Every saturday nakatoka na kong bisitahin si daddy sa hospital...But this time its different papakilala ko kasi si Phoenix sa kanya hindi ko sigurado kung matatanggap nya si Phoenix.
"Sheena!! How are you?" sabi ni daddy
"Ok naman daddy...Daddy pwede na ba kong magboyfriend hindi ko naman papabayaan yung pag-aaral ko"
"No Sheena hindi pa pwede gusto mo bang matulad samin ng mommy mo?"
"Daddy hindi naman kami magpapadala sa emosyon namin eh please"
"Sino ba yang boyfriend mo?"
"Si Phoenix Cox po"
"Anak talaga kita magaling mag joke! ang gwapo nun tapos mayaman pa sa daming babaing nakapaligid dun ikaw lang ang magiging girlfriend"
"Daddy wala ka bang tiwala sakin? Dugo mo ata ang nananalaytay sa kagandahan ko"
"Anak sabihin mo nga nag-aadik ka ba?"
"Daddy Im serious"
"Anak kung totoo man yang sinasabi mo... mas lalo akong hindi papayag kilala ko yang mga Cox kung ayaw mo masira ang kinabukasan mo lumayo ka na sa anak ni Joseph ok?"
"Bakit hindi naman sila masama ah! gagawin pa nga akong artista ng tatay nya. Sya yung sinalinan ko ng dugo!"
" anak sa tingin mo kung isa kang tagapagmana ng isang malaking network company at nagiisa ka lang anak... Ganun ka lang ba bibitawan ng mga magulang mo sa anak ng isang doctor? huwag ka mag alala anak pag nagkaospital ako pwede ka nang magpakasal dyan sa sinasabi mo"
"Daddy free ka ba mamaya?"
"Oo mga 3 off ko bakit anak?"
"Kita tayo sa favorite resto mo sama ko si Phoenix"
"Fine! ano pa bang magagawa ko"
3:30 na ng makadating si daddy sa restaurant.
"Sheena kinakabahan ako...." sabi ni Phoenix
"Hindi naman monster ang daddy ko"
"Hi, anak sorry Im late..."
"Ok lang daddy.... daddy si Phoenix nga pala"
"Boyfriend ka ba talaga ng anak ko?"
"Opo sir"
"Alam ba to ng tatay mo?"
"Hindi po sir kilala nyo naman po si Dad diba?"
"Sabagay tama ka dyan I know your dad for a long time.... I also know his moves"
"Yung totoo ayoko pang mag boyfriend si Sheena at ayoko rin dumikit si Sheena sa Pamilya mo dahil ayoko syang mapahamak....pero mahal ka ng anak ko.... One mistake lang ako na mismo ang maglalayo sa inyo naiintindihan mo?"
"Opo sir"
"Daddy wag mo namang takutin si Phoenix"
"Pinapangaralan ko lang sige na kain na kayo... 2 hours lang ako dito baka hanapin na ko ng asawa ko"
"Sige daddy..."
Sana naman naintindihan ni Phoenix yun.. One mistake lang kaya kaylangan nyang pag ingatan ang beauty ko...
Paguwi ni daddy naglakad-lakad kami ni Phoenix sa Park.
"Captain pano kung isang araw mawala ako sayo" sabi ni Phoenix
"Edi iiyak ako tapos magwawala at higit sa lahat mag move on eh ikaw pano pag nawala ako?"
"Edi... Iiyak ako, Mag wawala at tatapusin ang buhay ko"
BINABASA MO ANG
We Meet Her
Teen FictionSi Sheena ay isang top student gaya ng kanyang kakambal na si Kenzo. One day bigla nalang nagbago ang lahat ng iligtas nya ang 5 lalaki na parating sumisira sa araw nya. Witness the romance and complications in their lives as they make a complicated...