Huebes at hindi ako ngayon mahahatid ng kuya ko sa work, kaya wala akong ibang choice kundi mag commute.
Ayaw ko talaga ang mag-commute, I somewhat hate crowds.
Introvert ata ako. I don't like too many people.
And I regret not taking my morning coffee.
Napabuntong hininga na lang habang umaakyat ng hagdan para sumakay ng MRT.
Shit!
Parang paakyat na ng langit tong hagdan na to sa sobrang taas.
Naghahabol na din ako ng hininga habang pumaparik pataas ng hagdan.
Parang bumalik na sa normal ang lahat after the Pandemic.
Too many People and siksikan sa public transportation lalo na dito sa MRT!
Ang haba ng pila sa check point, tutusok-tusukin lang naman loob ng bago at sardinas pa sa loob ng tren.
Isama ko pa sa rant ko ang security guard na naka PPE pero nakalabas ang ilong sa mask, tapos naghahanap pa ng vaccine card hindi naman chinecheck kung vaccine card ba talaga pinapakita.
"Ma'am vaccine card po?" Bungad niya nung papasok na ko ng platform.
Kaso di ko mahanap agad sa bag ko.
Saan ko ba nailagay yun?
"Dapat na ilabas niyo na bago pumasok"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wtf?
Alam kong protocol yun dito pero di ko maiwasang mainis. Buti sana kung sinusunod talaga nila ang protocol na pag check ng vaxx card eh gang sulyap lang sila minsan nga di na nila tinitingnan.
Buti na lang at nakita ko din yung vaccine card ko
"Ito po kuya" Nilapit ko yun sa mukha niya mismo. "Natingnan niyo po ba?"
Hindi ito umimik. Nakakabanas ng araw.
Lalo siya dumagdag sa init ng ulo ko
"Sige nga kailan ang last dose ko at anong brand ng vaccine ko?" Hamon ko sa kanya.
"Pasok na ko ma'am nandyan na ang tren," Sabi lang nito.
"Kita mo naghahanap ka di mo naman chineck talaga!"
Umalis na ko at mabilis na sumakay ng tren na saktong kakatigil lang. Ang dami na rin pumapasok kaya nakidigma na din.
Apakah...di ako mag-attitude for today's video.
It's 6am in the morning at maraming tao ang pumapasok sa trabaho walang traffic yet marami ng tao sa MRT.
***
Sisikan na sa loob pero may pumasok parin, hindi ako umalis sa pwesto ko malapit sa pinto para mabilis din ang paglabas ko pero wala akong mahawakan since may iba nakahawak sa pole sa gilid ng upuan.
Syempre mukang eww din kasi dami na humahawak.
Sa sitwasyon ito kailangan ko ng mahahawakan kasi isa ako sa hindi biniyayaan ng talento na magkaroon balance nang naka tayo habang umaandar ang tren.
or sadyang lampa lang ako.
Nang umaandar na ang tren, pinilit kong wag matumaba at mapahawak kahit kanino sa tabi ko kaya pwemesto ko ang aking mga paa sa alam kong tamang posisyon para magkaroon ng balanse.
Humarap naman ako sa pinto kasi dalawang istasyon na lang yung baba ko pero nabigla ako dahil may nakaharap din pa lang pasahero sakin sa pag harap ko.
Napadikit naman ang katawan namin dahil may umusog na sa likod ko dahilan para mawalan ako ng balanse at tuluyan na nakasandal sa taong nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again (GL)
ChickLitAll of my "what-ifs" would follow you. [Cover page not mine. Picture credits to the original owner. Source: Pinterest]