Chapter 10

385 26 0
                                    

Kinabukasan ay nagpumilit pa ring pumasok sa trabaho si Roni.Ayaw niyang ipahalata sa pamilya ang sama ng loob na dinadala niya dahil sa ginawa ni Basty. Mabuti na rin 'yung may pagkakaabalahan siya kesa magpakabuwang sa bahay. Ayaw niyang mag-isip.Ayaw niyang magpaka stress sa mga pangyayari. Kahit iritang-irita siya kay Basty, ayaw niyang magpa apekto.
Mag-aalas nuebe y media na ng dumating siya sa restaurant.Naroon na ang kanyang Kuya Yuan at siyempre si Borj. Mukhang may seryosong pinag-uusapan ang dalawa kaya saglit na sumikdo ang pangamba niya.

"OMG, Baka sinasabi na ni Borj sa kapatid ang nangyari sa kanila ni Basty???agad na pumasok sa isipan ni Roni ang isiping 'yun...

"Pero..nangako si Borj na hindi nito ipapaalam sa kapatid ang nangyari" -wika naman ng isang bahagi ng isipan niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa dalawang lalaki.Malalaman lang niya kung ano ang masinsinang pinag-uusapan ng dalawa kung sakaling lalapit siya sa mga ito.Tahimik nga siyang naglakad at nakiramdam.Agad na bumati ang kapatid ng makita siya.At masigla pa ito.Halatang nasa good mood.Ibig sabihin, hindi pa nga nito alam ang tungkol sa problema niya.

"Hello sis...I'm glad you are here right now..Balak ko sanang umalis..Pwede ko bang iwan muna kayo ni Borj..May aasikasuhin lang ako" -sabay alakbay pa ng kuya niya na halatang naglalambing sa kanya.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya habang ibinababa sa mesa ang mga dalang gamit niya.

"May lalakarin nga lang ako..Tutal,wala namang problema dito kay Borj,willing naman siyang samahan ka dito kaya aalis muna ako ha sis" --sabay pisil naman nito sa pisngi ng dalaga.

"Huh...!" React niya. Mabilis niyang tinapunan ng tingin si Borj.At saka mahinang nagsalita.

"H-hindi ba nakakahiya kay Borj..Baka makaabala tayo" -sagot niya sa kapatid.

Mabilis naman ang naging sagot ng binata.

"Of course not Roni. Wala naman akong ibang gagawin ngayon kaya ok lang ako dito" --sabay ngiti ng binata at hinagod pa ang bagsak at may kalaguan nitong buhok.

Hindi na namam malaman ni Roni, kung ano ang dapat niyang maramdaman para sa lalaki. Basta ang alam lang niya, nag-eenjoy siyang pagmasdan ang kaguwapuhan nito.

Tipid siyang ngumiti sa lalaki bilang tugon sa sinabi ni Borj.Mukhang nagiging mabait ata ang tadhana sa kanya ngayon.Mukhang ipinag-aadya silang magkasama at magkausap.Kung noon ay naging mailap sa kanila ang panahon para maging malapit sa isa't-isa, sana naman sa pagkakataong ito, maging mabait na ang tadhana.Paano kung nakatakda nga silang maging malapit na magkaibigan???

"Paano Roni, payag ka na.Naibilin ko na kay Borj 'yung mga dapat gawin kayo na lang ang mag-usap.Kasi, kailangan ko nang umalis" sabay tingin ni Yuan sa relong pambisig.

"Sige Kuya, ingat ka" --at marahan siyang tumango sa kapatid.

"Sige Roni ha..Borj,pare..ikaw na muna ang bahala ha..Aalis na ako" --narinig niyang paalam pa ng kapatid sa bestfriend nito.

Maya-maya ay inihatid na nga niya ng tanaw ang kapatid na palabas ng restaurant. Hindi na niya inungkat pa ang lakad nito.Pero sigurado siya, si Missy na naman ang kasama nito.

" Kumusta ka na?"--narinig niyang tanong ni Borj na nakalapit na pala sa mesang kinaroonan niya.Noon lang muling bumalik ang huwisyo niya subalit nararamdaman niya na may kakaibang kaba na sumagi sa dibdib niya ng maramdaman ang presensiya ni Borj.

"O-ok..ok lang Borj" -halos nagkakandautal na sagot na naman niya sa lalaki.

"Nakatulog ka ba?" --muli ay tanong pa nito.

Tipid siyang ngumit sa lalaki saka tumango.

"Oo naman." --matipid ding sagot niya.

"That's Good!" Narinig niyang sagot ni Borj.

Pakiramdam ni Roni,isang magandang pagkakataon na 'yun na nakakapag-usap na sila ni Borj .Tila unti-unti nang nabubuwag ang malaking pader na nakapagitan sa kanila.Dahil ngayon, kahit paano, nakakapag-usap na sila at nakakapagkumustahan.Hindi tulad noong mga bata pa sila.Si kuya Yuan na lang ang palaging kausap at kasama ni Borj.

"I-ikaw...kumusta ang tulog mo!" --sa wakas naitanong niya sa binata.Pero, gusto niyang sapakin ang sarili..Bakit naman kaya iyon pa ang naitanong niya.Marami naman sana siyang pwedeng itanong.

"Ok lang din Roni.." at ngumiti itong muli sa dalaga.

Sinuklian din ni Roni ng matamis na ngiti ang napakagandang ngiti na 'yun ni Borj.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang makita niyang pumasok sa loob ang security guard ng kanilang restaurant.

"Ma'am Roni excuse me po.Nasa labas po si Sir Basty, gusto daw po kayong makausap." -magalang na wika nito.

Nagulat si Roni.Naguluhanan siya sandali at nalilitong tumingin kay Borj.Para bang nais niyang humingi ng tulong kung dapat bang papasukin si Borj o hindi.

"Sige Roni, papasukin mo na.Akong bahala sayo!" Narinig niyang wika pa ni Borj.

Napalunok siya ng ilang beses..Ano pa ba ang dapat nilang pag-usapan ni Basty???

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga.Natatakot siya dahil baka magkagulo.Paano kung gumawa ng hindi maganda si Basty?

Muli ay lumingon siya kay Borj at nakita niya ang seryosong mukha nito.Nag-alinlangan tuloy siya kung papapasukin ba si Basty o siya na lang ang lalabas?

Subalit hindi pa siya nakakapagdesisyon ay nakita na niya si Basty na papasok sa restaurant.Kasunod nito ang gwardiya na pinipigilan si Basty na makapasok. Nagpupumitlag naman si Basty sa paghawak ng gwardiya dito at sinisikap ni Basty na makapasok sa resto at matawag ang pansin niya.

"Sige Kuya Guard, hayaan mo siya..Papasukin mo na" -malakas na wika niya.

Naupo si Roni sa mesa malapit sa kinaroroonan ni Borj.Natatakot kasi siya na may hindi magandang gawin si Basty.Kaya nagsigurado siya na umupo na lang malapit sa lalaki para naman mabilis siyang masasaklolohan ni Borj kung sakali ngang may hindi magandang gawin si Basty.

Ilang hakbang pa nga ay nasa harapan na niya si Basty.Namumula ito at amoy na amoy alak pa ang lalaki. Hindi pa ito nakakaligo at halatang lasing pa.

"Anong kailangan mo" -matapang na tanong niya sa dating nobyo.

"Roni, pwede ba tayong mag-usap" halos nagmamakaawang wika ni Basty na halos lumuhod na sa harapan niya.

Noon niya tinapunan ng tingin ang dating nobyo.At noon niya napansin na may black eyed din pala ito.Napaaway ba si Basty?Sinong nakaaway nito?Kung sabagay, sa pagkakakilala niya kay Basty, hindi talaga ito mawawalan ng kaaway.Pero, dapat pa ba niyang alamin ang bagay na 'yun.Sa tingin naman niya ay wala na siyang pakialam pa sa bagay na 'yun.

Dahil hindi siya nagsasalita o sumasagot kay Basty, bigla na lamang niyang naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya.

"Aray, ano ba nasasaktan ako!" --daing ni Roni habang kumakawala sa pagkakahawak ni Basty.

"Mag-usap tayo Roni,please!" --muli ay narinig niyang pagmamakaawa ni Basty.

Nakiramdam si Roni sa paligid.Wala pa namang costumers sa oras na iyon.Subalit, hindi nakaligtas sa paningin niya ang nag-uusyusong mga tauhan.Sumulyap din siya kay Borj. Nakatungo lang ito habang abala sa cellphone. Muli ay tumingin siya kay Basty saka naiiritang sumagot.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan Basty.Umalis ka na!" --sabay tindig niya para iwan ang lalaki.Subalit kasunod noon ay muli niyang naramdaman ang mas mahigpit na paghawak ni Basty sa braso niya.

Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖

💖My Brother's Bestfriend💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon