Chapter 55

1.3K 30 3
                                    

Hi guys! :) Sorry sa 2months na hindi pag paparamdam. Chapter 56 and 57 ihahabol ko nalang sadeadlne na April. diba sabi ko naman ngyong April ko ito tatapusin? at sana matupad ko siya. summer nga sana kaso may summer class naman kaya sana maintindihan niyo po na bihira lang ako mag update   dalawang kembot nalang book 2 na. hahaha :) 

-pricelessfeelings

Chapter55

Sapphire’s POV

 

“Doc, what’s wrong? Bakit siya nahimatay?”

“We did some test regarding her tumor and I’m sorry to say this but she needs extreme medical attention, I advise you to talk to her, convince her to go back to US right away. I contacted her attending Doctor and he also advised me that she should go back too.”

“I’m sorry Mr. Chua…”

Mamatay na ba ako?

 

Minulat ko ang mata ko at puro puti ang nakikita ko sa paligid ko

“You’re awake! Ano? May masakit ba sayo ha? Jonah?”

Hindi ko siya tinignan, deretso lang ang tingin ko sa ceiling ng hospital room ko

Wala akong mukhang mahaharap sakanya.. I disappointed him again.

Andito siya ngayon… it means one thing… hindi na natuloy ang Play namin?

“Jonah talk to me, are you okay?”

Kahit na hinawakan na niya ang kamay ko hindi ko parin siya nilingon

Ang dami ko ng kasalanan sakanya….

“Jonah?.. sabi ko naman kasi sayo susunduin nalang kita, ang tigas talaga ng ulo mo”

Ayan nanaman siya, concerned nanaman siya, kaya ayoko siyang malapit saakin eh, mag we-waver nanaman ako nito.. mag tatalo nanaman ang puso’t isip ko.

Marahil nag tataka kayo, bakit ganito ang pinag sasasabi ko.

Nuong nag makaawa siya sakin nuon I think one month ago, I realized na kahit kelan hindi na siya babalik saakin. I realized that we are not meant to be, pero matagal kong na accept sa sarili ko ang katotohanan na yun. Kelan ko ba na accept fully yun? Kelan ko ba talaga na realize? Nung araw na sinaktan niya si MIkky.. duon ko lahat na accept at na realize. Nakita ko yung pangyayaring yun, simula nung suntukin siya nung kasama ni Mikky sa kotse, hanggang sa matapos.. Kasama ko si Jao nun, and honestly nung narinig kong sinigaw niya na mahal niya ako, hindi ako natuwa…. Bakit? Kasi alam kong nag sisinungaling siya.. kasi nung sinabi niya yun nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Ang bottom line question ko nung araw na yun was Anong nangyayari sayo Chino?

Nung araw na yun hindi na pumasok sa klase namin si Mikky.. Si Chino naman nasa loob ng classroom pero hindi naman nakikinig sa mga lessons. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan.. Uwian nung hapon na yun sinabihan ko si Jao na wag na niya ako ihatid dahil may dadaanan pa ako.. kaya mag isa ako nung palabas ng gate at mag ta-taxi sana nung hinablot ni Chino ang kamay ko.. nagulat ako… nakayuko siya nun. Dun palang alam ko may problema na. hindi ako umimik nag para lang ako ng taxi sumama naman siya sakin. Pag dating ko sa labas ng condominium na pinag e-stayan ko sumunod lang siya ng tahimik saakin. Pag pasok namin sa Unit ko inunahan niya na ako mag salita.

No Boyfriend Since Birth Too Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon