Chapter Fifteen

76 5 4
                                        


Alas-tres ng madaling araw. Ang oras kung kailan ang buong ospital ay parang nasa ilalim ng tubig..tahimik, mabigat, at puno ng mga anino. Sa Hematology, tanging ang ritmikong ugong ng analyzer at ang mahinang pag-click ng mouse ko ang maririnig.

Yung kaduty ko na si Georgina nagwards din kaya ako lang mag isa sa section ko.

Sabi nila may batang multo daw dito, pero wala akong pake baka maglaro pa kami ng jackstone na dalawa para di ako antukin.

Pang-limang tasa ko na yata ito ng kape, pero ang antok ay parang linta na kumakapit sa talukap ng mata ko.

Sumandal ako sa counter at pinikit ang mga mata ko kahit limang segundo lang.

"Sleeping on the job, Ms. Montelibano?"

Napatalon ako sa gulat. Muntik ko nang maibuhos ang malamig na kape sa keyboard ng PC. Pagmulat ko, nandoon siya..nakatayo sa may hamba ng pinto ng Hema, halos lamon na ng anino ang kalahati ng kanyang katawan.

Wala siyang suot na lab coat. Tanging ang navy blue scrubs niya lang na may tatak ng ospital, at ang buhok niyang karaniwang nakapusod nang maayos ay medyo gulo na, may mangilan-ngilang hibla na tumatama sa kanyang mukha.

Bakit kahit mukha na siyang hindi natulog nang tatlong araw, ang ganda pa rin niya? Hustisya naman para sa aming mga mukhang Giardia kapag puyat.

​"Doc! Papatayin niyo po ba ako sa gulat?" hawak-dibdib kong sabi habang sinusubukang pakalmahin ang puso kong nag-tachycardia na. "Hindi ako natutulog. Nag-me-meditate lang, kinakausap si Lord"

"Meditating with your mouth slightly open?" biro niya. Pero ang boses niya..wala yung karaniwang talim. Paos ito, mababa, at parang may dalang kakaibang haplos na hindi ko inaasahan sa ganitong oras.

​"Doc! Gising pa pala kayo? Akala ko naka-uwi na kayo nung alas-diyes," tanong ko habang pilit na inaayos ang nagulo kong lab gown, kahit alam kong mukha na akong expired na specimen sa ilalim ng fluorescent light.

​"Obviously," tipid niyang sagot habang dahan-dahang naglalakad palapit sa workstation ko. Ang bawat hakbang niya ay walang tunog sa rubberized floor ng lab.

​"Bakit hindi pa po kayo umuwi? Wala na po kayong rounds ng ganitong oras, di ba?" tanong ko uli habang binubuksan ang cover ng microscope para maglinis ng stage, pilit na iniiwasan ang titig niya.

​"I could ask you the same thing. Bakit ka nag-graveyard? I thought you hate the night shift," balik niyang tanong. Nakatayo na siya sa likuran ko, sapat na para maamoy ko ang hinalong amoy ng kape at 'yung pamilyar niyang floral musk na tila mas tumapang sa init ng balat niya.

​"Kailangan ko po ng night differential pay. Pambili ng... kape," biro ko, pero hindi siya tumawa.

Tinitigan niya lang ako nang matagal..yung titig na parang binibilang niya kung may namuo ng dark circles na ang nakuha ko sa puyat..

Lumapit ako sa monitor at humawak ng mouse kunwari na my titingnan lang ako.

Huminga siya nang malalim at umupo sa swivel chair sa tabi ko. Hinila niya ang upuan niya nang sobrang lapit, dahilan para magkadikit ang aming mga tuhod. Sa ganitong oras, nawawala ang cold aura niya. Mukha din siyang pagod na sa buhay.

Same Doc. Same.

"I can't sleep in the call room," pag-amin niya habang nakatingin sa monitor ko na puno ng scatter plots. "The silence there is too loud. It makes me think too much."

"Baka naman nami-miss niyo lang yung ingay ko dito," hirit ko, sinusubukang ibalik ang dati naming asaran para hindi ako malunod sa seryosong tingin niya.

Begin Again (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon