Nakumpleto ang barkada sa gabing 'yun sa bahay nina Jelai at Junjun. Sila lang talaga at walang ibang tao ang naroon. Eksklusibong hapunan lang talaga para sa buong tropa.Bagama't nahuli, nakaabot pa rin naman si Kuya Yuan niya at hindi nga siya nagkamali. Kasama nito si Missy. Kaya silang dalawa naman ni Borj ang magkasabay na nagpunta sa bahay nina Jelai dahil nag-insist ang binata na magkasama na lang silang magpunta doon. At pumayag na siya sa kagustuhang iyon ni Borj para matiyak din niya na pupunta ang binata.
Sa loob ng bahay nina Jelai nakahanda ang masarap na hapunan.Iba't-ibang seafoods ang pinagkaabalahang lutuin ng mag-asawa. At sa labas ng bahay nakahanda naman ang pag-iinuman ng mga lalaki mamaya. Nakadisplay ang mamahaling alak sa mesang naroon.Halatang nag-effort talaga ang mag-asawa para sa bonding nilang ito.At nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil naisip nitong pagtipon-tipunin ang tropa. Hindi na kasi niya nagawa ang ganito. At hindi na rin pumasok pa sa isip niya ang makipag bonding sa dami na rin ng inaasikaso niya sa buhay.
At maya-maya nga ay nagsimula na silang kumain.Masaya naman ang lahat. Napuno nang kwentuhan at halakhakan ang bahay nina Jelai. At dito, nakita niya, na hindi naman talaga seryoso at tahimik na tao si Borj. Dahil madalas si Borj ang bumabangka sa mga jokes at iba pang kwento.Napaisip tuloy siya.Bakit kapag silang dalawa ang magkasama, sobrang seryoso ni Borj. Ang tahimik pa. Iwinaksi na lang niya ang isiping 'yun..Ayaw na muna niyang mag-isip. Gusto lang niyang i-enjoy muna ang gabi.
Matapos ang masayang hapunan.Nagtipon naman sa labas ang mga lalaki para doon magbonding o mag-inuman. Naiwan silang tatlo nina Jelai at Missy sa loob ng bahay para dun na lang sila magkwentuhan.At umabot ang masayang bonding na 'yun hanggang lumalim na nga ang gabi.
"Girls, I have to go.Kanina pa ako pinauuwi nina Kuya. thank you mga sis for having me here!" -masayang-masayang wika ni Missy habang namamaalam sa kanila.
" Sige ingat sis ha"--halos panabay na wika naman nina Roni at Jelai.
Dahil malalim na ang gabi, napagkasunduan na rin nila ni Jelai ang lumabas ng bahay para tingnan kung sino na lang ang natitira sa labas. Nagulat sila dahil sina Jun-jun at Borj na lang pala ang naroon. Umuwi na pala si Tonzy. At mukhang may malalim na pinag-uusapan din sina Borj at Junjun subalit halatang napatigil ang usapan ng mga ito nang makita silang lumabas ng bahay.
"Hon, tara muna sa loob samahan mo muna ako parang nasusuka ako eh .Borj, Roni..saglit lang ha.Usap muna kayo diyan"--sabay tindig ni Junjun at niyaya muli ang asawa papasok sa loob ng bahay.
Nagtataka man siya sa ikinilos ni Junjun, hindi na siya nakapag react pa dahil wala na siyang magagawa dahil naiwan na sila ni Borj .
"Umalis na ba si Kuya Yuan?" --umpisang tanong niya sa binata.Nagtataka siya.Andaming mamahaling alak sa mesa pero beer ang hawak ni Borj.
Tinungga ni Borj ang maliit na bote ng beer saka sumagot sa kanya"Umalis lang sandali,ihahatid daw niya si Missy" --tugon naman nito.
"Ah..Mukhang nakadami ka na ng nainom ah" -puna niya sa ilang maliliit na bote ng beer na nakahilera sa mesa.
