Chapter 4

17 12 0
                                    

This chapter is not edited.Tamad mag edit si author hehe.

PHOEBE'S POV

Sobrang kaba ko habang pababa ng hagdan.Nandoon na silang lahat sa living room....nang makarating doon ay agad akong naupo sa isang single couch na kaharap ni Calix.

Wala na ang mga kaibigan ni Calix at si mom...si tita Celine at ate Candice lang ang kasama namin dito na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa.Mom knew the plan,i don't know how tita managed para mapapayag siya.

Ayoko silang tignan kaya yumuko ako,pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.This is embarrassing!

Pero nang magsalita si tita Celine ay wala akong choice kundi ang tumingin sa kanya.

"You need to get married as soon as possible..agad agad kapag after a week ay may mabuo sa tiyan ni Phoebe.Ikaw Calix,akala ko ba mahal na mahal mo si Reign?Kaya nga sinagot-sagot mo ako at sinigawan kahapon.."sarcastic na ani tita Celine.

Napapikit ako.Saksi ako sa nangyari kahapon dahil nandoon ako...hindi ko din lubos na maisip na kayang gawin 'yon ni Calix.Talagang pinaglaban niya si Reign...bagay na inggit na inggit ako.Kasi kahit kailan hindi niya 'yon magagawa sakin kahit sa panaginip man lang.

"Alam mo ang tradisyon sa pamilya natin Calix.Once na magbunga ang ginawa niyo ni Phoebe...kailangan mo siyang pakasalan.Ngayon pa lang ay dapat maghanda na tayo....kayo"segunda ni ate Candice.

Si ate Candice ay isang single mother.May naka-one night stand siya at nagbunga 'yon...pinahanap nila ang lalaki pero hindi nila mahanap.Nasa tradisyon na ng mga Gonzales na kapag nakabuntis ang isang lalaki ay dapat niya itong pakasalan,sa babae naman ay kapag nabuntis dapat pakasalan agad ng lalaking nakabuntis.Hindi pwedeng magpakasal sa iba maliban sa nabuntis o nakabuntis sayo.Kaya hindi pwedeng mag-asawa si ate Candice maliban na lang kung mahanap niya iyong lalaking naka-one night stand niya.

Tinignan ko si Calix pero wala man lang siyang reaksiyon sa mga sinabi nila.Parang mas gusto ko 'yong Calix na laging galit at sinasabi kung anong gusto niyang sabihin kaysa ngayon na wala siyang ekspresyon at parang laging may malalim na iniisip.Ngayon kasi ang hirap niyang basahin,hindi ko alam kung anong iniisip o nasa isip niya.

"Bahala kayo.Don't worry,kung may mabuo man ay papakasalan at papanagutan ko si Phoebe."cold na sabi nito.....but i know better.Sa tagal kong pagsunod-sunod at pag-titingin kay Calix ay na-obserbahan ko lahat sa kanya.Kahit cold ang pagkakasabi niya no'n ay alam kong may nakalakip ditong pagkadisgusto.

Tumayo ito at lumabas nang mansiyon.Nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko itong tumulo dahil nandito parin si tita at ate.Yumuko nalang ako upang itago ang emosyon.

"Sundan mo siya Phoebe"utos ni tita dahilan para mag-angat ako ng tingin.

Umiling ako kahit gusto kong sundin ang utos ni tita.Not again....i mean not now."Tita mas mabuti po yatang hayaan muna natin siyang makapag-isip---

"No,sundan mo siya----

"Mom,tama po ang sinabi ni Phoebe.Hayaan muna natin si Calix na mag-isip ng mabuti.Let's give him a peace of mind"pigil din ni ate Candice dito.

Pero matigas lang na umiling si tita Celine at makahulugan akong tinignan."Sundan mo siya Phoebe"matigas na anito.

Wala akong nagawa kundi tumayo at sundan si Calix.Alam ko ang ibig sabihin nang makahulugang tingin ni tita,ginagamit niya ang sakit niya para mapasunod ako.Hay....hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na maiisip ni tita ang planong 'yon at sinakyan ko naman.I admit...sobrang tanga at desperada ko pero wala e...ganoon talaga.Sobrang mahal ko e anong magagawa ko....kung darating man 'yong araw na matabunan ng sakit ang lahat ng pagmamahal ko kay Calix...siguro lalayo nalang ako at magsimula ulit.At least kapag dumating 'yong araw na 'yon ay hindi ako magsisisi kasi ginawa ko na ang lahat.

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon