Ilang araw na ang mabilis na lumipas simula nang magtapat si Borj sa kanya.At dahil doon, ilang araw na rin na hindi niya nakikita ang binata.
Gusto man niyang itext o tawagan ang binata para kumustahin, pinipigilan niyang gawin iyon...Minsan nang naging makapal ang mukha niya noon.Sa palagay niya ay tama na iyon.Hindi niya dapat karerin ang pagiging prangka.Baka isipin ni Borj na nagpapakita siya ng motibo.Sama-sama silang kumakain sa bahay nang maungkat ang usapan tungkol kay Borj.
"Parang ilang araw ko nang hindi nakikita si Borj na pumupunta dito sa bahay.May nagyari ba Yuan?" -tanong ng Mommy nila habang kumakain sila .
"Wala Mommy, medyo busy lang siguro" -maikling sagot naman ng kuya Yuan niya.
Tahimik lang si Roni at patuloy na nag-aantabay sa magiging takbo pa ng usapan na iyon.
" Maitanong ko lang, 'yan bang si Borj hanggang ngayon wala pang napupusuang babae.Hindi ko man lang nakikitang lumabas na may kasamang chicks"--natatawang wika naman ng Daddy Charlie nila.
" Naku, sa Cebu, mukhang wala po.Ewan ko lang dito sa Manila kung meron na"--natatawang wika naman ng Kuya Yuan niya.
Hindi malaman ni Roni kung may kakaiba ba sa himig ng kuya niya habang sinasabi 'yun o sadyang siya lang ang nag-iisip na tinutudyo siya ng kapatid.
"Sabihin mo diyan kay Borj, huwag puro pagpapayaman ang atupagin.Minsan maghanap din ng chicks.Aanhin niya ang pera niya kung wala naman siyang pamilya na pwedeng pag-ukulan ng pinaghihirapan niya." -dugtong pang muli ng daddy nila.
"Ewan ko ba dun..Andaming inaasikaso eh, babalik na yata po ng Cebu"--maya-maya ay narinig niyang wika muli ng kuya niya.
Sa pagkakataong iyon ay saglit na natigilan sa pagkain si Roni. Pero saglit lang 'yun.Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga kaharap na nagulat siya at mahigpit na tumututol sa nalamang balita mula sa kapatid. Saglit niyang tinitigan ang kapatid na abala lang sa pagkain.Pilit niyang inaarok kung seryoso ba ito sa impormasyong sinabi sa kanila o nagbibiro lang. Ang kaninang gana ni Roni sa pagkain ay parang bula na mabilis na nawala. Nakailang subo lang siya ng pagkain at maya-maya ay uminom na rin ng tubig. Paano pa ba siya gaganahang-kumain sa balitang 'yun ? Sa ikalawang pagkakataon ay aalis si Borj patungong Cebu at sa ikalawang pagkakataon ay iiwan siya nitong muli.
Matapos ang sama-sama nilang pagkain ay umakyat na agad siya sa sariling silid. Hawak niya at kanina pang pinagmamasdan ang cellphone.Tinitimbang niya, kung tama bang tawagan niya si Borj.Komprontahin ang binata kung babalik nga ba itong muli sa Cebu.Madami sana siyang gustong itanong.Kaya lang, paano ba niya gagawin? Tama bang siya talaga ang gumawa ng unang hakbang para makausap ang lalaki.
