Marahang binuksan ni Roni ang pintuan papasok sa loob ng bahay.Naratnan pa niyang nanood ng TV ang Kuya Yuan niya ganundin ang Mommy at Daddy niya.
"Oh Roni..Asan si Basty?" Salubong na tanong na agad ng Kuya niya.
"Umalis na siya Kuya, inihatid lang niya ako" sagot niya sabay salampak ng pag-upo sa sofa.
"Eh, bakit hindi ka inihatid dito sa loob.Hindi man lang nagpakita samin" -dugtong pa ng kuya niya.
Napakamot na siya sa ulo sa labis na inis nararamdaman.Hindi niya alam kung inis ba 'yun para kay Basty, o pagkainis ba 'yun dahil sa Kuya Yuan niya.
"Roni, ang isang matinong lalaki, inihahatid ang babae hanggang dito sa loob ng bahay niya.Dito ka sinundo di ba, dapat dito ka din inihatid.Ganun ang ginagawa ko kay Missy" -seryosong wika ng Kuya Yuan niya.
"Pwede ba Kuya!" --iritang wika niya.Paano ba naman niya sasabihin na kaya ayaw pumasok ni Basty sa loob ng bahay nila ay dahil sa kuya Yuan niya Eh, di lalong nagkagulo.Lalong nagalit ang Kuya niya sa nobyo.
"Don't compare yourself from him.Magkaiba kayong dalawa ok" --medyo mataas na din ang tono ng pananalita niya dahil ang totoo ay napipikon na rin siya sa tahasang pag-ayaw ng kuya niya sa nobyong si Basty.
"Magkaiba talaga kaming dalawa Roni.Pero, pareho kaming lalaki.Dapat, ganun ang ginagawa niya kung matino siyang tao" --gatong pang muli ng kuya niya.Lalo tuloy nagdilim ang mukha niya dahil sa mas tumitinding pagkainis.
"Ok..that's enough" awat ng Daddy nila na pumagitna na sa kanilang dalawa.
" Roni, you can go now to your room and take a rest.May point din naman ang Kuya mo"-sabay alakbay nito sa dalaga.
" Daddy naman!"halos magdoble-doble na ang pagkakakunot ng noo niya.Alam naman niyang hindi humihingi ng kakampi ang Kuya Yuan niya.Pero, inaamin naman niya sa sarili na talagang may mali sa pag-uugali ni Basty.Dapat pa nga ba niyang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon dito, oh, dapat na ba niyang tapusin na habang maaga pa.
Pagdating niya sa kuwarto ay muling sumagi sa isipan niya si Borj.Muli niyang naalala ang gwapong mukha ng binata habang nakaupo sa kotse.Mas dumagdag pa ang appeal nito habang nagpapaasbok ng vape.Kaya lang, nabahiran ng kung anong lungkot ang isipan at damdamin niya sa nalamang katotohanan na may hinihintay na babae si Borj sa restaurant na iyon.Ibig sabihin, nakikipagdate na din pala si Borj.Sooner or later,malamang,makikilala na din niya ang babaeng bumihag sa puso ng lalaking unang hinangaan niya.
Nahiga siya sa malambot na kama habang naguguluhanan ang kalooban niya.
Hindi na niya alam kung tama pa bang ituloy ang pakikipagrelasyon sa lalaki gayong nakikita na niya ang negatibong pag-uugali nito.Mahal niya si Basty at nagtitiwala din naman siya dito. Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka muling naaalala si Borj.
Mabilis siyang bumalikwas ng bangon at kinuha ang pinagkatago-tagong picture ni Borj noong highschool pa lang sila.Nangingiti siyang muling pinagmasdan ang larawan ni Borj.Hindi niya alam kung bakit tila bumalik ang kilig na nararamdaman niya noon para sa binata.Noong time na crush na crush pa niya si Borj.
At hindi inaasahan, parang may kung anong saya muli sa damdamin niya ang muling nabuhay.
"OMG...Ano na naman ba ang ginagawa mo Roni?'' awat ng utak niya.
"Na reject ka na ni Borj noon.Ano pang aasahan mo sa kanya ngayon?" Sulsol naman ng kabilang bahagi ng utak niya.
" Kung talagang may gusto si Borj sayo,dapat noon pa lang, nagparamdam na siya Sabi nga ng Kuya Yuan mo, kinuha ni Borj ang number mo...Pero nagtext ba siya???Tumawag ba???Hindi di ba!Kaya,huwag ka ng umasa Roni..."-maktol pa ng kabilang bahagi ng isipan niya.
Napangiwi siya.Tama naman ang sinasabi ng utak niya.Hindi siya dapat umasa kay Borj.Minsan na siyang nasaktan nito.Tama na 'yun.Kung anuman ang damdamin na muling umuusbong para sa binata, dapat, panatilihin na lamang niyang lihim at hindi na niya kailangang ipaalam pa kahit kanino.Dapat matuto na siya..Dapat maging matured na siya ngayon...At, hindi na niya gagawin ang kagagahang ginawa niya noon..
Naghihintay siya ng anumang text mula kay Basty kung nakauwi na ba ito or kukumustahin pa ba siya nito.Subalit, hanggang sa makatulog na siya ng gabing 'yun, wala ni isang text o tawag ang dumating sa kanya mula kay Basty....
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfic"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...