Nandiyaan yung gusto mong makalimot pero ang ibibigay sa 'yo mas matinding sakit. Nandiyaan yung gusto mong umusad pero lagi kang hinihila pabalik sa nakaraan. At nandiyaan din yung hihiling ka para sa maayos na buhay, kalagayan, at puso pero ang ibibigay sa 'yo ay pagsubok na talagang ikababa ng pagkatao mo.
Ganito kasi ang mundo hindi pantay at patas laging may lamang minsan mapapaisip ka na lang kung may favoritism ba ang langit.
Masarap ang kwentuhan ng magkakaibigan nang bumagsak ang malakas na ulan. Nagsikaripas ng takbo ang mga ito sa kubo at doon naman ay naglaro sila ng spin and spill the bottle.
That was a game na kung saan walang magtatanong pero lahat ng gusto mong sabihin sa mundo at sa lahat ng tao isisigaw mo sa harapan ng lahat. A game na kung saan papalayain ka sa sakit na nasa loob mo. At kapag umulit ang pagtutok ng bote sa tapos nang maglabas nang nararamdaman ay siya naman ang pipili ng susunod sa kanya sa mga hindi pa natutukan ng bote.
Buong gabi sila nagtawanan at nagkuwento ng mga problema. Tumila na rin ang ulan kaya habang nagpapasukan na ang iba sa kanilang mga kuwarto ay naiwan si Violet habang may hawak-hawak na alak sa baso.
Mabuti na lamang ay libre ng kasamahan nila sa trabaho ang pagtuloy nila sa mga kuwarto dahil kamag-anak ito ng totoong may-ari. Wala silang binayaran dahil sa hapon naman na sila dumating lahat at hanggang tanghali lang sila ng kinabukasan.
Pinagmasdan naman ni Star si Violet na naglalaro sa dalampasigan animo'y bata na ngayon lang nakalabas ng bahay. He saw the young Violet na masaya kahit sa maliit na bagay lang. Pupuntahan niya sana ito pero humingi ng tong ang kasamahan niya sa kuwarto kaya ngumisi na lamang siya."Masaya ka ba na pinahihirapan mo ako mabuhay sa buhay na ito? Alam mo hindi ako nagpapasalamat na binigyan o pinahiram mo ako ng buhay, eh. Ikinagagalit ko bakit kailangan pahirapan mo ako ng ganito!" Malakas na paglabas ng mga salita sa bibig ni Violet habang nagpupunas ng luha at tumatawa animo'y binibiro siya.
"Ikaw sa tingin mo masaya siya na ganiyan ang buhay mo?" Ikinagulat ni Violet ang mga salitang nanggaling sa kanyang likuran. Boses na sobrang lalim at seryosong tono.
"Sino ka naman?" She asked."Importante ba kung sino ako o mas importanteng malaman mo na hindi ka nag-iisa sa kapighatian sa buhay?" The guy smirked.
"Parehas importante!" She replied.
"Alam mo ang salitang "importante" pero ang "halaga" hindi?" The guy laughed.
"Parehas lang naman ang ibig sabihin niyan magkaiba lang ng spelling." She replied.
"Ang salitang "importante" ay para sa mga bagay na gusto lang natin makuha, makita, at maabot. At ang salitang "halaga" ay yung papaano mo makita o tignan ang sitwasyon, bagay-bagay, at ang sarili mo sa anumang aspekto." Lumakad ang lalaki papunta kay Violet at bumulong, "Alam mo kung ano ang importante at mahalaga sa 'yo para makalaya ka tuluyan." Animo'y nawala ang tama sa alak nang makita na niyang naglalakad papalayo ang lalaki.
Hinabol ni Violet ito. "Paano kung nalaman ko na ang importante at mahalaga sa akin, ano ang mangyayari?" She ask desperately.
"Sa tingin mo, ano ba ang nangyayari sa isang tao kapag nahanap na niya ang kasagutan?" The guy smirked"Kalayaan at tunay na kasiyahan?" She asked.
"Huwag mo akong tanungin kung iyan ba talaga dahil walang kasiguraduhan na iyan na nga. Mas mabuting alamin mo sa sarili mong paraan." Nagpatuloy na sa paglalakad ang lalaki habang nakapamulsa at huminto naman si Violet sa pagsunod sa kanya.
"Siguro tama siya, ano nga ba ang importante at mahalaga sa buhay ko?" Aniya niyang nagmamadaling bumalik sa kubo at kinuha ang phone.
Dali-dali niyang binuksan at hinanap ang litrato ng kanyang kapatid na bunso. "Hindi pa nga kita ulit nakikita mahal kong kapatid. Uuwi ako ng probinsiya para mayakap ka ulit." Star asked her why she's in tears.
Agaran naman niyang pinawi ang mga luha at sinabing dala lang ng alak at napuwing siya kasi naglaro siya sa dalampasigan. Umagang-umaga ay nasa dalampasigang muli si Violet habang may hawak na kape. Nakangiti at tuwang-tuwa sa araw.
"Ngayon ko na lang ulit naranasan ang masikatan ng araw na hindi pa gano'n kainit. Nakatulong din talaga itong plano naming pag-outing kahit kalahating araw lang." Hanggang sa humangin ng malakas at ang suot-suot niya beach hat ay natangay nito.
"Umagang-umaga nag-emote ka riyan?" She remembered the voice. The guy gave her hat with a deep look.
"Ano bang klase ng lalaki ito? Ang pungay ng mga mata nadadala pa nang mahaba niyang pilik-mata at makapal na kilay. At ang katawan batak na batak na hindi nakakumay titigan. Pink think lips na may perpektong ngiti. Seryoso ba 'to?" Sa isipan ni Violet habang nakatitig sa lalaki. Nakita naman ito ni Star at pinagmasdan niya lang ito dahil nag-umpisang ngumiti si Violet.
"Who's that guy?" Star ask from a distance.
"Hindi naman ako nag-emote rito! Actually I'm here para masinagan ng araw ang balat ko. Alam mo naman ang kasabihan noon mabuti raw sa mga buto-buto ang Vitamin C." She said.

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceHappy ending is for main characters only but what if the main characters became the secondary lead for someone's life, what will be their takes for great ending? A story that untolds the story of second lead will the most painful yet deserving for...