Pagdating sa bahay, dumiretso na sa kuwarto si Roni.Nagpaalam na siya na hindi na muna kakain dahil busog pa siya.Nanatili lang siya sa loob ng silid at hindi na nag-abalang bumaba pa kahit sandali.Lalo na at alam niya na kasama na naman ng kanyang Kuya Yuan ang bestfriend nitong si Borj.
Nakahiga na siya sa kama nang marinig niya ang ilang katok sa pintuan.Ayaw man niyang buksan ang pintuan ng kanyang silid, tiyak hindi naman siya tatantanan ng kung sino man ang kumakatok.
Kahit tinatamad at nagpilit siyang bumangon para buksan ang pinto.Gaya ng inaasahan niya, si Kuya Yuan niya iyon.Malamang guilty ito sa salang pagsasabi ng kung ano-anong negatibong comments para kay Basty.
"Hoy Roni..Anong drama yan?Bakit di ka kumain?" Tanong ng Kuya niya.
"Busog pa nga ako di ba!?" --katwiran niya habang hindi nililingon ang kapatid.
"Eh kahit naman busog ka ah, hindi ka nagkukulong sa kuwarto kapag oras ng kainan.Anong problema mo ha!" --ungkat ulit ng makulit na kapatid.
Humugot siya nang malalim na buntong-hininga saka nagsalita.Kailangan din naman niya sigurong magsalita at ipagtanggol si Basty sa kapatid.At the same time, para maipaunawa dito na hindi tama na ipahiya o pagsalitaan ng hindi maganda si Basty.Boto man ito sa kanyang nobyo o hindi.
"Kasi Kuya naiinis ako!" Maktol niya na pinagsalubong pa ang mga kilay.
Namewang ang Kuya niya sa harap niya at kalmado namang nagtanong.
"Kanino ka naman naiinis?"
"Kasi Kuya?Bakit ba si Borj ang inutusan mo para gawin ang kotse ko.Pwede namang ibang tao na lang!" Maktol number 1 ni Roni sa kapatid habang hindi pa rin maipinta ang hitsura ng mukha ng dalaga.
"Anong problema kay Borj?Siya yung nandun na pwedeng makatulong.Willing naman siyang gawin ang kotse mo.Saka, Borj is my bestfriend walang issue sa kanya 'yung abala pagdating sa atin."mahabang paliwanag ng kuya niya.
Hindi naman 'yun ang issue para kay Roni.That thing is, nasurpresa siya ng sobra sa muling pagkikita nila ni Borj.Hindi niya inaasahan ang pangyayaring iyon at sobrang nahihiya siya kay Borj everytime na nagpa-flashback sa kanya ang naging huling pag-uusap nila ng lalaki.
Tumahimik na lang siya.Hindi naman siya mananalo sa kuya niya.Pero, hindi pa tapos ang komprontasyon.Kailangan pa niyang pagsabihan ang kapatid na mali ang ginawa nito kanina.
"So, Ano Roni, ok na!" Tanong muli ng Kuya niya.
"Meron pa Kuya, mas nakakainis!" --nakasimangot pa rin niyang wika sa kapatid.
"Ok tell me,what it is?" -nakapamewang pa rin ang kapatid.
"Kuya, kung ayaw mo kay Basty, hindi naman siguro tama na magsabi ka ng hindi magagandang salita tungkol sa kanya.Tama din ba na tahasang sabihin mo sa harap ng ibang tao na ayaw mo sa kanya.Eh, boyfriend ko na nga siya!" --kahit halatang irita ang tinig ni Roni, nasabi naman niya ang mga salitang 'yun ng kalmado sa kapatid.
"Ok, ok .I'm sorry..Sabi ko na nga ba at yan ang ikinapuputok ng butsi mo." -tumabi na si Yuan sa kinauupuang kama ng kapatid saka nagpaliwanag sa nakasimangot pa ring kapatid.
" Roni..lalaki din kasi ako.Siguro, madali lang din namin kilalanin ang goodboy, saka ang badboy"-dagdag pa ni Yuan.
" Paano kung nagkakamali ka lang pala ng impression dun sa tao?"muling tanong niya sa kapatid.
