Chapter 26: Cruel
Cattaleighya Vixen's Pov
Mabilis na napa tago na lang ako sa likod ng pintuan ng isang silid dito at nanatiling tahimik ng bigla na lang akong naka rinig ng boses ng tao sa loob nito na tila ba ay may kausap.
"I supposed it must be a yes-"
"No. And i gotta leave now, don't you dare bother me anymore or else-"
"Or else what Ms, Santos?"
Napa kunot ako ng nuo ng may marinig akong apelyidong nabangit sa usapan ng dalawang tao sa loob.
Ms, Santos?
Ngunit ng balak ko pa sanang sumilip pa ng kaunti upang makita ang muka ng babaeng naka berde sa loob ay napa tiim bagang nalang ako at agad na nag handa ng may repleksyon ng dalawang lalaking may malalaking hubog ng katawan ang nahagip ng mga mata ko sa makikintab na door knob.
Damn it, the persons inside the room. They're f*cking gone.
*Boogsh!*
Halos mapa mura nalang ako ng paulit ulit sa loob ng utak ko ng bigla na lang akong maka ramdan ng malakas na pag palo ng isang bagay sa likod ko na muntik ng magpa luhpd sa akin.
Na pangiwi na lang ako at tiim bagang na napa hawak sa likuran kong para bang nabalian ng buto, bago tignan ang mga lalaking ngayon ay nasa harapan kona na makikitaan mo ng mga nalilisik na mata at tila ba'y naka ngisi pa kahit na natatakluban pa ang kalahati ng mga muka nito.
Mabilis na nabalik na lang ako sa sariling ulirat ko at agad na napa takip ng dalawang kamay sa sinapupunan ko ng makaramdam pa ako ng ibang mga presensya bukod sa dalawang taong nasa harapan ko na kita kong bigla na lang nilang ikina tinginang dalawa bago diretsyong humarap ulit sa akin.
Dahan dahang napa atras na lang ako ng mag umpisa na naman silang lumapit sa akin, ngunit ng bigla na lang nilang hinampas ang tagiliran ko na para bang gustong patamain sa sikmura ko ay napa ngiwi na lang ako at mabilis na napaatras ng tuluyan nakong bumagsak sa malamig na sahig na kanina'y lamang ay kinauupuan ko.
"Please no... n-no- Argghh! f*ck!"
Balak ko na sanang saluhin ang mahabang tubo na balak na naman sana nilang ihampas sa akin ng tuluyan na lang akong mapa bagsak sa sahig at pikit matang mahigpit na tinakpan ang aking sikmura ng makitang unti unti ng dumami ang kanina'y lamang dalawang taong tila ba'y gustong-gusto na kong patayin.
Palo dito, palo duon, sipa dito, suntok duon.
Sa mga oras na to ay hindi na tumatakbo pa ng tama ang utak ko, dahil sa pag iisip na kailan ba sila mag uumpumisang tigilan ako upang matigil na lahat ng pag hihirap nato.
"Iwan na ba natin yan dito?"
"Tara na, tutal nagawa naman na natin yung mga pinag uutos nila saten."
"Sigurado ba kayo na hayaan na lang natin yang ganyan?"
"Eh kung paglaruan kaya muna natin to??"
"Tarantado. Kita mo nang dinudugo na gagahasain mo pa, Gago kadin eh no? Hindi ka ba nandidiri?"
"Maganda at makinis naman eh, isa pa, mas nakaka diri pa nga dyan asawa ko eh-"
"Mga siraulo kayo.".
"Tara na. Iwan nyo na yan dyan, ang sabi bugbugin hanggang sa duguin hindi galawin."
"Tsk, Sayang naman... Tara na nga."
Unti unti nang nag didilim ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod at kirot na nararamdaman. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay napa hinga na lang ako ng malalim ng may mga papalapit na boses ang narinig ko.
BINABASA MO ANG
HER: Cattaleighya Vixen Sanchex (COMPLETED)
Aksi"Don't act like you know me, you just know my name but not my story and everything about me." -Vixen Everyone has a secret that is meant to be revealed, a reason why they changed and the story behind it. Sometimes, they changed because they only wan...
