Chapter Thirteen

51 5 0
                                        


Parang kidlat na tumama sa gitna ng maingay naming breakroom ang announcement: "Temporary rotation assignments!"

Lahat kami ay nag-unahan sa tapat ng bulletin board. Para kaming mga deboto sa Quiapo na nakikipagsiksikan, minus ang debosyon, plus ang matinding kaba na baka mapunta sa Night Shift forever. Hinanap ng mga mata ko ang pangalan ko sa listahan at doon, sa gitna ng mga bold letters nakita ko pangalana ko.

Rosie Montelibano, RMT - Hematology Section

​Sa sandaling mabasa ko yun, parang sumabog ang kwarto sa reaksyon ng mga kasama ko.

​"Whaaat? Hematology?!" Luzviminda, habang nakahawak sa dibdib niya na parang siya yung nawalan ng dugo. "Girl, alam mo ba kung anong ibig sabihin nito? Official ka na sa toxic section!"

​Umikot si Mary Jane, nakabuka ang mga braso. "And away from HISTO? Ibig sabihin, malalayo ka sa amin? Anong klaseng malupit na biro to? Sinong mag-a-adjust ng settings ng microtome pag tinamad ako?!"

​Bumagsak si Claire nang madrama sa upuan at inihilig ang ulo sa likod. "A tragic separation. Sinusubok tayo ng universe. Pinaghihiwalay ang magkakadugo."

​Natawa ako nang mahina sabay iling.

​"Guys, taena ang dramatic niyo. Temporary lang naman. At sa totoo lang... medyo nakakahinga ako nang maluwag," sabi ko sa kanila.

​"Ay, relief ka niyan?" Naniningkit ang mga mata ni Luzviminda. "Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin sa Histo?"

​Napangiti ako habang nakatingin sa ibaba.

"Tanga magkikita pa rin tayo nasa harap niyo lang ang Hema mga O.A. Saka feeling ka Luzi di ka nmn official sa Histo, mas madalas tayo magkita sa Hema.." Sabi ko kay Luzvimida. Ampon talaga to ng Histo. Phleb kasi dapat to pero sa Histo tumatambay lagi.

​"Pero seryoso guys... malungkot din kasi hindi na tayo madalas magkakachismisan habang nag-aayos ng paraffin blocks," dagdag ko.

​"Sus, may iniiwasan ka lang eh, kaya ka ganyan," hirit ni Mary Jane.

​Natawa ako. "Siguro. I guess natututo na akong mabuhay nang hindi naghihintay sa isang bagay na hindi naman darating. Sabi nga sa Physics, for every action, there is an equal and opposite reaction. Ang action ko: lumayo. Ang reaction ng puso ko: tumigil sa pag-asa."

​Ngumisi nang nakakaloko si Claire.

"Tignan mo nga naman, grown up at emotionally mature na siya! I'm proud."

​"Emotional maturity o emotional surrender?" biro ni Luzviminda. "Kasi naniniwala pa rin ako na susugod ka sa Histopath isang araw para i-declare ang nararamdaman mo."

Umiling ako, ang ngiti ko ay malambot pero desidido. "Hindi na muna ngayon. Ngayon, focus muna ako sa trabaho, sa goals... at sa sarili ko. Kung ang tissue nga nina-nurture natin para lumabas ang tamang kulay sa staining, bakit hindi ko gawin yun sa sarili ko?"

​Nagkatinginan ang mga kaibigan ko..may halong impressed at skeptical..pero kitang-kita na masaya sila na nakatayo na ako sa sarili kong mga paa.

Char drama ko, kala mo naman sanggol.

​Nang tumahimik na ang paligid, huminga ako nang malalim. May bittersweet na pakiramdam na namuo sa dibdib ko.

​Wala nang daily glimpses sa likod ni Doc Ria sa hallway ng lab. Wala nang pag-aabang sa kahit katiting na atensyon mula sa kanya.

​Puro na lang bagong tasks, bagong routine. ​Minsan pala, ang pag-move forward ay nangangailangan ng ilang hakbang palayo.

Luh drama kala mo. Naman talaga dumaan sa heartbreak, na-professional zone lang naman.

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon