"When the heart flags a critical value, can love still find a way to stabilize?"
[Cover page not mine. Picture credits to the original owner. Source: Pinterest]
masigla kong bati pagpasok sa histopath room, dala ang isang bagong set ng slides. Hindi ako tiningnan ni Doc Ria mula sa kanyang microscope.
"Morning." bati niya
Huminto ako, naghihintay ng... may mas higit pa. Isang sulyap. Isang ngiti. Kahit ano. Pero ang katahimikan ay kasing lamig ng aircon na naka-set sa Siberia.
Still, I smiled. Siguro busy lang siya.
"I brought you a coffee, black americano," I said, placing a hot cup beside her desk, the lid labeled in my messy handwriting: Have a nice day Doc.
"I don't drink it with sugar," Ria replied without missing a beat.
"Exactly! It's as bitter as your trust issues," Bumuwelta ako, habang humahalakhak.
Dahil doon, bahagyang kumibot ang labi ni Doc Ria. Halos hindi mahahalata, pero para sa akin, isa itong tagumpay.
I mentally placed a gold star on the imaginary scoreboard.
The cytology room was quite, save for the soft hum of the centrifuge and the occasional rustle of my lab gown.
Umupo ako sa kabilang microscope, sa tapat niya, habang sumisilip sa isang slide.
Nakangisi ako na parang tanga, nakasandal sa microscope na ang isang kamay ay dramatikong nakataas sa ere.
"Doc Ria?" tawag ko sa kanya, sinadyang lakasan ang boses para marinig niya.
"Can you please check this slide, pa-confirm kong Monocyte ba ito?" Binitawan ko ang salita na tila ba isang seryosong propesyonal.
Mula sa kabilang lamesa, bahagyang itinaas ni Ria ang isang kilay, nakakrus ang mga braso. Ang tanong niya ay may bahid ng pagtataka at konting panunukso.
"What? You can't Identify a Monocyte now?"
Hindi ako nainsulto sa sinabi niya. Sa halip, nagpanggap akong nasaktan, kahit na halata sa kanyang tingin na may pagdududa siya, na para bang may binabalak akong kalokohan.
Alam niyang mayroon.
"Kaya nga check mo lang, para sure," giit ko, pinipigilan ang tawa na gustong kumawala mula sa aking bibig.
Dahan-dahan, na may kaunting pag-aalinlangan, lumapit si Doc Ria.
Umusog ako nang bahagya para magbigay puwesto sa kanya. Inayos niya ang focus, sumilip sa mikroskopyo, at saka kumurap nang ilang ulit.
Dahan-dahan napatingin sa akin si Doc Ria
"Seriously?" in her flat tone.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The white blood cell on the field had a heart shaped nucleus. Perfectly symmetrical. Like it belonged in a valentines card rather than a hematology report.