Finally, Makalipas ang ilang taong binuno ni Roni sa pag-aaral narito na siya ngayon sa entablado at masiglang tinatanggap ang pinaghirapang sertipiko.Natapos na rin niya sa wakas ang kursong Business Management.Dahil nasa business ang linya nina Mommy at Daddy niya, maging ang Kuya Yuan niya, kaya nasa business na rin ang puso at isip niya.Kumbaga,heto na talaga ang linya ng kanilang pamilya.Nakangiti niyang tinanggap ang diploma.Habang bumababa siya ng entablado, nakita niyang kinuhanan siya ng kapatid ng picture gamit ang mamahalin nitong camera.Panandaliang tumigil si Roni sa paglalakad at sandaling ngumiti sa pagkuha ng kanyang Kuya Yuan ng larawan.Bago pa man siya bumalik sa sariling upuan ay tinapunan niya ng tingin ang kanyang Mommy at Daddy.Nakita niyang nakangiting kumakaway ang mga ito.Halatang masayang-masaya din sila para sa dalaga.Ilang oras pa ang hinintay bago tuluyang natapos ang palatuntunan.Matapos nilang magpicture taking ay sama-sama na silang muling nagsisakay sa kotse.Pero sa halip na dumiretso sa bahay ay pumarada sila sa isang mamahaling restaurant.
"Dahil espesyal ang gabing ito,dahil graduation ni Roni.Treat daw tayo ni Kuya Yuan"nakangiting wika ni Daddy Charlie sabay baba ng kotse.
" Talaga ba!?Si kuya Manlilibre...?"--halos hindi niya makapaniwalang tanong sa kanyang Daddy at Mommy.
" Heto namang si Roni oh, siyempre naman.Graduation mo ito.Kaya si Kuya ang bahala sayo!tara!"sabay alakbay ni Yuan at magkasama na nga silang naglakad papasok ng restaurant.
Umupo sila sa isang eleganteng round table at maya-maya ay lumapit na nga ang isang waiter.Sina Daddy at Mommy ang nag-uusap para sa mga pagkain na oorderin habang si Kuya naman ay abala sa pakikipag-usap sa cellphone.
Natatawa siya sa kanyang Kuya Yuan.Masigla ito habang may kausap sa cellphone.Hindi nga lang niya lubos maintindihan kung babae o lalaki ba ang kausap ng kapatid.Pero, sa pagkaka-unawa niya ay magkikita daw ang ang dalawa ayon sa bahagyang pagkakaintindi niya sa usapan.Kaya malamang "chicks" na naman ang kausap ng kapatid sa telepono nito."Roni, anak..We have something for you.Here." sabay abot ni Daddy Charlie ng isang maliit na kahon.
"Thank you po, Mommy,Daddy " nakangiting wika ni Roni.
"So, buksan mo na" narinig niyang utos ni Daddy Charlie.
Maliksi ngang binuksan ng dalaga ang maliit na kahon at isang susi ang nilalaman niyon.Namangha siya at nagtatanong ang mga matang lumingon kina Mommy at Daddy pati na rin sa kanyang Kuya na abala pa rin pala sa pakikipag-usap sa cp niya.
"Anak hindi pa brand new yan ha.Second hand lang 'yung kaya naming bilhin ng Mommy mo,so kapag nagka work ka ikaw na ang bahalang bumili ng bago" seryosong wika ng daddy niya habang nakangiting nagpapaliwanag.
Siyempre masaya pa din.Kahit ba naman second hand lang na kotse ang ibinigay nina Mommy at Daddy niya, ok na ok na 'yun.Masayang-masaya pa rin si Roni.Napakahalaga na rin noon para sa isang baguhang tulad niya.
"Congratulations again, iha" halos panabay na wika ng Mommy at Daddy niya.
"Thank you Mommy,Thank you,Daddy" nakangiti niyang wika sabay yakap sa kanila.
Sa wakas noon lang nagbaba ng telepono ang Kuya Yuan niya.Kahit kailan talaga, napakagaling magtelebabad ni Kuya Yuan pagdating sa mga chicka babes niya.Halos naiiling na bulongna lang niya sa sarili.
Nakita niyang nakapagkit pa rin ang magandang ngiti sa labi ng kapatid kahit nakababa na ang cellphone nito kaya sinubukan na naman siyang sundutin ng biro ni Roni.
