×××
KLEEVE
"WOOAH! SUCCESS!"
I brushed my hair up using my fingers with hand sanitizer while gently pushing the door. That's my usual thing after flushing all those shits in that white innocent manmade—kidding.
What I'm trying to say is pagkatapos kong ibuhos ang sama ng loob sa inosente at nananahimik na toilet bowl ay lumabas na ako ng cubicle.
"Harold katatae mo lang tapos kung makapagwisik ka niyang kamay mo wagas?" nakangiwing wika ni Finx habang tinitingnan nang masama si Harold. "Para ka lang nagbabasbas ng holy water, ah."
Here I am, trying to cover up the word 'tae' with a better set of words because it sounds too disgusting, yet my friend on his black hoodie jacket being blunt and just said it so casually.
"Luh, kung holy water 'to kanina ka pang sunog, bro." Harold said while continually shaking his hands from different direction. "Wooah, success talaga! Dami kong nakain kanina, e'."
Finx's turned more annoyed now. "At kayong dalawa," he said while washing his hands on the open faucet. "Para kayong may contest ng palakasan ng tunog ng tae, tangina. Rinig na rinig kahit sa labas, e'."
Harold laughed and I just shrugged my shoulders off. "Dapat ba hininaan ko volume?" asar ko.
"Hindi," he wiped his hands and faced us. "Kung hininaan mo edi 'di kayo makakabuo ng magandang beat kanina. Puwede na lapatan ng lyrics, e'. Ganda pala ng rhythm ng utot niyo, 'no?" dagdag pa niya. "Dapat pala ni-record ko."
"Gago." I laughed.
"Teka, teka!" Harold narrowed his eyes and looked at Finx from head to toes. "Lumabas ka kanina?"
"Oo." Finx.
"Nitong CR?" Harold.
"Oo nga sabi—"
Napatakip si Harold sa bibig niya at unti unting umatras hanggang sa bumunggo ang likod niya sa puting wall. Damang dama nito ang pagturo kay Finx na siyang nakanganga at nakataas ang kilay habang pinapanood siyang magdaus-os sa pader.
"Papa'nong...papa'no, Finx..." Harold said with a teary eye. "Hindi ka tunay na kaibigan! Kung talagang tanggap mo kami, dapat tanggap mo rin ang mabahong side namin!" Harold said and turned his gaze on me. "Kleeve, isa siyang taksil." he said seriously and took a step forward.
"Sino bang may sabing mga kaibigan ko kayo?" Finx refuted, making Harold normally stood up. "Uy, tol. Walang ganiyanan. Matapos nating pagsaluhan ang ilang maiinit na gabi, 'yan ang sasabihin mo—"
"Ulol!" Finx exclaimed while raising his middle finger.
"Ay, huwag dito. May audience tayo oh, VIP pa. Si Kleeve." wala na talagang pag-asa ang dalawang 'to.
"By the way," boses iyon ni Harold na tila bumalik sa katinuan. "Kanina pa nag-text sa'kin si Halign, ngayon ko lang nabasa. Bilisan daw natin dahil may show daw sa baba nitong mall."
I forgot to mention. We're here on La Cuartia Mall where we ate our lunch right after we took the exit door on the fourth museum, Isu. Yeah, tipid ng pangalan 'no? Pfft.
It was a museum consist of various things and creatures living and depending their lives and uses with ice. Yelo ang dahilan kung bakit sila nabubuhay, at yelo rin ang dahilan ba't sila gumagana. Like that. The fourth floor was filled with ice— halos buong palapag. Kaya naman hinarang nila kami sa entrance at kinuha ang mga gamit namin at pinagsuot ng panlamig. We were given a card para ma-claim namin 'yon pagkatapos.