【┘】22: Assumption and Suspicion

31 1 0
                                    

×××

PORSCHA

"HOY, PORSCHANNA! Kanina ka pa nakasilip d'yang chismosa ka!"

Agad kong inilagay ang hintuturo ko sa labi ni Warlene. Bigla-bigla na lang kasi siyang nasulpot! Goshmie!

"Shh! Ingay mo." inirapan ko siya at ibinaling ang tingin ko sa unahan. Umayos na rin ako ng upo at tumingin sa mga parents at guardians na palabas na ng pinto dahil nakapirma na rin sila gaya ni Kleeve — este, Kuya Kleeve kasama si Nurse Pom.

Saan kaya sila pupunta? Naku-curious ako! Goshmie!

"Sino bang sinisilip mo, ha?" tanong niya at sumilip din sa bintana na sinisilipan ko. "Wala namang tao, eh."

"Baka umalis na sila, ano?" sarkastiko kong tanong.

"Tumpak!" hinampas niya ang desk ko at ngumisi. "May utak ka na ulit!"

"Bakit? Wala ba akong utak kanina?" pabalang kong tanong at muli siyang inirapan.

"Mayro'n naman talaga kanina, puro kalandian nga lang laman." ani pa niya at siniko ako.

"Tingin mo ba, girlfriend niya 'yon?" mahinang tanong ko kay Warlene.

Napangisi siya at tinapik ako sa balikat.

"Hindi, ano ka ba." she smiled and whispered. "Asawa niya 'yon."

Inirapan ko siya nang bigla siyang tumawa pagkasabi niya noon. Halatang nang-aasar, goshmie!

"Ayun 'yung nurse na biktima ng aksidente sa DMMS, 'di ba?" bigla namang singit ni Tricia sa usapan namin.

Isa pa 'tong kabute!

"Oo," imik ni Eckay na kasama ngayon si Camela. ". . . pero, aksidente nga ba?"

"What do you mean — aray ko! Bakla ka talaga, Zed!" hinimas ni Tricia ang noo niya nang hampasin siya ni Zed ng pamaypay niya.

"Ayarn! Palong-palo ka sa kakajuda na gusto mong maging newscaster, pero ikaw mismo ang late na late sa balita! Kaloka kang vadeng ka!" umirap si Zed sa hangin at nagpaypay.

"'Di ba nga, binalita 'yon sa TV." sabat ko sa usapan nila.

Sinegundahan naman ni Zed ang sinabi ko at binigyan ng bonggang-bonggang sermon si Tricia.

"Dinaig mo pa nanay ko, eh." rebut naman ni Tricia.

"Oo, dahil mas maganda ang beauty ko kay Tita Tina!" depensa ni Zed.

"Sumbong kita! Hahaha!"

"Sige akla, okrayin mo lang ako!"

Natawa ako sa sagutan nilang dalawa at nakidawdaw na rin at the same time. Napansin kong ang tahimik ni Camela sa tabi ko.

"Uy, Came. . . " kulbit ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin pero hindi siya umimik.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kaniya.

Clock Clicks CleverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon