Chapter 16

365 23 3
                                    

"N-napasyal ka Roni, halika pasok ka" --at tila noon lang din natauhan si Borj na papasukin siya at buksan nang maluwang ang gate.Noon lang din niya nakita si Borj na parang natataranta at hindi alam kung ano ang gagawin.

Bumuwelo si Roni. Tiniyak na walang makakarinig sa pag-uusapan nilang dalawa kaya naisip niya muna magpaligoy-ligoy bago tumbukin ang gustong itanong sa lalaki.

"Andiyan ba sina lolo?" --paniniyak niya.

"Wala eh, umalis sina lolo, meron kasi silang inaasikaso." --kaswal na sagot ng lalaki habang nakatingin sa sasakyang ginagawa nito.

Noon niya naintindihan, na kaya nakahubad baro ito ay dahil ginagawa nito ang sasakyan.Marahil kaya hindi niya nakita sa parking area ang sasakyan nito, dahil noong isang araw pa marahil sira ang sasakyan nito.

"Naaabala ba kita?" --maikling tanong pa niya.

"Hindi naman Roni.Nagulat lang ako na napadaan ka dito.Gusto mo bang pumasok muna sa loob, kape, juice,anong gusto mo?" Ibinaba ni Borj ang hawak nitong gamit at nagpunas nang maruruming kamay.

Agad namang umandar ang malikot na imahinasyon ng dalaga.Isipin pa lang niya na sila lang dalawa ni Borj ang tao sa loob ng bahay, parang mababaliw na siya.Baka hindi na niya kayanin..Baka kusa na siyang bumigay.Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob.Pero, kung ganito ba naman kaguwapo at ka yummy ang lalaking mamimikot sa kanya, bakit naman niya tatanggihan.Baka kusa pa siyang magpa -rape.
Hindi na namalayan pa ni Roni na abala na pala ang kanyang mga mata sa pagtitig sa maskuladong pangangatawan ni Borj.Parang ang sarap-sarap amoy-amuyin ng binata.Parang ang sarap himas-himasin ng matitipunong balikat nito.

"Roni!" --napapitlag na siya nang muling marinig nag boses ni Borj.Nasa harapan na pala ang lalaki at sobrang lapit nito sa kanya.Dahil, naiilang siya, bahagya siyang umurong palayo sa lalaki.Baka mamaya, madarang na naman siya sa init ni Borj.Titig palang kasi ng lalaki, pakiramdam niya, matutunaw na siya.

"Kanina pa kitang tinatanong, ok ka lang ba." --magalang na tanong ng binata sa kanya.Noon ay nakasando na ang lalaki subalit humahakab ang sando nito sa maskuladong pangangatawan ni Borj.Sa tingin niya, mas lalo lang lumakas ang appeal ni Borj.Mas naging hot ito  sa paningin niya.

"A-ano nga ulit 'yun Borj?" --hindi na niya naitago pa ang labis na pagkalito.

"Tinatanong kita kung gusto mo bang pumasok muna sa loob para makainom?" --natatawang wika ni Borj sa kanya.

"Ah,,,h-hindi..Huwag na lang!" Mabilis namang tanggi niya.

"Dumaan lang naman ako kasi, may...may g-gusto sana akong itanong sayo?" Naiilang na naman si Roni.Hindi na naman niya maintindihan kung kaya pa  ba niyang ituloy itanong ang gusto niyang malaman kay Borj.

" Ano ba kasi 'yun?"-kaswal lang na wika nito at muling tumingin ng diretso sa kanya.

Bagama't nagpakaswal siya ng boses, aminado siya na nahihiya pa rin siyang makipag-usap kay Borj.Pero, mas mahihirapan siyang mag-isip ng mag-isip kung hindi niya aalamin ang totoo mismo sa binata.

"Borj, gusto ko lang sanang malaman kung t-totoo ba 'yung sinasabi ni Kuya?" -sa wakas ay nasimulan na rin niya ang magtanong.

"Ang alin?" -kunot noong tanong muli ni Borj.

" B-Borj kasi..nabanggit ni Kuya Yuan na...b-babalik ka daw sa Cebu..G-gusto ko lang sanang malaman kung totoo ba 'yun?" --kahit kinakabahan ay naglakas loob siyang maitanong 'yun sa binata nang sa wakas ay malaman niya mismo ang sagot mula rito.

Nakita niyang maluwang na ngumiti ang binata at saka inayos ang malalago at bagsak nitong buhok habang nakatitig sa kanya.

"Gusto mo ba?" --direktang tanong nito.

"Huh" -nagulat si Roni.Kaya 'yun lang ang tanging naging reaksiyon niya.Hindi niya akalain na ibabalik ni Borj ang ganung klaseng tanong sa kanya.Hindi siya naging handa para dun.

"H-Hindi ko alam..Sarili mo naman 'yan,ikaw ang magdedesisyon niyan, Borj" 'yun ang naging sagot niya sa binata.

"Bakit?wala ka bang pakialam sa desisiyon ko?"-nakita niyang seryoso na muli si Borj sa pakikipag-usap.

" Nandito ka di ba?So bakit ako babalik dun.Roni,tandaan mo.Kung nasaan ka,nandun din ako"--halos maglulundag na yata ang puso ni Roni sa mga nakakakilig na banat ni Borj.

Bagama't kilig na kilig siya.Sinikap niyang maitago kay Borj ang totoong nararamdaman.

Matipid na ngiti na lang ang tanging naging tugon niya sa mga sinabi ng binata.

"Ibig sabihin,hindi totoong aalis ka!"paniniyak na tanong niyang muli.

"Malinaw naman ang naging sagot ko di ba!kaya malinaw din na hindi totoo ang sinasabi ni Yuan na aalis ako."

Napatango-tango si Roni habang nagdiriwang ang kanyang kalooban dahil sa sobrang sayang nararamdaman.At least, malinaw na sa kanya ang mga bagay na sobrang nagpapagulo sa kanyang isipan at nagpapahirap ng kalooban noong nagdaang gabi.

Noon, muling natauhan si Roni.Isang oras na din pala ang ginugol niya sa pakikipag-usap at pagpapa cute kay Borj.Saka lamang niya nakuhang tumayo sa kinauupuan at nagpaalam na sa binata.

"Sige Borj ha.Aalis na ako.Kailangan ko ng bumalik sa resto eh" -wika ng dalaga.

"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo Roni,kasi dumaan ka dito.Gusto ko lang malaman mo na,napasaya mo ako"--puno ng sinseridad ang tinig na iyon ng binata.

"Aruyyyy..Kilig na kilig ka naman Roni ha..."tudyo ng makukulit na utak niya.

Napangiti lang siya sa sinabing 'yun ng binata subalit ang kalooban naman niya ay naghuhumiyaw sa labis na saya.

"Pasensiya ka na Roni ha.Hindi kita maiihatid, may problema kasi 'tong sasakyan ko.Inaayos ko pa" -magalang na hingi nito ng paumanhin.

"Ok lang Borj.May kotse naman ako.Pakisabi na lang kina lolo at lola,dumaan ako" -at iniwan niya ang matamis na ngiti para sa binata.

Tumalikod na siya at akmang lalabas na ng gate.Naramdaman niya na nakasunod si Borj sa kanya.Bago pa man siya tuluyang makalabas ng gate, muli niyang narinig ang baritonong boses ng binata.

"Roni" --tawag ni Borj.

Awtomatiko siyang napalingon sa binata.Natatawa siya.Naalala niya ang ganoong eksena noong highschool pa lang sila.Ang pagkakaiba nga lang, si Borj ang tinatawag niya noon.Ngayon,si Borj ang tumatawag sa kanya ngayon.

Lumapit nang bahagya si Borj sa kanya at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Roni,'yung tungkol nga pala dun sa sinabi ko sayo 'nung isang gabi.Totoo lahat 'yun Roni.Ayokong isipin mo na lasing lang ako kaya ko sinabi ang mga bagay na 'yun.Totoong mahal kita, Roni..Noon pa lang" -napakaseryoso nang tinig na 'yun ni Borj.Walang halong pambobola.
Hindi na tuloy malaman ni Roni kung saan pa ba niya isisilid ang kilig na nag-uumapaw sa dibdib niya.
Napakagat labi na lang siya.Wala naman siyang malamang sasabihin kay Borj eh.

"Y-yung tungkol naman sa...sa kiss....Sorry!H-hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko."ramdam ng dalaga na galing sa puso ang mga salita ni Borj.

Nginitian niya lang si Borj at masuyong tinapik sa balikat saka tuluyan na niyang tinalikuran at tuluyang lumabas na ng gate at sumakay na ng kotse.

Ano ba ang sasabihin o isasagot niya sa binata???Alangan namang sabihin niya na.."Its ok, Borj..ang sarap mong humalik" o kaya naman "Ok lang Borj, kahit nakakabitin ang iyong halik" alangan namang iyon ang isagot niya.

Mas mabuti na nga lang na huwag nang magsalita at manahimik na lamang..Sabi nga,less talk ,less mistakes..Wala siya ngayong pagsisisihan.

Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖

💖My Brother's Bestfriend💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon