Araw ng Lunes, abala si Roni sa paglilinis ng mga pinggan. Nasa restaurant na ang kanyang Mommy at Daddy maging ang kanyang Kuya Yuan. Pagkatapos maglinis ng bahay, at iba pang gawain saka lamang siya mag-aayos ng sarili para sumunod sa restaurant kung saan pinamamahalaan nilang magkapatid. Dahil may sarili naman siyang sasakyan na magagamit pagpunta ng resto mas pabor sa kanya ang ganung set-up. Iyong maglilinis muna siya ng bahay at pupunta lang siya sa resto anumang oras na kanyang gugustuhin. Mag-aalas nuebe na ng umaga nang maisipan niyang maligo para magtungo na sa resto. At ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng salamin para mag-self check. Sinuri niyang mabuti kung maganda na ba siya ? Kung bagay ba ang damit na suot niya? Kung ok ba ang make-up niya? Ilang minuto din ang ginugol niya para lang sigurudahin na magandang-maganda siya. Araw-araw, nakagawian na ni Roni ang ganoon. Self-conscious kasi siya at gusto niya maging maganda siya at kaakit-akit sa lahat ng taong makakakita sa kanya. Maya-maya pa nga ay kinuha na niya ang susi ng sariling kotse at maingat na pinaandar 'yun patungong restaurant.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Samantala...."Yuan!!!!" Malakas na sigaw ng isang lalaki na kapapasok lamang sa loob ng restaurant. Agad namang napatunghay si Yuan at tiningnan kung sino ang taong tumawag sa pangalan niya.
"Borj, pare!!!" -malakas ding sigaw nito at mabilis na pumagkit ang maluwang na ngiti mula sa labi nito nang makita ang pinakamatalik na kaibigan. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at nakangiting lumapit at mahigpit na yumakap sa bagong dating na kaibigan.
"'Tol grabe ah, mukhang asensadong-asensado ka na. Kumusta bro?" May paghangang wika ni Yuan habang pinagmamasdan ang kaibigan sabay tapik pa sa balikat nito.
" Hindi naman pare.. Sakto lang..Si Borj pa din 'to"at sinundan nito nang malakas na tawa.
" Borj, akalain ko ba na magiging matcho ka ng ganyan"-natatawang wika ni Yuan.
" Ikaw din pare"-natatawang tugon naman ni Borj.
" Pengeng welcome drinks guys! "--magalang na utos niya sa mga waiter na naroon.
" Kumusta ba pare? "--muling tanong ni Borj at nagsimula na itong magmasid sa paligid na tila ba may hinahanap o talaga lamang tahimik itong nag-oobserba sa restaurant na pagmamay-ari ng bestfriend niya.
"Heto pare! Magkasosyo kami ngayon ni Roni dito" -maiksing tugon ni Yuan sa kaibigan.
"Si.. Si Roni..? Asan si Roni pare?" -tanong ni Borj na halatang pina kaswal ang tinig.
Hindi agad nasagot ni Yuan ang tanong ng kaibigan dahil maya-maya ay nagring ang cellphone nito. Sinulyapan niya kung sino ang tumatawag at agad nagliwanag ang mukha ni Yuan nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya.
"Si Roni ba ang hinahanap mo??? Eto oh.. tumatawag.. Saglit lang pare ha.." at lumayo ito ng bahagya sa kaibigan saka kinausap ang kapatid.
"Hello Roni" bungad niya sa kapatid.
"Kuya.. busy ka ba? Puntahan mo naman ako dito oh!" --tila napapraning na wika ni Roni.
"Teka ano bang nangyari?asan ka ba?"--sunod-sunod na tanong ni Yuan habang pinapakalma siya.
"Kuya nakakainis.. Tumirik ang kotse ko tapos ayaw mag-start. Tingnan mo naman Kuya please" --halos pagmamakaawa niya sa kapatid.
"Relax ka lang Roni, maghintay ka lang diyan at kung pwede lang kumalma ka please. May papupuntahin akong tao diyan para ayusin 'yang kotse mo. Basta maghintay ka lang. Naiintindihan mo ba ako, Roni? "Paglilinaw ng kanyang Kuya Yuan.
" Sige Kuya, pakibilisan lang ha please"--halatang irita na may halong pag-aalala ang tinig na 'yun ng dalaga.
"Sige.. sige.." at naputol na ang usapan ng magkapatid.
Naiiling na bumalik si Yuan sa mesa kung saan naroon si Borj.
"Anong problema 'tol?" Agad na tanong ni Borj nang makalapit sa kanya si Yuan.
Tila nagliwanag naman ang mukha ni Yuan at maluwang na napangiti sa naisip na magandang ideya.
"Tamang-tama pare, nandito ka.. Kailangan ko ang tulong mo, Borj".
Sabay tapik pa nito sa balikat ng itinuturing pa rin niyang pinakamatalik na kaibigan.💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Nakakaramdam man ng pagkainip si Roni, pinilit pa rin niyang libangin ang sarili. Minabuti niyang manatili sa loob ng kotse at doon na lamang maghintay.Nagtitiwala naman siya sa pangako ng kapatid na magpapadala ito ng taong gagawa ng kotse niya. Para maibsan ang inip na nararamdaman , binuksan niya ang cellphone at nag facebook na lamang muna. At dahil abala siya sa pagba browse ng sariling cellphone, hindi na niya namalayan ang pagparada ng isang magarang kotse sa harapan ng kotse niya. Mula doon ay bumaba ang isang maskulado at makisig na lalaki na umiindayog ang mahaba at bagsak nitong buhok habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Roni. Tuluyan na ngang nalibang si Roni sa pagcecellphone at hindi na niya namalayan pa ang paglapit ng lalaki sa dako niya. Mabilis lamang siyang napatunghay nang marinig ang ilang katok sa unahan ng kotse niya. At Boooommmm.. Labis-labis ang kanyang pagkagulat, nang makita ang napakagawapong lalaki sa kanyang harapan. At hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang lalaki. Kilalang-kilala niya ito mula noon hanggang ngayon. Mula sa labis na pagkagulat ay mabilis niyang binawi ang sarili. Bumaba siya ng kotse at naaasiwa man ay sinalubong niya ang tingin ng lalaki."Borj!" --bati niya sa lalaking kaharap.
"Ako nga Roni" --maiksi at kaswal na sagot ni Borj.Ramdam ni Roni ang pagbilis ng kaba ng dibdib niya. Sa hindi naman niya malamang dahilan kung bakit???
"Ayaw bang mag start nitong kotse mo?" --kapagdaka ay narinig niyang tanong ng lalaki. Tila noon lamang siya natauhan at nakaisip magsalita.
"I-ikaw ba ang sinasabi ni Kuya Yuan na titingin sa kotse???.. Naku, Borj,, malaking abala naman yan sayo. Sorry ha.. sana hindi ka na lang pumayag sa favor ni Kuya! "--naiilang man ay wika pa rin niya sa lalaki.
" Ok lang Roni"--maiksing tugon lang muli ni Borj.
At sinimulan na nga nitong itsek ang makina ng kotse niya.
Noon lamang muling nagkaroon ng pagkakataon si Roni na pagmasdan ang kabuuan ni Borj.
Ang laki ng ipinagbago ni Borj. Kung pogi si Borj noon, mas makalaglag panty ang kapogian nito ngayon. Ang katawan ni Borj ay bahagyang naging maskulado na tiyak na makakatawag pa rin ng pansin sa marurupok na babaeng tulad niya. Dahil sa oras na 'yun halatang natataranta siya sa presensiya ni Borj. Paano ba naman???Ang amoy pa lang ng pabango ng lalaki talagang makaka-attract na ng babae.Ang baritonong boses ni Borj na para bang kumikiliti sa tenga niya ay isa ring factor na nagpapalakas ng sex appeal nito..Ewan niya ngayon...biglang-bigla naguluhan ang mundo niya sa hindi inaasahang muling pagkikita nila ni Borj.
Pagkakataon na sana niyang muling pakatitigan at kilitasin ng tingin ang dati niyang "crush" nang bigla namang tumunog ang cellphone niya. Agad-agad napahinto ang utak niya sa pagbubuo ng romantikong imahinasyon. At nagmamadali niyang dinukot sa dalang bag ang cellphone.
Buong akala niya, si Yuan ang tumatawag sa cellphone niya. Pero,nagkamali siya... Hindi pala ang kanyang kapatid kundi si Basty... Ang boyfriend niya...
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
![](https://img.wattpad.com/cover/298770426-288-k296017.jpg)
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfiction"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...