Pumasok ako sa lab na amoy kemikal at amoy 'hospital core.' Pero imbes na ma-stress, bakit parang nakakaganda ng mood 'yung fluorescent lights?
Maybe it was the vibe. Maybe it was something or someone-else.
Tumigil ako sandali sa pintuan, pinakiramdaman ang paligid. Tahimik pa. Halos maririnig mo lang ang low humming ng centrifuge na parang nagdarasal, at ang mahinang tunog ng mga machines na parang pagod na rin sa buhay.
Awtomatiko, gumalaw ang mata ko. At gaya ng isang GPS na naka-program sa kaligayahan, nahagip ko agad siya.
Nakasandal siya sa pader sa dulo ng lab, may hawak na maliit na libro. Hindi ko alam kung textbook ba 'yun o journal article tungkol sa kung paano maging cold nang hindi nagiging yelo, pero halatang seryoso siya. Nakakunot ang noo niya, parang may ka-debate na invisible na pathogen.
Ang cute naman ng specimen na 'yan. Sarap i-culture sa puso ko, bulong ng malandi kong isipan.
Sa bawat paglipat niya ng pahina, nagbabago ang expression niya..minsan nakakunot, minsan para bang napapangiti ng bahagya. Bigla siyang tumingin pataas.
Nagkatinginan kami. Nagulat ako, kaya dali-dali akong umiwas ng tingin at kunwari ay inayos ang lab gown ko na wala namang gusot.
Pero sa gilid ng mata ko, nakita kong ngumiti siya ng bahagya bago muling bumalik sa binabasa niya.
Putek. 'Yung kape na ininom ko kanina, parang sinampal-sampal ako sa puso. Caffeine overdose ba 'to o dahil lang sa kanya?
Huminga ako ng malalim at tahimik na lumapit. Hindi ko na naririnig ang yabag ng sapatos ko sa tiles; para akong ninja na nag-aabang ng grasya.
Gusto kong sabihin na hindi ako kinakabahan pero malamang magsisinungaling lang ako at baka pati ang lie detector test ay sumabog. Every step felt calculated. Para akong tanga, pero hindi ako umatras.
Tumigil ako sa tabi niya. Hindi siya tumingin agad, pero alam kong naramdaman niya ang presence ko. Amoy formalin ako, amoy mamahaling sabon siya. Ang unfair ng mundo.
"Hi Doc," bulong ko, halos parang hangin lang na dumaan sa aircon.
Tumalikod siya sa akin, tinapunan ako ng tingin na parang tinitingnan kung pasado ba ako sa quality control.
"Rosie," malumanay ang pagkakasambit. "Nice to see you early."
Nagkibit-balikat ako, feeling cool kahit ang totoo ay nagha-hyperventilate na ang lungs ko.
"Why? Lagi ba akong late?"
Itinaas niya ang isang kilay, matalim ang tingin.
"I can tell. Then you also have the audacity na mag-breakfast pa bago pumasok."
Napangiti ako. Nagtago ako ng ngiti sa gedli. So, pansin niya pala ang existence ko?
"I'm impressed, Doc. So binabantayan mo pala ako?"
Ay, yawa. That sounded flirtier than intended. Self, kalmahan mo ang landi, nasa trabaho tayo.
Tinapunan niya ako ng tingin saka bumalik sa binabasa niya.
"Yes," sagot niya, sabay balik ng tingin sa libro. "I guess," dagdag niya, mas mahina pero sapat para marinig ko at magdiwang ang lahat ng cells sa katawan ko.
Biglang tumahimik. Parang lumamig bigla ang hangin sa pagitan naming dalawa, or baka naka-full blast lang ang aircon ng lab.
Hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin, kaya nagbitaw na lang ako ng isa pang linyang pang-out of this world.
BINABASA MO ANG
Begin Again (GL)
ChickLit"When the heart flags a critical value, can love still find a way to stabilize?" [Cover page not mine. Picture credits to the original owner. Source: Pinterest]