Naguguluhan na naman si Roni.Naiiling.Hindi na naman mapakali.Akala niya, mahal siya ni Borj, bakit ngayon, aalis ito?At balak pa yatang umalis nang walang paalam.Gustuhin man niyang komprontahin ang lalaki, pinigilan niya ang sarili. Ibinaba niya ang cellphone sa kama. Kung siya nga nagagawang tiisin ni Borj, bakit siya ang magkukumahog na gumawa ng paraan para kausapin ito. Unti-unti, nakakaramdam si Roni ng pagkainis sa binata. At ang lahat ng sama ng kanyang loob, ay idinaan na lang niya sa pagtulog.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Sakay na ng kotse si Roni ng umagang 'yun patungong resto, subalit hindi niya magawang paandarin ang sasakyan.Kanina pa siya nagdadalawang isip kung didiretso na ba siya sa resto o kung dadaan ba siya sa bahay nina Borj para komprontahin ang binata tungkol sa ibinalita ng kuya niya.Kanina pa siyang naguguluhan kung ano ang tamang gawin?Pero kagabi pa siyang mabaliw-baliw sa pag-iisip hanggang pumasok nga sa isipan niya ang ideyang puntahan na lang si Borj. kaya lang???Tama ba ang gagawin niya?Hindi ba siya magmukhang cheap na babae.Agad naman niyang binawi sa isipan 'yun.Kahit kelan naman, hindi siya magiging cheap. Isang tanong lang naman ang gusto niyang malaman mula sa lalaki. Isang tanong,isang sagot,yun lang naman ng gusto niya.Maya-maya ay desidido ang kalooban niya.Hinawakan na niya ang manibela ng sasakyan at maya-maya nga ay pinaandar na niya iyon.Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng gate ng bahay nina Borj.
Malakas ang kabog ang dibdib niya.Kung nakakabingi lang sana ang dagundong nun,malamang binging-bingi na siya. Nag-aalinlangan man, matapang pa rin siyang bumaba ng kotse."OMG,Roni, tama ba ang ginagawa mo.Pag-isipan mo ngang mabuti" --awat ng isang bahagi ng utak niya.Dahilan para hindi muna siya mag doorbell.
"Go Roni,Go!Go!Go!Tama 'yan, support kita Roni" --wika naman ng kabilang utak niya.
Napapikit siya.Mababaliw na nga yata siya sa labis na pag-iisip.Pero mas lalo siyang mababaliw kung titiisin niya si Borj. Kung dadaan ang mga araw at gabi na hindi man lang niya nasisilayan at nakakausap si Borj.Para sa kanya mas nakakabaliw 'yun.
Kaya nag-ipon siya ng lakas ng loob.Kapal ng mukha at kung ano-ano pa...Nandun na siya kaya paninindigan na niya.
Maya-maya ay nanlalamig ang kanyang mga kamay na pinindot ang doorbell habang bumubulong sa sarili na sana naroon si Borj, at sana si Borj ang bumulaga sa harapan niya.Naghintay lamang siya ng ilang sandali at maya-maya ay naramdaman niya na bumubukas na ang gate.At ilang sandali pa.....
Nagulat siya..Bumulaga nga sa harapan niya ang gwapong binata. Nakamaong pants ang lalaki subalit nakahubad ang pang-itaas na bahagi nito.Lantad na lantad sa mga mata niya ang maskuladong pangangatawan ni Borj.Parang bigla siyang natorete pagkakita sa lalaki lalo na sa katawan nito na may bahagyang pawis. May hawak itong kagamitan sa pagmemekaniko.Malamang may ginagawang sasakyan ang lalaki. Gusto sana niyang magsalita ngunit wala agad siyang mahagilap na sasabihin.Lalo siyang nataranta nang makita ang muling pagtitig sa kanya ni Borj.Halata niyang nagulat din ang binata pagkakita sa kanya. At gaya niya, wala din itong mahagilap na sasabihin.
OMG Roni, abs pa lang ulam na!--pilyang tudyo na naman ng utak niya.
Gusto niyang sapakin ang sarili. Wala talaga siyang maisip na salita pagkakita kay Borj.Na mental blocked talaga siya.Mag walk-out na lang kaya siya.Pero isang malaking kagagahan naman 'yun.
Pinilit na lang niyang ngumiti sa binata, at maya-maya naman ay gumanti rin ng ngiti ang binata sa kanya na kulang na lang ay magpalaglag sa panty niya.
"Ohhhh..Ang gwapo mo Borj!" --wika na lang ni Roni sa isip-isip niya.
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfic"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...