Chapter 10

10 7 0
                                    

Unedited.

Phoebe's POV

Pagkatapos ng reception ay dito kami dumiretso ni Calix sa condo niya---namin pala since lahat ng pag-aari niya ay pag-aari ko na rin at vice versa.Nandito ako sa kwarto namin,gosh it felt weird because I'm not used to call it ours, I'm used to call it he's.

For sure their will be a lot of adjustments.Looking forward to every morning with Calix by my side,I will prepare his clothes,I will cook us breakfast,I will help him fix his tie,I will prepare a lunchbox for him,I will kiss him goodbye as he go to work and many more.

Naligo ako at nagbihis ng nighties,dati hindi ako nakakatulog ng may suot na panty pero ngayon ay nag-panty ako kasi baka kung anong iisipin ni Calix.

Calix is in the living room with his bestfriends,Dreik,Aleix,Draco and Ranz.

Yeah,Ranz and Calix are bestfriends.Ranz is Sabrina's husband.

Mukha kasing kulang pa 'yong nainom nila sa reception at ipinagpatuloy dito.I don't mind though,alam ko kasi sa sarili ko na kung ano ano lang ang iisipin ko kapag kami lang dalawa ni Calix.

Like,do we have to you know,make love since it's our first night together,our honeymoon.

I actually planned to just sleep now habang wala pa si Calix,pero naisip ko na baka nakakabastos 'yon kasi tinulugan ko siya.

Leshe nitong utak ko,ang gulo.Hindi naman kasi normal itong set up namin.

Anong gagawin ko?Maghintay hanggang sa matapos sila dun?O matulog nalang?

Napatalon ako sa gulat nang mag ring ang phone ko senyales na may tumatawag sakin.

Napabuntong-hininga akong lumapit sa bedside table kung saan nakalagay ang cellphone ko.Sino naman kayang tumatawag sakin?

I picked it up and answer the call, it's Sabrina."Hello?"

"Bruha!Bruha ka talaga!"galit na sigaw ni Sabrina sa kabilang linya.

Tch.Ano naman ang kailangan ng babaeng 'to?Siya na nga itong walang paramdam ng ilang araw tapos siya pa galit.

I sighed."Hi to you too,my friend"instead,I said.

Rinig ko ang mabibigat nitong paghinga sa kabilang linya.Ano bang problema niya?

"Bruha ka!Hindi mo man lang ako tinapunan ng tingin kanina sa kasal mo?Ano 'yon?!Nakakatampo ka gurl!"

Kahit wala ito sa harap ko ay alam kong nakanguso ito ngayon.

Natawa ako."My gosh Sab,maliit na bagay lang 'yon tapos kung makapagsalita ka parang napaka-big deal nun"

"Hindi 'yon maliit na bagay bruha ka!Nanggigigil ako sayo!Gaano ba ka gwapo iyang si Calix mo at hindi mo maalis-alis ang tingin sa kaniya kanina?I bet hindi mo alam na nagpunta ako sa kasal mo?"

Napakagat-labi ako."Well,hindi nga.Hindi din kasi kita nakita sa reception kanina kaya akala ko hindi ka um-attend"

"Dear friend,isa pa 'yan sa problema ko ngayon.Ayaw akong paalisin ni Ranz sa bahay,kung hindi ko lang siya pinilit ay baka hindi talaga ako maka-attend sa kasal mo.Alam mo bang pagkatapos nang kissing scene niyo ni Calix ay pinahatid niya agad ako sa mga bodyguards niya,gurl feeling ko talaga mababaliw na ako dito.Tapos hindi pa ako pwedeng gumamit ng kung anong gadgets kaya sobrang nakakabaliw ang boredom na nararanasan ko araw-araw,baka nga sa mental hospital na ulit tayo magkita e.Arh!Nakakainis talaga ang asawa kong 'yon,buti nalang gwapo siya at yummy.Buti nalang mahal ko siya.Hmp!"

Ah 'yon pala ang dahilan kaya ilang araw siyang walang paramdam.

"Asus!Ayan tayo e,magra-rant ka sakin about sa kung anong ginagawa sayo ng asawa mo tapos sa huli sasabihin mo rin na mahal mo siya kaya okay lang.Ang martyr mo bes!"natatawang wika ko.

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon