Ryke
Habang naglalakad kami, may nakita kaming mga pulis na dinakip yung mga taong kumidnap samin. Nakita ko pa silang nakatingin ng deretso kay Lolo.
"Lo, you know them?" Di ko napigilang tanong.
"How can I know a criminal like them?" Galit agad niyang usal.
Oo nga naman. Bobo!
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakita ko pa sina Cristyㅡkatabi si Clark.
-_-
May lumapit saming detective.
"You're the victims, right?"
Tumango kaming tatlo. "Yes po, Detective." Sagot ko.
"Tatanongin ko lang sana kayo. Ano pa ang ginawa ng suspect sa inyoㅡnung kidnapin kayo?"
"Ahm.. bukod po sa tinali nila kami at nilagyan ng tape ang bibig namin.. wala na po silang ibang ginawa na nakapagpasakit samin." Si Brian ang sumagot.
Napakunot-noo naman si detective. "Which is... strange. Usually kasi, sa mga naging kaso naming kidnapping, sinasaktan nila at kung ano-anong pinanggagawa nila sa mga victims. I guess, you're all lucky. Anyways, that's all. Thank you!" Aniya at umalis sa harap namin.
"You sure, you okay? Kanina ka pa parang wala sa sarili." Rinig kong tanong ni Clark kay Cristy. Mas lumapit kasi ako pero nakatalikod ako sa kanila. Nagtaka ako ng wala akong narinig na sagot mula kay Cristy. "You're not okay, I see!" Ani Clark.
She's not okay? Dahan-dahan akong humarap sa kanila para malaman kung anong ginagawa ni Cristy pero nagulat ako ng nakatingin siya ng deretso sakin na nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
Agad akong lumayo ng ilang hakbang. "W-Wala!" Sagot ko. Ano bang ginagawa ko? Ayaw ko na nga siyang makita diba?
Napasinghap pa ako ng makita ang sugat sa mukha niya. Magsasalita sana ako ng may nagsalita.
"Long time no see, Cristy!" Sulpot ni Lolo
Tumingin si Cristy sa kanya at ngumisi. "Mukhang masaya ka, Vilardino? Ang dami mo talagang pera no? Ang dami mong nabayarang tao."
Tumawa naman si Lolo. "Well, money is the key!" Mayabang pa na Sabi ni Lolo.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ngayon ko lang nakita si Lolo na ganito. Tsaka, ano bang pinagsasabi nila? Para silang may sariling mundo! Tsk!
"And that money of yours.. will ruin you not-so-soon! So I guess.. good luck.." Mas nagulat ako sa sinabi ni Cristy. Tiningnan ko siya pero sinulyapan lang niya ako bago tumalikod at umalis. Anong ibig niyang sabihin?
"Hahaha! Tsk. Tsk. Let's go home, Vin!" Nagpatiuna sa paglalakad si Lolo kaya sumunod narin ako.
Jevie
Habang naglalakad ako kasunod nila Cristy ng may nagsalita.
"Jev.." nilingon ko siya. "P-Pwede ba tayong mag-usap?" Aniya habang malamlam ang matang nakatingin sakin.
Bumuntong-hininga ako. "Wag ngayonㅡmay gagawin pa ako. Umuwi na kayo.. delikado!" Sabi ko at tumalikod. Pero hindi pa ako nakahakbang dahil hinila niya ang kamay ko.
"Gusto ko ngayon na. A-Alam ko na ang katotohanan tungkol sa inyo kaya.. p-paniguradong wala ka ng oras para sakin." Humina ang boses niya pagdating sa 'para sakin', pero rinig ko parin.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Random[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...