×××
PORSCHA
PIKIT MATA kong ini-unlock ang lock screen ng cellphone ko bago basahin ang reply niya. Pinaliit ko ang mga mata ko at saka pinindot ang chat head na kanina pang nag-pop-up.
Camela:
Malamang, lahat naman kami kumuha nonPinalobo ko ang aking pisngi at bumuga ng hangin.
Ano pa nga bang aasahan ko kay Camela? Siyempre pamimilosopo! Goshmie!
Tinanong ko kasi siya kanina if nag-take ba siya ng exam para ma-qualified siya for Local Exchange Student Program na t-in-ake din namin last Friday. Alam niyo ba 'yon? Annual event kasi sa amin 'yon na if ever na makapasa ka, you will go study to your campus' partner institution for a whole month. Ang partner ng school namin na Mendeleev High School ay ang Ivanovich Institution, na siyang pinapasukan ni Camela. So, if ever na pumasa ako sa exam na 'yon, I'll go to Ivanovich! And of course, kung si Camela naman ang nakapasa, she'll go here sa Mendeleev High.
Imagine that! Hindi kami magsasalubong nang lagay na 'yon, 'di ba!? At siyempre, hindi ako papayag!
Kaya may ginawa akong kalokohan na siguradong magiging dahilan ng pagka-high-blood sa 'kin ni Mommy.
Goshmie! Yari po talaga ako!
Ayun ang dahilan kung bakit kinakabahan ako habang kausap siya kanina pa. Samantalang siya, chill lang at namimilosopo pa. Goshmie talaga, oh!
Nagsimula na akong reply-an siya nang makita ang oras sa notification bar ko.
Five minutes na lang at padating na 'yung terror naming teacher!
Eh, anoo? Pasado ka baaaaa?
Reply sent!
"Porscha, samahan mo 'ko sa CR."
Ang tagal niyang mag-reply! Kinakabahan talaga ako!
"Porscha? Hoy!"
Nag-announce na kaya sa kanila? Sabay rin kasing araw nag-take ng examination ang mga school namin, eh.
Sana talaga pasado siya . . .
"Porschanitaaaa!"
"Ay, pasa!" sinalubong ko ang salubong na kilay ni Tricia habang nakapamewang. Napansin kong nakatingin din pala sa 'kin sina Eckay at Warlene.
"Baliw! Ba't ka ba nasigaw?" tanong ko at kinain ang bukas na Piattos.
"Naka-ilang tawag lang naman ho kasi ako sa 'yo, ineng, ano ho?" ani niya sa naiinis na tono.
"Anong naka-ilan? Dalawa lang kaya 'yung tawag mo," singit ni Eckay at nilagok ang natitirang laman ng kaniyang Mogu-Mogu.
"Tse! Gano'n na rin 'yon!"
"Eh, ba't ba kasi?" tanong ko ulit.
"Ihing-ihi na 'ko!" ani niya at nagpapadyak pa habang umaaktong naiihi na talaga.