"Bagong chicks na naman ba yan Kuya?" Pang-aalas ni Roni sa kapatid.
Hindi agad nakasagot si Kuya Yuan niya sa biro dahil eksakto namang dumating ang waiter para magserve sa ng pagkain sa kanila.
Nang maihain na ang lahat ng pagkain na inorder nina Mommy at Daddy nila at malinaw na wala na silang iba pang kailangan saka lang umalis ang waiter.Muli niya biniro ang kapatid.
"Kuya, mukhang masayang-masaya ka ngayon ah...Si Missy ba 'yan?" Tudyo niyang muli kay Yuan tungkol sa isa sa malapit niyang kaibigan na nililigawan nito."Oo nga Yuan..Kanina ko pa rin napapansin na sobrang happy mo.Kanina ka pa may kausap.Sino ba yun?" -segundang tanong ni Mommy Marite.
Napakamot ng ulo si Kuya Yuan subalit hindi pa rin naalis ang ngiti nito.
"Actually, hindi naman si Missy yung kausap ko" -paliwanag ni Kuya Yuan sabay subo ng pagkain.
"Kung hindi si Missy?Sino 'nak?Parang may iba ka pang pinagkakaabalahan ah?" Tanong naman ni Daddy Charlie na kasalukuyang kumakain na rin.
Nilunok na mabuti ni Yuan ang pagkain bago muling nagsalita.Habang siya naman ay patuloy din sa pagkain at nakikiramdam na lamang sa magiging takbo ng usapan nila.
"Si Borj" --maiksing wika ni Kuya Yuan niya.
Halos hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ng kapatid.Pero halatang hindi lang siya ang nagulat.Dahil maging ang kanyang Daddy at Mommy ay kinakitaan rin niya ng malaking pagkagulat.Pero nanatiling tahimik lang sa pagkain si Roni.Nakiramdam na lang muna siya kahit ang isipan ay tila pinasok ng pinakamalaking bahagi ng kuryusidad.
"Si Borj ba ang sabi mo..Kumusta na ba yang kaibigan mo?" Walang ligoy na tanong muli ni Daddy.
"Uuwi na po sila...Success ang business ni Borj doon, kaya po balak niyang magbukas din ng business dito sa Manila."-- narinig niyang kwento ni Kuya Yuan niya.
Parang bumagal ng bumagal siya sa pagkain.Halos hindi na yata niya malunok ang mga pagkaing kanina pa niya isinubo.Parang naghihintay lang ng mga susunod na kwento.Hindi na talaga niya na enjoy pa ang food na nasa harapan.Dahil,nagsisimula nang malito at magulo ang utak ng dalaga..
"Teka nga Yuan..Iyan bang si Borj eh, wala pa ring balak mag-asawa ?Single pa rin ba siya?" Ungkat naman ni Mommy.
" Naku Mommy, malabo pang mag-asawa 'yun.Ang alam ko,palagi niyang sinasabi na may babalikan daw siya dito sa Manila." Natatawang sagot ni Yuan.
" Eh,kelan naman dadating si Borj?"--parang wala sa sarili na naitanong niya sa kapatid.Parang gusto niyang pagsisihan na nakisabat pa siya sa usapan.
"Ang alam ko nextweek,nandito na sila.Kasama sina Lolo Miyong at Lola Seling" -mabuti na lamang at matino ang naging sagot ni Kuya Yuan.
Kaya lang hindi niya alam kung bakit hindi na talaga siya nakakain pa ng maayos mula ng marinig niya ang balitang 'yun ng Kapatid...
Naaalala niya kasi ang huling pag-uusap nila ni Borj.At aminado siya sa sarili, na iyon na yata ang pinaka istupidang bagay na nagawa niya sa buong buhay niya.Kunsabagay, nagbabago naman ang tao..Nagiging matured naman ang mga tao habang tumatanda at lumalaki .At ang pag-amin niya kay Borj noon na crush niya ito ay dala lamang ng kanyang pagkabata.Iyon nga lang, halos hanggang ngayon, sariwa pa rin s pandinig niya ang mga sinabi ni Borj sa kanya bago ito umalis patungong Cebu.
Paano na ngayon???Nakatakda na silang muling magkita ni Borj...
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfiction"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...