Natahimik ang Kuya niya.Humugot ito nang malalim na buntong-hininga saka seryosong tumingin sa kapatid.
" Sige!as long as matino ang Basty na 'yan.Sige, mahalin mo...pakamahalin mo...Pero heto lang ang sasabihin ko sayo Roni ha. Huwag na huwag kong malalaman na niloloko ka ng Basty na 'yan dahil may kalalagyan siya sa akin...Sa amin ni Borj actually!"--seryosong wika ng Kuya niya.
" Talaga Kuya..Ok sige.Thank you"Nakangiti na nga si Roni dahil sa wakas maayos na ang usapan nila ng kapatid.Pero,alam naman niya na tutol pa rin ang kalooban ng kapatid para sa kanyang nobyo.Pipilitin na lang niyang matanggap ng kuya niya si Basty.Hanggang maging boto na ito para kay Basty bilang nobyo niya.
Maya-maya ay tumayo na ang Kuya niya at akmang lalabas na nang silid nang may biglang naalala.
"Siyangapala Roni" muling lingon ng kapatid.
"Kinuha ni Borj 'yung number mo.Binigay ko ha!" --nangingiting wika nito at halatang may nais ipakahulugan ang mga ngiti nito.
"Kuya Yuan bakit mo binigay?" --halata na naman ang pagkainis sa tinig niya.
Ngumiti na naman si Yuan.
"Malay ko ba kung itetext ka.At least di ba, mas mapapagkatiwalaan naman si Borj kesa kay Basty!" Nakangiting tudyo pa nito.
"Kuya naman eh" --halatang lalong nairita si Roni at nakasimangot na inihagis sa kapatid ang nahagip nitong unan.
Mabilis naman at natatawang lumabas ng silid si Yuan.
Sa kanilang dalawang magkapatid, siya ang unang pikon.Eh sa lakas ba naman ng pang-asar ng Kuya niya, paano ba naman siya mananalo dito?
Nang makapag-isa na nga siyang muli sa kanyang silid ay muli siyang nagbalik tanaw.Muli niyang binalikan ang tagpo kung saan ay magkausap sila ni Borj, ilang taon na rin ang mabilis na lumipas.
"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa binata. Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit sa dalaga saka mahinang nagtanong.
"Ano 'yun Roni?" muling tanong ni Borj.
" Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Crush na talaga kita noon pa!" Sa wakas ay nasambit na niya sa binata.Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maging reaksiyon ni Borj tungkol sa sinabi niya.Pero, nabakas niya sa mukha nito ang labis na pagkagulat.
Maya-maya ay pilit na ngumiti si Borj.Hinaplos ang mahahabang buhok ni Roni. At narinig niya ang pabulong na sinabi nito na halos ikadurog ng kanyang puso....
"Bata ka pa Roni.Mawawala din 'yan.Saka crush lang yan.Ganyan talaga kapag nasa ganyang age.Natural lang na magka crush."
Hindi niya inaasahan na iyon ang maririnig niyang magiging tugon ni Borj.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa labis na pagkapahiya sa sarili.Noon lamang niya naranasan ang mareject..Ang masaklap si Borj pa ang taong iyon.Ang first crush pa niya.Ang kanyang bitamina araw-araw, mula umaga hanggang gabi.At dahil sa tagpong iyon.Hindi na siya nakapagpakita pang muli kay Borj nung araw na paalis na ito patungong Cebu.Nagkasya na lamang siya sa lihim na pagmamasid kay Borj sa bintana ng kanyang silid habang magkausap ito at ang kanyang kuya Yuan.Nakita rin niya ang pagsakay ni Borj sa kotse at ang mala MKK na paalaman ng magkaibigan.
At sa silid niyang iyon, lihim din niyang pinaagos ang kanyang mga luha.Kung gaano man karaming luha ang nasayang niya sa pag-alis ni Borj.Tanging siya lang at ang buo niyang silid ang tanging nakakaalam......
Muling bumalik sa huwisyo ang isipan ni Roni.Gusto talaga niyang sapakin ang sarili tuwing maaalala ang tagpong 'yun.
Hanggang sa wakas ay napagod na din ang utak niya sa pag-iisip, at sa wakas nakatulog na din siya.
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfiction"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...