" Beer lang to, Roni.." -muli ay matipid na namang sagot nito.
Nag-isip siya ng pwede pang itanong o sabihin sa lalaki.Kaya lang ewan ba niya kung bakit nabablangko ang utak niya sa oras na 'yun.
"Alam mo, ang swerte ng Kuya Yuan mo.Finally, nakatagpo din siya ng babaeng mamahalin" --sabay tungga muli nito ng alak habang nakatingin sa malayo.
Sa wakas ay may naisip na rin siyang itanong sa lalaki at sa tingin niya, napakagandang pagkakataon para buksan ang paksang iyon.
"B-bakit Borj?W-wala ka pa bang girlfriend?" -sa wakas ay matagumpay na naitanong niya kay Borj kahit nauutal.At least nagawa na niyang itanong. At ang sagot ay malalaman na niya manggagaling mismo sa bibig at puso ni Borj.
Naiiling na tumungga muli ng hawak na beer ang binata saka namumungay ang mga matang lumingon sa kanya.
"Roni, maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na,wala " -at muli itong tumingin sa malayo.
" Pero,bakit naman?Mabait ka naman,mayaman saka gwapo" -wika muli ng dalaga.
Napailing si Borj.
"'Hindi sapat ang mga katangiang 'yun Roni, para lang mahalin ka ng isang tao?" -seryosong wika muli ni Borj.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit Roni, nagboboyfriend ka ba dahil lang sa mabait,gwapo at mayaman 'yung lalaki?"
" Hindi"-maagap na sagot ng dalaga.
" Natural,Mahal ko 'yung tao"dugtong pa niya."Eh di mahal mo si Basty" -maagap na wika ni Borj sa sinabi niya.
Saglit na namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.Tumigil na lang si Roni sa pagtatanong.
Maya-maya ay muling nagsalita si Borj.
"Kung mag-gigirlfriend ako, dapat mahal ko siya. 'Yung mahal na mahal ko siya at mahal din niya ako. 'Yung babae na tipong papakasalan ko na talaga. Hindi lang dahil maganda siya, matalino, mayaman o kaya mabait. Ang mahalaga kasi dun, 'yung nagmamahalan kayo!"-mahabang paliwanag ni Borj na halatang tinatalaban na rin ng beer na nainom.
" Kaya pag nag girlfriend ako, ang gusto ko siya na yung babaeng magiging misis ko"--sabay tungga muli ni Borj ng alak.
" Ang swerte naman ng babaeng mamahalin mo..Kasi, hindi siya makakaranas lokohin.."tila ba wala sa sariling nasambit niya sa binata.
Mabilis na bumaling si Borj sa kanya at nakita niya ang seryoso at malungkot na mukha ng binata.Kapagdaka'y ilang tungga ng beer ang ginawa nito saka muling tumingin sa kanya.
" H-hindi ko alam Roni, kung dapat mo bang malaman 'to ngayon.Sa palagay ko kasi, wrong timing" -wika muli ni Borj.
Napakunot noo ang dalaga.
" A-ano ba 'yung dapat kong malaman?"-nagtatakang wika niya.Muli ay tinungga ni Borj ang bote ng beer.Inubos ang laman noon.Tila humuhugot dito ng lakas ng loob upang masabi ang dapat sabihin sa dalaga.
Maya-maya ay humarap sa kanya ang binata at seryosong tinitigan siya. Kinabahan si Roni.Ano kaya ang sasabihin sa kanya ni Borj?Bakit kahit nararamdaman niya na may nakasanib na ispiritu ng alak sa katauhan ni Borj, bakit hindi siya natatakot sa binata?Bakit gusto niya itong kasama at kausap?
At ngayon nga.. pakiramdam niya.Tuluyan nang nawala ang malaking pader na nakahadlang sa pagitan nila. Dahil ngayon,nag-uusap na sila ni Borj ng puso sa puso.
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfic"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...