Kinalma ni Roni ang sarili bago pumasok sa loob ng kanilang bahay.Ayaw niyang ipahalata sa Mommy at Daddy niya na galing siya sa pag-iyak, lalo na siyempre sa Kuya Yuan niya.Matapos ang ilang oras na pag-uusap nila ni Borj, nakumbinsi din siya ng binata na umuwi na lamang.Kahit mabigat ang kanyang kalooban, pinilit niyang ngumiti sa mga magulang pagpasok sa loob ng bahay. Abala ang mga ito sa pagluluto habang ang kanyang kapatid naman ay abala sa telepono.
Nagkunwari siyang masaya at enjoy ang lakad nila ni Basty.Nagpaalam na siya sa magulang na magpapahinga na at hindi na sasabay sa pagkain dahil sinabi niyang busog na siya.Dumiretso na nga siya sa kanyang silid at mabilis na nagbihis.Inilatag ang katawan sa malambot na kama at saglit na napapikit sa kaginhawaan ng katawan na naramdaman niya.
Maya-maya ay muling nagmulat ang mga mata niya.Kasunod noon ay ang muling pangingilid ng kanyang luha.Hindi pa rin niya mapigilan ang malungkot.Hindi rin niya mapigilan ang maiyak.Dala marahil ng labis na sama ng loob.Mahal naman niya si Basty ah. Sineryoso naman niya ang relasyon nilang dalawa.Kaya nga kahit, ayaw ng kuya niya kay Basty, pinilit pa rin niyang ipagpatuloy ang pakikipag relasyon dito.Hindi man siguro perpekto ang pagmamahal na ibinigay niya para sa lalaki, sa tingin niya, hindi niya deserved ang maloko at masaktan lamang.Pero, kunsabagay, mabuti na rin 'yung nalaman na niya agad na ganung tao si Basty.Kesa magtatagal silang dalawa then mauuwi din naman sa wala.At least, may maganda na ring dahilan para iwanan na niya ang lalaki.
Naramdaman niya na muling dumaloy na naman ang kanyang mga luha sa malambot niyang pisngi.Hanggang sa marinig niya na nagriring ang kanyang cellphone.Walang gana niyang kinuha ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.Walang pangalan na nagregister sa contacts pero malakas ang pakiramdam niya na si Basty 'yun. Kinansel niya ang tawag.Wala siyang balak kausapin ang gagong 'yun.Desididong wika niya sa sarili.
Maya-maya ay muling nag ring ang cellphone niya.Hindi na naman rumehistro sa contacts niya kung sino ang tumatawag kaya kinansel niyang muli.Naiinis siyang pinunasan ang mga luha sa pisngi.Sigurado siyang si Basty ang tumatawag at nakigamit ito ng ibang telepono.
"Nunka na mapudpod ang daliri mo sa katatawag, hinding-hindi kita kakausapin."--naiiritang bulong niya habang inis na nakatingin sa hawak niyang cellphone.Maya-maya nga ay isang text message ang sumunod matapos niyang kanselahin ng ilang beses ang tawag sa kanyang telepono.Cellphone number lang muli ang nagregister kaya wala siyang idea kung kanino galing ang text message na 'yun.Dala ng kuryusidad kung ano ang nilalaman ng text message, agad niyang binasa iyon.
"Alam kong hindi mo kayang sabihin sa kanila ang problema mo.Kung kailangan mo ng kausap,nandito lang naman ako"
-BorjMabilis siyang napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama.Awtomatiko ang kanyang naging reaksiyon matapos malaman na si Borj pala ang tumatawag.Tila naramdaman niya ang labis na panghihinayang na kinansel lamang niya ang tawag na 'yun.Bigla siyang nataranta.Hindi niya malaman kung ano ang gagawin.Magrereply ba siya sa binata or kailangan ba niyang mag return call dito.Napahilamos siya sa mukha.Ano bang dapat niyang gawin?
Nasa magulo pa rin siyang pag-iisip nang muli ay isa na namang text message ang kanyang natanggap mula pa rin sa numerong ginamit mismo ni Borj.
"Alam ko naman na ayaw mo akong kausap.Pero ok lang.Goodnight Roni"
Wala man sa konsentrasyon, pikit mata niyang idinial ang numerong ginamit ni Borj kanina.Makikipag-usap siya sa binata at bahala na kung ano ang masabi niya dito.Ang mahalaga, makausap niya ito at maiparamdam sa lalaki na hindi naman niya ito ayaw kausap.Malay ba naman niya, kung ang pangyayaring 'yun pala ang daan upang maging malapit sila sa isa't-isa at maging rason para maging mabuting magkaibigan.
"Hello Roni" --wika ni Borj sa kabilang linya.
Halos mabitiwan ng dalaga ang pagkakahawak sa cellphone nang marinig ang tinig ni Borj.
"Ahm...S-sorry ha.Hindi ko nasagot 'yung tawag mo kanina.Akala ko kasi... si Basty" --halos napapapikit niyang sagot sa kausap. Nahihiya kasi siya sa binata.
"Ok lang Roni.Kumusta ka ba?" -maikli lang magsalita si Borj pero direct to the point ito.Hindi maligoy kausap.Sinasabi kung ano ang gustong malaman.
"O-ok naman ako" halos magkandautal na wika naman niya.
"Alam mo Roni,huwag mo nang pag-aksayahan ng luha ang gagong iyon.Magpahinga ka na"-si Borj muli.
Hindi niya alam kung pag-uutos ba 'yun o pilit lang siyang pinakakalma ng lalaki.
"S-salamat ha." --wala naman siyang matinong maisagot sa lalaki eh.Pero ewan ba niya kung bakit tila nag-eenjoy siyang pakinggan ang boses ni Borj.
"Roni..gaya ng sinabi ko sayo,hindi makakarating sa kuya mo ang nangyari.Magtiwala ka sakin" -narinig pa niyang wika muli nito.
"Salamat Borj ha" -muli ay matipid na sagot niya dito.
"Sige,magpahinga ka na Roni.Goodnight" --paalam ni Borj.
"Goodnight din Borj..Salamat ulit ha" --at napangiti na siya kahit nasa telepono lang naman ang kausap .
Nangingiti niyang ibinaba at pinatay ang cellphone. Natutuwa siyang nakausap niya si Borj sa gabing 'yun.Mabuti na rin at may nakausap siya.Nawala ng bahagya ang nararamdamang poot para kay Basty.
Kung sabagay, bakit ba niya ipipilit ang sarili sa gagong iyon...Maganda naman siya, matalino, mabait, at mayaman...Bakit niya iiyakan si Basty kung may mas deserving naman sa pagmamahal niya.Hindi man niya alam kung sino 'yun...At kung may darating nga bang tamang tao na magmamahal sa kanya, at mamahalin din niya...Iyon ang ating pakaaabangan....
Don't forget to give your comments or suggestions and hit the ⭐ as your support.
#ProudSTEFCAMfan💖
BINABASA MO ANG
💖My Brother's Bestfriend💖
Fanfiction"Borj" muli ay malakas na tawag ni Roni sa kanya.Ilang hakbang ang ginawa ni Borj at muling lumapit saka mahinang nagtanong. "Ano ba 'yun Roni?" Narinig niyang muling tanong ng lalaki. " Borj, gusto ko lang sanang malaman mo... G-gusto kita Borj!Cr...