Chapter Six

121 10 0
                                        


"Hi Scianna,"

Ang boses ko ay bahagyang umalingawngaw sa maliit na comfort room. Nakayuko siya sa lababo, maingat na naghuhugas ng mga kamay, completely ignoring me.

Bago pa ko makapag react ay may inalis ito sa may pintuan. Alam kong sira ang pintuan at nagaauto lock ito at sa labas lang yun pwedeng buksan. Pero huli ko na din napansin ang ginawa nito.

Natulak na na ni Scianna ang pinto at tuluyan na itong sumara kasabay nang pag-click ng lock.

"Teka, 'yung pinto--" I started, but it was too late. 

Anak ng--

Lumingon siya sa akin saka ako nagsalita.

​"Sira ang pinto rito. Nag-auto lock kapag isinara, at kailangan mo ng susi mula sa labas para mabuksan," paliwanag ko.

​Dali-dali niyang pinihit ang doorknob. Sinubukan niyang hilahin, itulak, at pihitin uli, pero wala talaga. I sighed, isinandal ko ang likod ko sa pader.

​"Bakit hindi mo sinabi!" bulalas niya. Tumaas ang boses niya sa tono na akala mo ay ako ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan sa mundo.

"Well, how was I supposed to know you'd close it? Ang bilis mo kaya," sabi ko, pinipilit na huwag mahalata na natataranta rin ako..hindi dahil sa pinto, kundi dahil kaming dalawa lang ang nandito sa maliit na espasyong ito.

"Hindi ko balak isara, okay?" sagot niya, at kita sa mukha nito na naiinis. Aba, siya pa talaga ang may ganang mainis?

"Sinara mo kaya. Nakita kita, naitulak mo 'yung pinto," giit ko. Tumaas ang isang kilay niya habang nag-cross ng mga braso. "Inalis mo pa nga 'yung pangharang na basurahan, eh."

"Malay ko ba!" she argued, pointing at the now-empty space by the door. "I don't know, okay? It was blocking the way. It looked... messy."

"Kaya nga nilagay 'yon doon," paliwanag ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses ko kahit na gusto ko nang tumawa sa frustration. "Para harangan ang pinto para hindi sumara ng kusa dahil nga sira."

"Ugh!" daing niya, kinuskos ang kanyang sentido. "Naiwan ko pa 'yung cellphone ko sa lab."

"Heh, ako rin," pag-amin ko, hinimas ang bulsa ng lab gown ko. Walang laman. Biglang bumalot sa mukha niya ang takot.

"Paano na tayo makakalabas dito?!"

"Kalmahan mo lang makakalabas din tayo," I said, surprisingly composed. "Binubuksan ni kuya Caloy 'tong CR kapag dumadaan siya."

"How do you know? Don't tell me," Panimula niya na parang may hinala itong nabuo sa kanyang isipan.

"Yes, I've been trapped here several times," ako na nag kompirma, may bahid ng pagkadismaya sa tono ko.

"Unbelievable," sabi nito, napailing ito ng ulo.

"Around 2:30, mag-lilinis na siya dito," I offered, glancing at an imaginary watch.

Tumingin ito sa relo niya.

"It's only 2:00 PM," she whined. Ang lamig ng boses niya kanina, ngayon ay napalitan ng boses ng isang batang nawawala sa mall.

"Yeah, we'll wait for 30 minutes. Isipin mo na lang, break time natin 'to." sabi ko at nag kibit-balikat.

"Oh God!" she exclaimed, pacing the cramped space. Dalawang hakbang lang, pader na agad.

​Bigla siyang napasinghap. Itinuro niya ang sulok kung saan nagtatagpo ang mga tubo at ang dingding.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon