Chapter 3 Music Room

38 0 0
                                    

Chapter 3 Music Room

Kakatapos lang ng math class. Papunta na kong canteen ng makadinig ako ng nag pa piano habang kumakanta.

🎶 Say something I'm giving up on you...🎶

Nakaka- inlove yung boses kaya sumilip ako saglit. Si Zaironne pala!! Kaya hindi na ako nagtaka. Kaso ngayon ko lang sya nadinig. Kalimitan kasing si Lucho lang ang nag pe-perform.

Habang nakasilip ako may bumangga sakin. Kaya napapasok ako sa music room.

Nagulat si Zaironne. Napatingin naman ako sa kanya.

AKWARD!!

"Kanina ka pa jan??" Pagulat nyang tanong

"Ah eh!! Kasi.. Ano... Eh"

"Wait lang.. Parang kilala kita.. You're the one who help us from the fight right?"

"Oo, Ang ganda pala ng boses mo"

"Nadinig mo?"

"Medyo"

"Tsskk!! Ok wag mo nalang ipagsasabi na nadinig mo ako ok??"

" bakit?"

" wag ka ng magtanong! Wait may kukunin lang ako wag kang aalis jan"

"Ok"

May babaing biglang pumasok. "Hoy! Sheena right? " sabi nya.

"Oo bakit? Di ba ikaw yung Anak ng may-ari ng school?"

"Oo ako nga so?"

"Bakit ka ba nandito?" Mahinahon kung tanong

"Obvious ba? Para paalisin ka! Look hindi ka bagay kay Zaironne, Eon, Lucho, Ford lalong lalo na kay Phoenix!"

"Alam mo di kita gets! Lilinawin ko lang ang lahat huh! Wala akong gusto sa 5 na yan. Wala din akong balak na landiin sila dahil hindi ko yun gawain"

" so are you saying that you don't like Zai and Lucho? Eh bakit biglang pinansin ka agad nila? As far as I remember kasi lately kasali ka sa Bully list nila."

"Excuse me! Hindi ako yung malandi dito. Hindi Ko naman kasi ex si Ford at Hindi ko naman nilalandi si phoenix. Tsaka nagtataka nga ko kung bakit nakakalusot yang pambu-bully sa school na ito eh!"

" you little brat!" Tapos bigla nya akong sinambunutan.

"Aray ko!" Malandi ka!! Sabi ko sabay tulak sa kanya

Pero sinambunutan parin nya ako.

May biglang pumasok sa music room.

"Ano ba Kristel!" Sabi nung pumasok , sabay hawak sakin.

"Ford?" Sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Ford! Bakit mo hawak yang babaeng yan! Dapat ako ang kinakampihan mo!"

"Kristel! Stop this. Sa tingin mo kakampihan pa kita after nito? Hindi mo pa ba maintindihan WALA na tayo. It means SAWA na ako sayo! "

"Teka lang bitawan mo nga ko!" Sabi ko. "Kung may problema kayong 6 wag nyo na ako idamay!" Dagdag ko.

"Problem? Nandun kana agad OA huh!" Sabi ni ford sakin.

"Ok I will say this once Kristel If you ever do this again to her. Ako na ang makakalaban mo!" Sabi ni ford

"Arghh!! I hate you both!" Sabi nya sabay walk out.

Biglang pumasok si Zaironne.

" Oh! Ford kanina ka pa ba jan? Anong nangyare?"

"Ewan ko sa inyo!" Sabi ko sabay walk out.

Unang araw palang to simula nung tulungan ko sila. Lalo pa ata ako mapapasama sa mga darating na araw.Mas maganda pa siguro kung hindi nalang ako tumulong. Tsskk!!

We Meet HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon