Chapter 8

387 31 12
                                    

Araw ng Linggo, nagpaalam si Roni sa Kuya Yuan niya na halfday lang siya sa araw na iyon dahil may usapan sila ni Basty na manonood ng sine sa araw na iyon. Nagkasundo silang dalawa na sa mall na lang magkita. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng kapatid kahit labas sa ilong ang pagsang-ayon nito. Para sa kanya, isang pagkakataon lang naman 'yun upang mas higit niyang makilala pa si Basty.Nang sa ganun ay malaman na niya, kung tama pa bang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon dito o tama bang putulin na ang namamagitan sa kanilang dalawa kung sakaling makilala niya nang mas malalim ang binata at nakita pa rin niya ang mga negatibong pag-uugali ng nobyo.

Wala nang gasinong tao ang kumakain sa resto nila sa sandaling iyon. Kaya naisipan niyang magtungo nang mas maaga sa mall at mamasyal na lang din munang mag-isa at maghintay na lang kay Basty sa oras na napag-usapan nila.

Matapos maayos na maiparada ang sasakyan niya. Mabilis na siyang bumaba ng kotse dala ang kanyang bag. Akma na sana siyang lalakad patungo sa loob ng mall nang manakaw ang pansin niya sa may di kalayuan sa kinaroroonan niya. Naroon ang isang sweet na sweet na babae at lalaki at halos magkadikit na ang katawan sa paglalampungan. Biglang nanginig ang buong katawan ni Roni. Sinimpat niyang mabuti ang lalaki. Para siguraduhin na hindi siya nagkakamali at hindi siya namamalikmata lang.Bahagya pa siyang humakbang ng ilang hakbang papalapit sa dalawang nilalang na patuloy na naglalampungan na nasa kanya na halos harapan. Nanginginig man ang buo niyang katawan sa labis na pagkabalisa, takot at sobrang galit na nararamdaman, pinili niya ang maging kalmado at pinigilan niya ang sarili na gumawa ng eskandalo sa sandaling 'yun. Bigla na lang niyang naramdaman ang pagbalisbis ng kanyang luha sa mga pisngi. At sa wakas ay nasambit din niya ang pangalan ng lalaki.

"B-Basty!!!" --halos basag na tinig niya.

Sabay na napalingon ang dalawa sa kinaroroonan niya. Bakas sa mukha ni Basty ang labis na pagkagulat. Pagkadismaya naman at pagtataka ang nabasa niyang ekspresyon sa mukha ng babae.

"Roni! Roni sandali" -tawag sa kanya ni Basty.

Mabilis siyang lumakad palayo sa lalaki at akmang sasakay na lang muli sa sariling kotse.Mabilis din naman siyang nahabol ni Basty at kapagdakay hinawakan siya nito sa braso.

"Roni,please,mag-usap tayo.Magpapaliwanag ako Roni" -halos pagmamakaawang wika ni Basty habang hawak pa rin ang braso niya.

Mabilis na umigkas ang kamay ng dalaga at malakas na sampal ang natanggap ni Basty sa muling pagharap sa kanya ni Roni. Umiiyak man siya, nagawa niyang humarap sa lalaki at sumbatan ito.

"Manloloko ka Basty. Huwag ka ng magpapakita sakin mula ngayon."mariin niyang wika habang umiiyak.

" Fine with me! "-halos nang-aasar pang wika ni Basty sabay haplos sa pisnging nasampal ng dalaga. Tumalikod na ito at binalikan ang babaeng kausap at kayakap kani-kanina lang. Sumakay sa kotse kasama ang babae at tiningnan pa siya bago tuluyang pinaarangkada ang kotse. Nanlalambot na napasandal si Roni sa kotse. Galit ang nararamdaman niya kay Basty. Ganun pala ang pakiramdam ng naloko. Buong akala niya, pananalita lang ni Basty ang hindi maganda dito, buong pagkatao na halos pala nito. Bukod sa mayabang na, manloloko pa. Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Tahimik pa din siyang umiiyak habang nakasandal sa kotse. Maya-maya ay nakarinig siya ng boses ng isang lalaki mula sa kanyang tabihan.

"Sige, ilabas mo lang lahat 'yan!" Wika ng isang lalaki. Nagulat siya sa tinig na iyon. Hindi pa man niya nakikita kung sino ang nagsasalita, alam niyang kilala niya ang boses na iyon.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin para tiyakin kung tama nga ba ang nasa kanyang isipan.

"B-Borj!" --hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaking 'yun sa sandaling iyon.

"S-sinusundan mo ba ako?" Halos naiiritang tanong niya sa lalaki.

Kumaswal lang ang binata at direkta ang mga matang tumingin saka sumagot sa kanya.

"Nope! May binili ako Roni" --kaswal na sagot nito.

Pinasadahan niya ng tingin ang bitbit ni Borj. Mukhang namili nga ang binata at tunay na maling isipin na sinusundan siya nito.

"Nakita mo ba?" -mahinang tanong niya sa lalaki.Na ang ibig sabihin ay kung nakita ba ni Borj ang pangyayari .

Nakita niya ang marahang pagtango ni Borj. Lalo siyang nanlupaypay sa labis na panlalambot.Nasaksihan pa pala ni Borj ang panloloko ni Basty sa kanya.Paano na?Siguradong makakarating sa Kuya Yuan niya ang kagaguhan ni Basty. Natatakot siyang malaman ng kuya niya dahil ayaw niyang mapapasok sa gulo o away ang kapatid dahil lamang sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Roni, hindi makakarating sa kuya mo!" Narinig niyang wika ni Borj.

"Tama si Kuya Yuan.Manloloko si Basty" halos hindi na niya napigilan ang sarili at kumawala na ang emosyong kanina pa niya kinikimkim.Napaiyak na siya ng sobra.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng mga kamay ni Borj sa balikat niya.

Parang natagpuan niya ang kapanatagan sa mga haplos na iyon.Unti-unti niyang natagpuan ang sarili na nakasandig na rin pala siya sa maskuladong pangangatawan ni Borj.Hinayaan niya ang sariling maglabas ng sakit at paagusin ang mga luha habang pinapanatag siya ni Borj sa pamamagitan ng masuyong paghaplos nito.

Ang hindi alam ni Roni sa sandaling iyon, nakatiim-bagang ang binata at bumubuo ng isang malalim na plano kung paano maigaganti ang dalaga sa damuhong Basty na iyon.

Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖

💖My Brother's Bestfriend💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon