【┘】19: Clueless Witness

33 1 0
                                    

×××

PORSCHA

"HINDI NAMAN ako nadiretso kung saan-saan, Mommy, ah." nakanguso kong sagot at isinakbit ang bag ko.

[Pinapaalalahanan lang kitang bata ka. Wala akong sinabing nadiretso ka kung saan-saan!]

"Opo . . . "

[Sige na. Umuwi agad, Pochie, ha. Nando'n naman ang Ate mo. Bye.]

"By - "

*TUT!*

"Grabe!" tawa ni Warlene na nakaabang sa akin sa may pinto. "Junior ka na pero ang turing pa rin sa 'yo ni Tita, lakwatserang Grade 4."

"Baliw!" sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit naman no'ng Grade 4 ako, 'di ako lakwatsera, 'no."

Hindi nga ako nalabas ng bahay, eh! Goshmie!

"Anong balak niyo sa buhay? Tumunganga r'yan hanggang umaga?" tanong ni Eckay na nasa hallway na pala.

"Uuwi na tayo agad?" tanong ko.

"Ay, hindi. Gusto mo libutin muna natin ang buong planetang Earth bago tayo umuwi?" tanong niya na halatang may kasamang sarkasmo.

"Sige, samahan mo ako." sagot ko nang pabalang at umirap.

Goshmie! Magkakasundo talaga sila ni Camela!

"Wait ninyo ako, mga akla!" rinig kong sigaw ni Zed sa loob.

"Bilisan mo nga! Kanina ka pa r'yan, eh!" si Warlene 'yon na sinisilip si Zed mula sa glass window sa labas.

"Bruha ka! Tulungan mo kaya ako rito imbes na magjujuda ka r'yan!" Umirap si Zed at bumalik sa paghahanap.

"Bukas mo na hanapin 'yong ballpen mo! Dalian mo na!"

Tumili si Zed at tumakbo papalabas habang nagtatatalon.

"Vadeng ka!" sinampal niya nang marahan si Warlene at pinakita ang ballpen habang natili.

"Oh ayan, nahanap mo na pala, eh. Tara na, kwek-kwek na kwek-kwek na ako kanina pa!" ani ni Eckay at bumaba na sa may hagdan.

Almost fifteen minutes have passed nang mapagdesisyunan naming itigil na ang katakawan para sa kinabukasan. May ipon challenge kasi kaming ginagawa, pero, alam mo na! 'Pag nand'yan ang tukso, mapapagastos talaga!

Goshmie lang, 'di ba!?

"Una na ako, ha." ani ni Eckay at inilagay sa non-biodegradable na basurahan ang plastic cup. "Ingat kayo, mga tanga pa naman kayo tumawid." pahabol niya pa at tuluyan nang naglakad paliko.

"'Wag ka nga! Si Porscha lang kaya ang tanga tumawid!" depensang sinigaw ni Warlene.

Nilakihan ko siya ng mata at inirapan.

"Ay, pasensiya, ha?" sarkastiko kong paghingi ng paumanhin.

"Apology not accepted." umiling si Warlene.

"Nand'yan na pala ang sundo ko," itinuro ni Tricia ang motor na nakaparada malapit sa waiting shed. "Bye!" kumaway siya at tumakbo nang mabilis.

"Kung makatakbo ang bruha daig pang nakikipagkarera sa cheetah." komento ni Zed.

Natawa kami ni Warlene.

"Oh, siya, siya! Nandiyan na rin pala sundo ko, mga akla!" patili niyang sabi sa amin.

Clock Clicks CleverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon