Chapter Ten

79 6 0
                                        

"Taena, MJ, saan ba dito bahay ni Claire?"

Bulyaw ko habang pilit na inaabot ang likod ko para mag-punas ng pawis. Para na akong gripo na nasira ang valve.

Alam ko namang wala ring idea si Mary Jane, pero kailangan ko lang talaga ng masisisi sa mga oras na ito.

Ito 'yung mga sandali na dapat nag-Stay at Home na lang ako at nagpakalunod sa Netflix, pero heto ako..naliligaw, amoy mandirigma, at gutom na kayang kumain ng kahit buhay na manok.

"Di ko na tanda, eh." sigaw ni MJ pabalik.

Ah, siyempre. Bakit mo nga ba tatandaan? Minor detail lang naman ang address.

Okay lang na mag-field trip tayo sa ilalim ng tirik na araw.

"Shit, naliligaw na ata tayo," sabi ni Luzviminda, na parang bagong realization pa lang 'yon.

Girl, sa wakas! Fifteen minutes na tayong paikot-ikot, 'yung asong askal sa kanto, pangatlong beses na nating nadaanan. Kakilala na natin siya. Close na kami.

Biglang tumuro si Luzviminda sa dulo ng kalsada. "Ayon! May jeep! Sakay tayo, dali!"

May jeep nga. Nakaparada. Tahimik. Mukhang malalim ang iniisip, parang nagmumuni-muni kung magre-resign na ba siya bilang sasakyan.

​"Sure ka ba na biyahe 'yan? Parang suspicious ang aura niyan, ah?" tanong ko.

May instinct akong nagsisigaw na: 'HUWAG MONG SUSUBUKAN, MASISIRA ANG BUHAY MO!'

​"Hindi ko alam! Ask na lang natin si Manong Driver!" sagot ni Luzviminda. Walang hiya talaga.

​Pero hindi na kami umabot sa "Asking Phase."

​"Dali-dali! Sakay na, mga merlat! Bilisan niyo!" sigaw ni Luzviminda sabay takbo na parang hinahabol ng mga creditors

​"Wait lang! Napaka-active ng sweat glands ko, wait!" sigaw ko pabalik. Hinihingal na ako, pero siyempre, walang pakialam ang universe sa lungs ko.

​"Abay bilisan niyo, baka umalis pa 'yan!" hirit ni Luzviminda, na akala mo ay ito na ang huling helicopter palabas ng isang zombie apocalypse.

​At bago pa makapag-sign of the cross ang kaluluwa ko... nasa loob na kami.

Pag-upo ko pa lang, may sumampal agad sa akin na kakaibang vibes. Hindi "Good Vibes." Hindi rin "Chill Vibes." Kumbaga sa lab, ito 'yung vibes ng isang contaminated na specimen.

​"Girl... bakit tayo pinagtitinginan? Close ba natin sila?" bulong ni Mary Jane. Mukha siyang gustong maging invisible at magpalamon na lang sa lupa.

​Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao. May mga dalang bayong. May cooler. May mga lobo na kulay pink at gold. May cake box. At... isang container na may lamang lumpia.

​"Baka akala nila Badjao ka," bulong ko kay MJ. Mukha kasi talaga siyang legit na Badjao dahil sa shawl na nakapulupot sa ulo niya para iwas-init.

"Gago! Ikaw nga ang pinaka-mukhang Badjao sa ating tatlo!" balik niya sa akin.

​"Shhh! Tahimik nga kayo! Nakakahiya!" sita ni Luzviminda..na siya rin naman ang dahilan kung bakit kami napadpad sa experimental phase na ito ng kahihiyan.

​Napalingon ako sa katabi kong kuya. Hawak niya ang container ng lumpia.

Ang bango. Mainit-init pa. Biglang nag-Rave Party ang sikmura ko.

​"Kuya, anong lumpia 'yan? 'Yung may togue o 'yung may karne?" tanong ko.

Nag-feeling close agad ako, with eye contact, with confidence, with pure audacity.

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon