Chapter 7 Love or Not

22 0 0
                                    

Pinag isipan ko yung sinabi ni Phoenix pero ayaw kong pumunta.

Tumawag sakin si daddy. Sabi nya may medical mission daw sya at kaylangan nya daw ng volunteer kaya ako sumama. Pagbaba ko ng kotse Sitio Andres Orphanage!!!

Kinulbit ako ni Phoenix

"I knew you'd come" sabi nya

"So this means Yes!" Dagdag nya

"Huh? Teka nagkakamali ka Nagkataon lang to! "

"Huh? What? Ah You mean the medical mission? That's part of my plan. Sinabi ko sa dad mo na isama ka sa mission."

"Sabi ko na nga ba eh! Kayo ba host ng party dito sa sitio?"

"Yah! Ginagawa namin to every year ngayon lang kami nagka medical mission"

"Bakit para pumunta ko?"

"Hindi no! Assuming ka masyado kasi naisipan ni Mom na magkaroon ng medical mission tapos nag suggest ako na kayo nalang ang kunin"

Pagkatapos nya iexplain hinila nya ako papunta ng nursery room. Tahimik kaming pumasok sa loob dahil baka magising ang mga natutulog na cute babies.

"Anong ginagawa natin dito? Baka magising sila" bulong ko

"Huwag ka maingay!" Bulong nya

Napalakas ata yung bulong ni Phoenix kaya umiyak yung isang bata. Kinuha ko yung baby at binuhat.

"Shh!! Baby tulog na" sabi ko habang nakatingin sa baby. Napatingin ako kay Phoenix

Ngumiti sya at sinabing " Ang cute mo pala pag naging mommy"

Napahiya naman ako kaya pinatahan ko nalang yung baby. Nakatitig lang sya sakin. Mga 2 oras din yun maya maya ay pina-upo nya ako sa may bench sa likod ng Orphanage.

"Bakit sa orphanage mo gustong makipagkita pwede naman sa mall" sabi ko

"Ah yun ba! Ganito kasi yun yung asawa ni dad hindi talaga sya ang tunay kong Mom" sabi nya

"Huh? What ? Hindi ko maintindihan" sabi ko

"Maid lang ang Biological mom ko sa family ni dad nung mga time kasi noon busy yung asawa ni dad abroad kaya na fall sya sa bilogical mother ko. Something Happened at nalaman yun ng asawa ni dad. So lumayas ang mom ko kasama ako. Dito nya ako dinala sa Orphanage na ito. Kaya naman ako bumalik sa dad ko kasi hindi sila magka anak nung asawa nya. I came here once a year with or without parties because I am hoping that she will come back for me or look for me." Tapos biglang tumulo ang mga luha nya.

Nagulat ako kasi bigla syang umiyak. Niyakap ko nalang sya para mapalagay ang loob nya.

"Bakit mo ko niyayakap hala ka baka kung ano isipin ko." Sabi nya

"Ah eh ewan nakita lang kitang umiyak biglang... Basta!" Sabi ko sabay alis ng yakap ko.

Pumunta na kami sa learning room para magturo sa mga bata.

"Ok kids ang babasahin ni ate sheena ngayon ay The Story of Cinderella." Sabi ko sabay tuloy ng kwento.

Si Phoenix naman ay nakatingin sakin. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa pagbabasa.

"Ate sya po ba yung prince?" Tanung nung bata sabay turo sa kanya.

"Huh? Ahmm.."

"Oo ako yung prince" sabi ni Phoenix

"Eh sino po si cinderella?" Tanong nung isa pang bata.

"Yung naka jeans na nagbabasa ng libro diba kids mukha syang princess" sabi ni Phoenix

"Opo mukha syang princess" sabi nung bata.

"Oh! Bat ka namumula? Kinilig kana agad" sabi ni Phoenix

"Huh? Hindi ah! Asa!"

"Kuya diba po ang prince at princess nag kikiss? Edi pwede po kayo mag kiss?" Sabi nung isang bata

"Hindi pwede ayaw kasi nung princess" sabi ni phoenix biglang titig sakin.

"Please!!" Sabi ng mga bata

"Osige! Isa lang sa cheek lang" sabi ko.

Lumapit sakin si phoenix at unting unti nya nilapit ang kanyang malaprinsiping mukha sa mukha ko at kiniss ako sa pisngi. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bago kami pauwiin pinagactivity muna namin yung mga bata. Dahil busy ako inutusan ko muna si Phoenix na kumuha ng gunting. Pag dating nya naisip ko na kulang yung glue kaya pinabalik ko ulit sya sa sasakyan at pinakuha yung glue. Pagbalik nya nagkulang kami sa lapis kaya pinakuha ko ulit sya. Pagbalik nya pagod na pagod at galit na galit.

"Hindi porket alam mo na may gusto ako sayo pwede mo nang samatalahin at utos utusan lang hindi mo ba alam anak ako ng isang CEO, Isa din akong Model at bachelor! Tapos kung mautusan mo lang ah!! Kung hindi lang kita mahal kanina pa kitang Naupakan!" Sabi nya.

"Bakit sinabi ko bang sundin mo ko bakit pwede ka namang tumanggi ah! Wag ka mag alala ako nalang ang kukuha sa susunod"

"Pano ko hindi susundin eh utos ng mahal ko yun?" Sabi nya.

"Pwede ba itigil mo na ang pagtawag sakin nyan!"

"Alin?"

"Yung Mahal, Naasiwa ako!"

"Maasiwa ka pag pangit ang nagsabi pogi ko kaya!"

"Hindi kita kailangan ! "

"Sure?"

"O.." Hindi ko na naituloy kasi muntik nya na ako halikan!

"Anong ginagawa mo?" Tanung ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"If you lie again. Baka maituloy ko tong iniisip ko" sabi ni phoenix.

Napalunok nalang ako. Lumabas na naman sya at mukhang badtrip. Pagkatapos ko nag empake na kami dahil sinamahan ko sya maghapon hindi ko tuloy natulungan si daddy. Bago ako sumakay sa kotse lumapit ako kay phoenix.

"Galit ka sakin?" Tanong ko

"Hindi ako magagalit sayo never basta kita nalang tayo bukas" sabi nya

"Hindi ako papasok magkakasakit ako bukas pag pumasok ako wag kang lalapit baka mahawa ka pa?" Sabi ko

"Di ko gets? Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi naman sa ganon ayoko lang malagas ang buhok ko Ok!"

"No its not from now on You cant order me around! I will do what I want even you cant stop me "

"Fine! Jan ka na nga!" Sabi ko sabay alis.

Pag uwe ko nakatulog agad ako sa pagod. Napanaginipan ko yung kiss sa cheek kanina!!. I think Im.. No! Hindi pwede!! Alang alang kay kenzo! Kaya lang ako lumalapit sa kanila. Mainlove kana kahit kanino wag lang kay Phoenix! Kahit ano pang bait, Cool pa gwapo, ngiti huwah ka mag papadala masasaktan ka lang Sheena! Stop It Stop Falling to that Guy!

We Meet HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon