Eto na nga. Nakaupo kami ni Ate Alanna sa isang cozy na coffeshop sa tapat ng ospital. Ang bango ng garlic at herb, at sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na hindi amoy lysol ang nilalanghap ko.
"You should try their Carbonara, Rosie. It's good" masayang sabi ni Alanna habang nag-aayos ng table napkin. Natawa ako.
"Sige po, Doc. Mukhang masarap nga, pang-heavy duty ang servings."
Nang ma-serve ang food namin, naging magaan ang usapan namin ni Ate Alanna. Tungkol sa mga aso niya, tungkol sa med school, at kung paano nairaraos ang mga 36-hour duty. Magaan si Ate Alanna..siya yung tipo ng tao na parang laging golden hour ang aura.
"Rosie, okay ka lang? Parang tinitignan mo 'yung carbonara na parang may parasite," biro ni Ate Alanna habang humihigop ng iced tea.
"Ah, eh, opo. Na-distract lang po sa dami ng tao," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang kuryente. Yung pakiramdam na parang may matalas na pares ng mata na nakatitig sa batok ko.
Biglang bumukas ang pinto ng shop.
Kasabay ng pag-tunog ng maliit na bell sa itaas ay ang pagpasok ng isang pamilyar na aura. At literal na nabilaukan ako nang makita ko kung sino ang pumasok. Isang presensya na kahit hindi ko lingunin, alam ng bawat balahibo ko sa braso kung sino.
Si Doc Ria. Mag-isa.
Anong ginagawa niya rito? Kala ko busy siya! At ang mas malala, nakasuot pa rin siya ng white coat. Sino ang lumalabas ng ospital na naka white coat para pumunta ng coffee shop?
The fomites are shaking.
Hindi siya mahilig kumain sa labas, lalo na sa mga ganitong maingay na lugar. Pero heto siya, dire-diretsong naglakad papunta sa counter, hindi man lang tumitingin sa direksyon namin. Pero alam kong alam niya kung nasaan kami. Ramdam ko.
"Oh, look! Ria is here too," ani Alanna, kumakaway pa nang may malapad na ngiti. Wala talaga siyang kamalay-malay sa tensyong namumuo sa pagitan namin. "Ria! Over here!" Tawag pa ni Ate Alanna.
Nanlamig ang hawak kong tinidor. Dahan-dahan akong lumingon at sinalubong ang tingin ni Doc Ria. Kung kanina ay malamig lang siya, ngayon ay mukha na siyang handang mag-autopsy ng buhay na tao.
"The cafeteria was... crowded," maikli niyang sagot habang lumalapit sa table namin. "I'm just here for coffee," matipid niyang sagot. Huminto siya sa mismong gilid ng table namin may dala itong service water.
"Join us na, Marami pang space! Rosie and I were just talking about how much better the food is here kaysa sa cafeteria," alok ni Ate Alanna.
Gusto ko sanang sipain si Ate Alanna sa ilalim ng lamesa. Ate, bakit?!
"I'm sure," sabi ni Ria. Ang boses niya ay kasing lamig ng nitrogen tank. Ang tingin niya ay bumagsak sa platito ng bread sticks ko, tapos lumipat sa akin na tila binibilang ang bawat hibla ng buhok ko. "Wala ka bang backlogs sa Hematology, Ms. Montelibano? I heard the analyzer had a minor glitch earlier."
"Tapos na po, Doc. I endorsed it properly before leaving," sagot ko nang diretsahan. Gusto ko siyang inisin.
"Hey, no work-related topics muna outside the hospital. Let the girl eat, Ria. Masyado kang seryoso," sabi ni Ate Alanna sabay tawa.
"Okay... I wouldn't want to intrude on your... catch-up session," sabi ni Ria. Pero bago pa man kami makasagot, naupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi sa tapat ni Alanna, kundi sa tabi ko mismo...sobrang lapit na halos magkadikit na ang mga siko namin. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit na nagyeyelo ang titig niya.
BINABASA MO ANG
Begin Again (GL)
ChickLit"When the heart flags a critical value, can love still find a way to stabilize?" [Cover page not mine. Picture credits to the original owner. Source: Pinterest]
