【┘】09: Truth in Throat (Part II)

79 3 0
                                    

×××

FINX

"CHOCOLATE FRAPPUCCINO na lang din ang akin!"

"Bale apat na, sir." iminuwestra ko ang apat na daliri ko sa cashier habang nakatingin sa menu sa taas.

"Four orders of Chocolate Frappuccino. Anything else po mga ma'am and mga sir?" tangina, siyempre wala na. Isang libo na ang budol sa'kin ng mga 'to rito.

Gagong inumin 'to, ah. P250 ang isa ampota, kaliit naman. Ano bang sahog nito, ginto?

"Finx?" they called my name in chorus. Bakit? Siyempre, ako magbabayad ng mga 'to, eh.

"That's all, sir." I responded and gave my card. Matapos ang ilang segundo ay ibinigay na sa'kin pabalik ng cashier ang card kasama ang resibo.

Narinig kong may kinukuwento si Kylah kay Kleeve. Irish did the same, but he just left them here in counter as he went to his seat.

"Hoy, Finx, gagi! Beast mode na talaga 'yong isa!" kamot ulong tugon ni Kylah.

"Basta ipaliwanag niyo buong pangyayari, aayos din disposisyon niyan." sagot ko sa kanila at ayon, sinundan na ang loko.

I mentally laughed.

Tinotoyo na talaga ang gago.

"Sir, here's your four Chocolate Frappuccino. Enjoy po!" inabot sa'kin ng cashier ang rectangular tray kung saan nakalagay ang aming in-order.

"Salamat po." I nodded politely and carefully went to our circular table.

"Hala, gagi? Nagtatampo talaga, oh!" naabutan kong ikinakaway ni Kylah ang mga kamay niya sa mukha ni Kleeve na seryoso ang tingin sa kaniya.

"Oy, Kleeveeee! Showi na, bati na tayo, oy!" niyugyog naman ni Irish mula sa likod ang mga balikat ni Kleeve at tinagi-tagilid pa ang ulo nito, pero, wala pa ring kibo ang gago.

"Oy, Klibeyj, galit talaga? Tampo yarn?"

Umupo na ako at inabot sa kanila ang mga drinks.

"Oh, boss, pampalamig. Kalma, gago baka ikaw pa maunang sumakabilang buhay," biro ko at nilapag ang choco frappe sa tabi ni Kleeve na masama rin ang tingin sa'kin.

"You three. Explain. Yourselves. Now." kalmadong wika niya pero seryoso.

Gusto kong matawa nang biglang mapaayos ng upo ang dalawa dahil sa tono ni Kleeve, pero, seryoso siya ngayon, alam ko.

Saka, kahit ako naman curious din sa buong kuwento, 'no. Iilan pa lang ang nalaman kong malinaw. Nagulat din ako nang makitang buhay talaga sila, eh. Pero, hinala ko na 'yun dahil nang buklatin ko ang telang nakataklob sa bangkay na nasa stretcher kanina, nasa kaliwang pisngi na ni Irish ang itim na itim at bilog niyang nunal, at nawala 'yung nasa noo. Alangan namang lumipat ng puwesto 'yung nunal, 'di ba?

Isa pa, walang sungki ang mga ngipin ni Kylah, pero ang bangkay na nandoon, mayroon. Paano ko nalaman na may sungki 'yung bangkay? Simple lang: napanganga ang bibig ng kung sinoman ang nasa stretcher na 'yun nang mauntog ang stretcher sa pinto ng ambulansiya.

Clock Clicks CleverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon