×××
KLEEVE
PROBABLY THIS is one of the times where I'm hesitating to spill the truth.
Right after those two left, I immediately checked my mom whom holding her head while writhing in pain, still lying on the mat. Panay ang tanong niya kung ano ang nangyari at kung bakit masakit ang ulo niya. I scratched my head awkwardly and guided her to sofa. Sakto namang nagising si Melai at nagtanong din kung anong nangyari.
Contrary to Porscha's reaction the moment she woke up.
"Hey, you okay?" I asked her for the fourth time, kaya naman napatingin sa'kin sina mama at Melai.
She nodded slowly before sipping her chocolate milk.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong na naman ni Melai, nakakunot ang noo at dinadampi ang likod ng kamay sa noo ni Porscha.
"Hoy, ang init mo." dagdag pa niya habang nakatingin sa kaklase.
My instinct told me to check her temperature, and I did.
"38.6°, I told her while slightly pinching her ears. "You have a fever."
"At kailan ka pa naging human thermometer, Kleeve?" 'di ko namalayang nakalapit na si Melai at dala ang medicine kit.
"Tabi."
Ngumuso ako at tumabi. Nagtalo ang dalawa nang nagtalo dahil sa gamot.
"Okay lang talaga ako, promise!"
"Sinong maniniwala sa'yo? Pagong?"
"Kulit mo, Camela! Goshmie!"
"Ikaw ang makulit, tanga. 'Pag namatay ka, obligado pa akong dalawin puntod mo kada birthday at Araw ng mga Patay. Gagastos pa ako. Kaya kaysa mamatay ka, inumin mo 'tong gamot."
"Grabe ka, talagang nakaabot ka agad sa kamatayan ko, ah!?"
"Oh, ngayon? Iinumin mo 'to o iinumin mo 'to?"
"Oo na! Babaeng 'to."
I'm glad at 'di na nila naisipang magtanong pa.
Napatingin ako kay mama nang bigla niyang malaglag ang baso. Agad akong lumapit at ch-in-eck siya.
"Ma!" Melai and I shouted in chorus.
"OMG! I'm sorry! Nangingimay kasi kamay ko," akma niyang pupulutin ang baso but I insisted.
"Ma, no. Baka mabubog ka pa." I said and went to our trash bin in the kitchen to dispose these.
"Hahaha! Kuya, you're treating your mom like a baby, aww." rinig ko ang pang-aasar sa tono ni mom hanggang dito sa kusina.
"Yeah, mom. Whatever." I murmured.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng pamilyar na yabag ng mga paa papunta sa direksyon ko.
"A-Ano..."