Chapter Eleven

68 4 0
                                        


Kinaumagahan, pumasok ako sa lab na parang sundalong galing sa giyera pero nanalo.

Kahit medyo masakit pa ang binti ko mula sa pagka-hulog sa kanal dahil sa rambutan picking at may ilang kagat pa ng lamok na mukhang mga secondary lesions na mula sa garden nina Claire, taas-noo pa rin ako.

Bitbit ko ang paper bag na puno ng piniling rambutan..'yung mapula, malaki, at siguradong walang higad na handang mang-harass ng balat.

"O, Rosie, mukhang fresh tayo ah. mataas ata ang dosage ng kape mo?" bungad ni Luzviminda habang nag-aayos ng logbook.

Halatang makati pa rin ang likod niya dahil panay ang kuskos niya sa gilid ng pinto.

"Tumigil ka, Luzi na kinapitan ng higad. Ang misyon ko ngayon ay lagpasan ang charm ni Dr. Tuko," bulong ko sabay sulyap sa dulo ng lab.

Pagdating ko sa Histopath section, bumungad agad sa akin ang isang tanawing kailangan ng matinding biopsy.

Andoon sila. Sa tabi ng grossing table. Si Doc Ria, seryoso gaya ng dati..immaculate ang lab gown na parang hindi tinatablan ng mantsa ng dugo o dumi..habang tinitingnan ang isang slide.

At siyempre, ang residenteng hindi marunong lumugar: si Dr. Vicente Tan.

Nakasandal siya sa counter, hawak ang isang cup ng kape na naman at parang may binubulong na nakakatawa.

Nakita ko pa ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Doc Ria, pero nung napansin nilang papalapit ako, biglang naging seryosong-seryoso ang atmospera.

Anong shift 'to? From Rom-Com to Medical Documentary?

"Actually, Doc, I was reading this recent study about IHC staining patterns... very fascinating," sabi ni Dr. Tan, na parang nagpa-practice para sa audition ng Grey's Anatomy.

Wow. IHC staining patterns? Agahan pa lang, kailangan ba talagang maging ganyang ka-intellectual? Mahiya naman ang itlog at sinangag ko sa brain cells mo, Doc!

"Yes, Vicente. It's a good reference," maikling sagot ni Ria, pero nakita ko ang bahagyang pag-angat ng tingin ni Doc Tan nang marinig ang yabag ko.

Aba, overtime ang dimples natin ngayon ah, sa isip-isip ko. Sarap tusukin ng syringe.

Huminga ako nang malalim, inayos ang collar ng lab gown ko, at lumapit na parang ako ang may-ari ng buong Pathology Department.

"Good morning, Doc Ria. Good morning, Doc Tan," bati ko sa pinaka-professional kong boses.

'Yung mga specimen sa loob ng jar, feeling ko napa-fixative sila sa ganda ng boses ko.

Tumigil sila. Doc Ria looked up, her gaze steady and cool as always.

"Good morning, Rosie. You're... five minutes early today. That's a record," Doc Ria said, her tone flat pero may kasamang maliit na ngiti..iyung ngiting hindi nakikita ng mga taong may Sertoli cells lang ang alam.

"Hi, Rosie! Energetic as always," bati ni Dr. Tan, na tila balak na naman akong i-classify bilang isang dambuhalang energy drink. "Anyway, Ria, about that slide... I think we should re-examine the margins."

Ria? Ria talaga ang tawag niya? Close kayo?! Mag-pinsan ba kayo?!

Hindi ko hinayaang makahirit si Dr. Tuko.

"Doc Ria, pasensya na sa abala. I just wanted to give you this," sabi ko, sabay lapag ng paper bag sa counter..malayo nang konti sa mga specimens, safety first, landi later.

"What's this?" tanong ni Doc Ria, habang tumataas ang isang kilay niya.

"Rambutan po. Galing sa out of town namin kahapon," sagot ko nang may halong pahiwatig. "Masarap yan, Doc. Freshly picked. Mas authentic yan kaysa sa mga... nabibiling pasalubong lang sa tabi-tabi na mukhang matamlay."

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon