Chapter Seven

105 11 3
                                        

Humaba ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Doc Ria naging mabigat ngunit hindi nakakasakal.

Pakiramdam ko ay nakatayo ako sa bingit ng bangin, ang hangin ng kahinaan ay umiihip sa aking mga tainga.

Napalunok ako at hindi sigurado kung ano ang sasabihin, o kung dapat pa ba akong magsalita. Nanuyo na din ang lalamunan ko, parang lumunok ako ng isang dakot ng cottonballs.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsimula itong magsalita.

"Thank you for telling me," she said, eyes steady, her voice still soft but no longer tentative. "Hindi yon naging madali"

Napakurap ako. Ang dali ko lang nasabi, siguro dahil wala talaga ako sa sarili ko nung binitawan ko ang mga salitang 'yun. It felt like a thread was being tugged free from my chest. Hindi ako nakasagot kaya tumango na lang ako nang bahagya.

​Ibinaba niya ang tingin, saka bahagyang sumandal sa pader sa gilid ko. Muli niyang ipinagkrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib, pero mas maluwag na ang tindig niya ngayon.

Napasulyap ito sa akin.

Nanatili kami roon nang ilang sandali, ang pasilyo'y humaba sa paligid namin, nakapagtatakang tahimik.

"Gusto mong pumunta kung saan?" bigla niyang tanong.

Lumingon ako sa kanya, nagulat. "Saan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman kalayuan. Sa rooftop? O sa cafeteria? Parang kailangan mo ng sariwang hangin o mas maraming ensaymada."

Napatawa ako nang may pagkabigla. "Sorry, kalat ko ba kumain? Ang dami kasi nung cheese ng ensaymada, at ang sarap kaso mahal."

​"You always eat the same thing," she said, na parang pinag-aaralan ako ng kanyang tingin. "Every 3:30 p.m. Parang 'yun na ang naging pattern mo."

I covered my face with both hands, mortified.

​"OMG, napansin mo pa 'yun? Binabantayan mo ako no?" biro ko sa kanya, sinusubukang itago ang kilig sa likod ng pang-aasar.

Crush mo na ba ako niyan, Doc? Kasi ako, kanina pa gustong mag-celebrate dahil sa atensyong binibigay mo.

"hmm," she hummed. "I just notice a lot."

I peeked through my fingers and saw her smiling, isang maliit at palihim.

​I peeked through my fingers and saw her smiling..isang maliit at palihim na ngiti. There was something in it that felt... not just friendly. Not exactly flirty either. Just warm. Personal..

I I lowered my hands and nodded, heart still thudding. "Okay. Tara sa rooftop."

"Okay," Sabi niya, sabay talikod at nagsimulang lumakad nang dahan-dahan, naghihintay na sumabay ako sa kanya.

Nang maabutan ko siya, nanatili pa rin sa ilalim ng aking balat ang kuryente mula sa aking naspill na tea. Kundi lang talaga nagmamarites itong si Doc. Dala lang talaga yung ng adrenaline at pressure.

​I had a flimsy, almost horrifying thought that it might not be the end of the world if I came undone like that. Maybe, with her, it was a beginning.

​As the elevator doors slid open and we stepped in together, I realized something that sent another jolt through me..not of fear, but of fragile, terrifying possibility.

I wanted to know her more.  Not just the brilliant doctor with sharp eyes and cold poise.

But her.  Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya kapag mag-isa siya, kung anong kape ang gusto niya kapag pagod siya, at kung bakit ang lambot ng boses niya tuwing kami lang ang magkasama.

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon