Chapter 13

365 28 0
                                    

"Anong sinabi mo Roni, maswerte ba ang babaeng mamahalin ko?" --muli ay narinig na tanong ni Borj habang hindi niya maintindihan kung may bahid ng kalungkutan ang tinig ng binata.

"O-oo naman" -maikling sagot niya.

Kitang-kita ni Roni kung paano binitiwan ni Borj ang hawak na beer.Saka malungkot na tumungo ang binata at maya-maya ay saka pa muling nagsalita.

"Hindi ko alam, kung paano ba siya magiging maswerte sakin, eh sa buong pagkakaalam ko, ako ang kauna-unahang lalaki na nagreject sa kanya."-malungkot, mahina subalit malinaw sa mga pandinig ni Roni ang lahat ng sinabi ni Borj.Bagama't naguguluhan sinikap niyang intindihin ang mga sinabi ng binata.At sa wakas ay muling nagsalita ang lalaki upang liwanagin ang gustong sabihin nito.

"Highschool pa lang  ako Roni, wala akong ibang babaeng nagustuhan, kundi....kundi ikaw..." Matapat na pag-amin ng binata at saka seryosong tumitig sa dalaga.

Napalunok siya sa mga narinig.Napatda siya sa labis na pagkagulat.Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Borj dahil malamang ay lasing na ito subalit nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang lalaki.

"Noon pa man,Gustong-gusto na kita Roni.Kaya lang..ang hirap-hirap mong lapitan dahil sa kuya mo.Alam mo, ang daming tumatawag ng bayaw kay Yuan.Kaya lang, napakaistrikto ng bestfriend ko pagdating sayo.Madalas sinasabi niya, hindi ka pa daw pwedeng ligawan kasi bata ka pa. Kung 'yung iba nga hindi pwedeng manligaw sayo Roni, ako pa kaya?" --malungkot at naiiling na kuwento ni Borj.

"Kaya pinigilan ko ang sarili ko.Mas pinili ko ang tama para sa sarili ko at para samin ni Yuan.Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.Kaya nung sinabi ni Lolo na sa Cebu na lang ako mag-aaral, Sige lang ako.Kasi alam ko, baka naman nga ang pag-alis ko ang makakabuti sakin. Umalis ako para mag-aral at sa wakas, kahit paano, nagkaroon ng negosyo, kaya nag desisyon na akong bumalik na lang dito."-mahabang kuwento pang muli ng binata.

Pinakinggan lang niyang lahat ang sinabi ng binata at patuloy niyang inaarok ang lahat ng 'yun kung may katotohanan ba ang lahat ng sinasabi nito o wala.

"Paano ko paniniwalaan ang lahat ng sinasabi mo sakin ngayon?" - naguguluhang tanong ni Roni.

Napahilamos sa mukha si Borj. At saka muling tumingin sa kanya.

" Bakit hindi mo itanong sa Kuya mo?Bago ako umalis noon patungong Cebu , inamin ko kay Yuan ang totoong nararamdaman ko para sayo Roni..At nangako ako sa kanya na babalik ako,Nandito ako ngayon Roni, hindi para kay Yuan..Kung hindi bumalik ako para sayo!"--direkta pa ring pag-amin nito.

" Kaya lang, wrong timing ang pagbalik ko eh.Kasi, nandiyan na si Basty sa buhay mo."--halata ang pait at naramdaman niya ang sakit ng kalooban sa sinabi ni Borj.

Hindi makapagsalita si Roni. Wala siyang mahagilap na tamang sabihin sa binata. Basta iisa lang ang siguradong nararamdaman niya sa sandaling iyon, Sinusundot ng kilig ang puso niya.

Muli siyang tumingin kay Borj. At nakita niyang nakatitig lang din ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi alam ni Roni kung paano ba dapat iwasan ang mga matang iyon ni Borj na tila ba nangungusap. Pumagitna ang nakabibinging katahimikan sa kanilang dalawa subalit ang  tibok ng puso nila  ay naghuhumiyaw at kapwa pangalan nilang dalawa ang isinisigaw.

Naramdaman ni Roni na unti-unting lumalapit ang mukha ni Borj sa kanya.Palapit nang palapit. Palakas nang palakas ang dagundong ng kaba sa kanyang dibidib.

"OMG ,hahalikan ba siya ni Borj?"pilyang tanong ng bahagi ng utak niya.

Hanggang sa hindi na nakakibo pa sa kinauupuan si Roni nang maramdaman na nga niya ang malalambot na labi ni Borj na lumapat sa labi niya. Damang-dama niya ang masuyong halik ng binata.Hanggang sa unti-unti ay naramdaman na rin niya ang sarili na gumaganti ng halik para dito.Ang masuyong paghalik ni Borj sa kanya ay naging mainit.Tuluyan na rin siyang nadadarang.Naging papusok nang papusok ang mga halik ni Borj.

Sa wakas ay nagbalik sa katinuan si Roni bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan. Mabilis niyang naitulak ang binata at agad siyang napatayo sanhi ng labis na pagkagulat.Napasinghap siya. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit siya pumayag na magpahalik sa binata.

Nasapo na lang ni Borj ang noo at hindi na nagawa pang tumingin sa dalaga matapos ang nangyari.

"I-i'm sorry Roni..H-hindi ko napigilan ang sarili ko" --at hinagilap nito ang dalang jacket at walang lingong likod na umalis na at iniwan ang dalaga.

Naiwan sa ere si Roni.Ilang sandali pa ay narinig na niya ang papalayong sasakyan ni Borj.

Nang tuluyan nang mawala ang binata ay muli niyang nahawakan ang labi at saka nanlalambot na napaupong muli sa silyang naroroon.

" Shit!Ganun pala ang feeling ng mahalikan..At mas lalong ganun pala ang feeling nang mahalikan ng isang Borj Jimenez"--tila natuklaw ng ahas si Roni dahil sa pagkatulala.Iniisip pa rin ang nangyaring kissing scene nila ni Borj. Deep inside naman, kinikilig siya at talagang hindi niya maiwasan ang lihim na mapangiti sa tuwing maiisip ang lahat ng ipinagtapat sa kanya ni Borj sa gabing 'yun.

Lutang pa rin sa hangin ang utak niya nang maramdaman ang isang kamay sa balikat niya.

" Uy Roni, kanina pa kita kinakausap diyan, ok ka lang ba.Asan si Borj, umalis na ba?"--sunod-sunod na tanong ni Jelai.

Saka pa lang siya muling natauhan matapos maramdaman ang presensiya ng kaibigan.

"Huh..Ah..oo sis, umalis na si Borj.Medyo tumalab na yata yung nainom kaya hindi na nakapagpaalam?" Tugon niya sa kaibigan.

"Naku..malamang..hayun si Junjun, nakatulog na rin..Medyo madami ding nainom..Tara sa loob, ano hihintayin mo pa ba si Yuan?" Tanong ng kaibigan.

"Ah..Hindi na Jelai Uuwi na ako.May dala naman akong sariling kotse.Paano Jelai,uuwi na ako ha.Goodnight!" -pamamaalam niya sa kaibigan.

"Ok sis..goodnight..Ingat sa pagda drive ha" --paalala namang muli ni Jelai..

"Sige sis..Salamat!" --at sumakay na nga siya ng kotse. Hindi naman malayo ang bahay nila sa bahay nina Jelai kaya ilang sandali pa ay naroon na rin siya sa bahay.

Dumiretso na siya sa kuwarto. Pasalampak na nahiga sa kama.At siyempre nangingiti habang muling hinihimas-himas ang sariling labi na hinalikan ni Borj.

Abot-abot pa rin ang kilig ni Roni. Kahit pa may panghihinayang siya sa mga nalaman. Sayang, kung pwede na pala siyang ligawan noon, malamang na naging sila ni Borj noong panahon na baliw na baliw siya sa binata. At humahanga din naman siya kay Borj, dahil nagsakripisyo itong lumayo at iwan siya kahit nalaman nito na crush na niya ang binata noon pa man.

Nakangiti siyang napapikit.Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Borj kapag nagkita silang muli?Sana pumuntang muli si Borj sa restaurant.
Dasal niya sa gabing 'yun bago tuluyang inagaw na ng antok ang kanyang isipan.

Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖

💖My Brother's Bestfriend💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon