Mula sa bintana ng silid-tulugan, ay tahimik niyang pinapanood ang one- on- one basketball game ng kanyang Kuya Yuan at ang bestfriend nitong si Borj.Maliit pa lang siya noon, andiyan na si Borj sa buhay nila. Itinuturing na nilang kapatid at kapamilya. Palaging kabuntot at kasama ng Kuya Yuan niya sa lahat ng lakaran at iba pang mga gawain. Ngayon, Senior Students na silang dalawa at Sophomore naman ang dalaga sa isang private school sa bayan nila pero hindi pa rin mapaghiwalay ang dalawa. Best Buddies pa rin sila hanggang ngayon. Mag bestfriend noon.Mag bestfriend pa rin hanggang ngayon.
Hindi niya alam kung ano ang biglang naramdaman nang minsang nanood siya ng basketball game ni Borj. School Intrams nila noon kaya siyempre, nanood siya ng game ng kanyang kuya at ng bestfriend nitong si Borj. Aminado siya na kung tinitiliian ng girls si Yuan, mas tinitilian nang mas maraming girls si Borj. Habang nanonood ang dalaga nung oras na iyon, may bigla na lang siyang kilig at kakaibang saya na naramdaman. Natuwa na siyang panoorin at titigan si Borj mula noon. Ang cute pala talaga niya. At ang sarap niyang panoorin kapag tumatakbo at sumasabay sa pag-indayog ang kanyang malalago at may kahabaang buhok. Napakasarap pagmasdan ni Borj habang nagdadala ito ng bola. At noon niya na-realized na parang bigla-bigla na lang siyang na-inlove sa bestfriend ng kuya niya. Hanggang sa matagpuan na lang din niya sarili na nakikitili na rin pala siya at nakikitalon tulad ng iba kapag nakaka-shoot si Borj.Matagal-tagal na ring kinikimkim ni Roni ang sarili niyang feelings kay Borj.Siyempre, hindi naman niya pwedeng sabihin sa lalaki . Mas lalong hindi rin niya pwedeng sabihin kay Kuya Yuan niya dahil tiyak kung hindi siya mababatukan ng kapatid malamang aasarin lang siya nito.Ang masaklap pa, matagal na nga nilang kakilala si Borj at halos makatira-tira na rin siya sa bahay pero ewan ba kung bakit hindi sila naging close dalawa.Mabibilang sa daliri ang oras na nagbatian o kaya ay nagngitian silang dalawa at nag-uusap lang kung kinakailangan.Palakuwento naman si Borj dahil maingay naman ito sa bahay, hindi masasabing seryosong tao.Pero ewan lang ba talaga kung bakit pagdating sa kanilang dalawa, parang may humaharang na malaking pader na nasa pagitan nilang dalawa kaya nagkakailangan sila sa isa't-isa.Ahhhh..Basta..Para kay Roni, okey lang 'yun.Ang mahalaga nakikita niya araw-araw si Borj kahit hindi sila nag-uusap.Si Borj ang naging bitamina niya araw-araw.Iyon bang tipong pampaganda at pampasigla tuwing umaga, tanghali at gabi...Lihim siyang kinikilig sa tuwing makikita niya si Borj...Ang bestfriend ng kuya niya........."Napakagwapo talaga ni Borj" -bulong niya sa sarili habang lihim na nangingiti habang palihim ding nagmamasid sa binata na naglalaro ng basketball .
Maya-maya ay napukaw ang kanyang atensiyon dahil ilang katok sa pintuan ang gumambala sa kanyang lihim na pagmamasid.
"Roni,Roni lumabas ka na diyan at kakain na tayo" narinig niyang tawag ni Mommy Marite.
Mabilis siyang tumayo mula sa sulok ng kanyang silid kung saan palihim na nagmamatyag sa lihim niyang crush.
Lumabas na siya ng silid at mabilis na nagtungo sa kusina.Maya-maya ay pumasok na rin si Yuan pero hindi na kasama si Borj.
"Asan si Borj bakit hindi mo pa niyaya ng pagkain" narinig na wika ni Mommy.
"Umuwi na po siya Ma" narinig niyang matamlay na sagot ni Kuya Yuan niya. Sa hindi niya malamang dahilan , bakit bigla ang rumehistrong lungkot sa anyo ng kanyang nakatatandang kapatid.
"Magpapalit lang po ako ng damit" sabay pasok ni Yuan sa kuwarto niya.Nagkatinginan silang dalawa dahil sa pagtataka.
"Kanina lang, masaya pa si Kuya Yuan sa paglalaro ng basketball kasama si Borj.Anong nangyari?Nag-away ba sila?"-nagtatakang tanong niya sa sarili.
Nagsisimula na silang kumain nang muling lumabas ang kanyang Kuya upang sumabay na sa pagkain.
Napansin niyang pinagmamasdan ni Mommy si Yuan.Halata talaga dito na may mabigat na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfiction"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...