Chapter 6 Extraordinary Suitor!!

37 0 0
                                    

Dahil nga dun sa sinabi ni phoenix sa concert hindi na ko nagtataka na kumalat to!! Iba talaga ang nagagawa ng isang Hearthrob sa buhay mo gumugulo!

Gaya nga ng sinabi ko simula sa raw na ito miserable na ang buhay ko. Una habang papasok ako sa gate may nambato ng papel sa ulo ko!

Binuklat ko yung papel akalain mo yun may nagbabanta na agad sa buhay ko? Pangalawa habang naakyat ako sa hagdan papunta sa room ko may nanalisod sakin nadapa tuloy ako! Buti nga nakaakyat pa ako ng buhay. Kaso yung teacher naming fan ni phoenix ang init ng ulo sakin! Ang hindi ko kinaya ay ang pagbubuhos sakin ng Iced tea! Dahil sa init ng ulo ko sinugod ko sina Phoenix. Magkakasama silang 5 kausap nila si Kristel

"Hoy Phoenix bawiin mo yung sinabi mong nililigawan mo ko!" Sabi ko

"Anong nangyare sayo? " tanung nya.

"Ano nililigawan mo si Sheena pare naman uunahan mo pa kami?" Sabi ni lucho

"Kami??" Sabi ni Ford

"Kaila pa kayo gusto nyo din naman si Sheena!" Sabi ni Lucho

"Huwag ka nalang makinig jan kay Lucho may pahid yan ngayon" sabi ni Zaironne.

"Ang Dumi mo tingnan! Ah I know may extra Dress sa Locker ibibigay ko nalang sayo" sabi ni Kristel

"BFF na pala kayo parang dati nagsasabunutan lang kayo" sabi ni Ford

"Friends na kami no! Naiexplain ko na ang lahat sa inyo kaya wala ng problema" sabi ni Kristel

Nagpunta kami sa Locker room at nagbihis ako.

"Maganda ka pala pag naayusan" sabi ni Kristel

"Hindi naman masyado" nahihiya kong sabi

"Parang may kulang"

"Ano?"

"Alam ko na!" Sabi ni Kristel sabay kuha ng make up nya

Inayusan nya ako. Infernes ang ganda ko!!

Bumalik kami kung nasaan sina Phoenix

Nagulat ako sa mga reaksyon nila parang nakakita ng artista!

"Oh! Ayan maganda na ulit si Sheena pwede na kayo mag usap" sabi ni kristel

"Ang ganda mo Sheena!" Sabi ni Lucho

"We should talk! Leave us alone" sabi ni phoenix

Lumabas silang lahat at kami lang ang natira ni phoenix.

"Bawiin mo na kasi yung sinabi mo!! Nakakainis ka naman eh!" Sabi ko

"Dapat nga masaya ka pa marami kayang may pangarap ng kinalalagyan mo ngayon " sabi ni phoenix

"Ibahin mo ko Phoenix ayoko na kasi ng joke mo!"

Tapos tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sakin.

"Ano bang problema dun edi totohanin na natin! Go out on a date with me."

"Huh? Wala naman akong gusto sayo"

"Alam ko maiinlove ka din sakin alam ko yan"

"May gusto ka ba sakin?"

"Isn't obvious I like you so go out on a date with me. "

"Ano ba yang trip mo?"

"Trip ko lang naman kasing maging boyfriend mo"

"Upak gusto mo?"

"Kiss nalang pwede?"

"Ewan ko sayo! " sabi ko sabay alis

Phoenix POV

Ang totoo kasi nyan kaya ko binubully si Sheena kasi gusto ko na sya simula nung freshmen pa kami. Nung nalaman kong nasa akin ang dugo nya ewan ko bigla nalang akong nagbago! Dati ang sarap nya ibully kasi lumalaban sya at napapansin nya ko. Lalo ko ata syang nagugustuhan. Ewan! Basta hindi ko na sya pakakawalan! Manliligaw ako kahit ayaw nya! I Love her!

Sinundan ko si Sheena palabas.

Hinawakan ko sya para mapigilang umalis.

"Ganito Sheena meet me sa Sitio Andres Orphanage bukas. Pag hindi ka dumating It means ayaw mo talaga" sabi ko

Natameme naman si Sheena.

End Of Phoenix's POV

We Meet HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon