pagak. "I even assumed you liked me back, yun pala.. acting lang ang lahat!"

Umiling-iling siya. "Kelan man hindi ko ginawang tumawa sayo! Oo, nag-iispiya lang ako sa pamilya mo pero hindi ibig sabihin nun hindi na totoo ang mga pinanggagawa ko sayo!" Aniya na naiinis. Siya pa ang may ganang mainis! "Sa tingin mo masaya ako sa misyong to? Hindi! Hindi ako masaya!" Bahagya pa akong nagulat ng mamasa ang pisngi niya. Hindi dapat ako magpatinag! She's a spy. I can't believe I'm inlove with a spy! Kung kailan nakompirma kong mahal ko siya, saka naman nangyayari to!

"You know what, I made a mistake. At yun ay ang hindi pigilan ang sarili kong tuluyang mahulog sayo! Yes Cristy, I'm inlove with you, but not anymore! After knowing your true identity, I don't.. I don't want to see your face again! Ever!" Lumabas akong apartment niya.


"Ryke!" Sigaw niya ng makalabas ako. Naramdaman ko ring hinila niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. "Oo, kasama sa plano ang lumapit sayo pero hindi na ngayon, dahil gusto na kita!" May nakita akong butil ng mga luha na tumulo galing sa mata niya. "Ayaw mo na sakin? Sige, ayos lang. Naiintindihan ko ang galit mo! Wag kang mag-alala, simula ngayon.. hindi na ako magpapakita sayo." Aniya at pumasok sa loob.

Naiwan akong nakatulala sa kung saan. Gusto niya din ako?


Napatingin ako sa pintoan niya. Gusto kong puntahan siya at yakapin pero.. masakit din sakin na ang babaeng mahal ko, nag-iispiya sa pamilya ko.


Wag kang magpadala sa kanya, Vin. Niloko ka nga niya, hindi malabong gagawin niya yun ulit sayo! Anang boses sa utak ko.


Sumakay akong kotse at pinaharurot yun papuntang night bar.

Cristy

Nakatulala ako sa papel na nakita ni Ryke kanina. Nakalimutan kong itago to.

Ito kasi ang kontrata namin sa misyong to. Kapag hindi namin natapos ang misyong to sa loob ng isang taon, maaaring tuluyan na akong matanggal at palitan ng iba.


Napabuntong-hininga akong umupo habang naalala yung nangyari kanina. Pagak akong tumawa. "Tsk! Bat sinabi ko pa yun? Wala din namang silbi kahit pa sinabi ko yun." Naalala ko ang mukha niya kanina. "He hates me now." At simula nung mamatay si Papa, ngayon lang ulit ako umiyak. I'm sorry..

You Belong To MeWhere stories live. Discover now