Chapter 8

74 5 0
                                    

"Bakit kasi naghintay siya sa akin without any sign of my attention, time, and wanted to know her? I mean is it really okay to wait for someone who's not having assurance?" Star try to figure out why Armenia waited for him.

Nasa kusina lamang siya at nag-iisip habang kumakain. Madidiing lunok at nakataas ang kilay nito.

"At hindi ko rin malaman ang dahilan nang paghihintay niya kung ako yung rason kung bakit may sakit siya? Hindi ba dapat magalit siya sa akin because I ruin her life to be happy." He sighs deeply at hinanap agad ang kanyang Ina.

Ngumunguya pa siya nang maisipan niyang kunin sa drawer ang photo album at pagmasdan ang bawat litrato. Ngumingiti ito habang sa mapansin niya nga ang batang babae na laging nasa tabi niya. "Siya ba 'to? She really look nice and simple in her childhood days." Hinawakan niya ang litrato at nag-umpisang sumakit ang ulo niya.

Sa mga pagkakataong iyon ay bumabalik na ang mga alaala nito sa kanyang nakaraan. "Nandoon nga siya ng mabundol ako ng sasakyan. Umiiyak at sumisigaw ng tulong. I saw her!" Nakahawak ito sa kanyang ulo at agarang kinuha ang susi ng sasakyan niya.
Kumatok ito sa bahay nila Armenia at pinagbuksan naman siya ng Ama ni Armenia. "Anong ginagawa mo rito?" Bulalas ng Ama at may galit sa pagsasalita.

Ipinagtulukan siya nito papalayo. "Alam ko naman na darating yung ganitong sitwasyon yung magkikita kayo pero sa tuwing makasasama ka niya. Napapahamak siya! Kaya umalis ka sa pamamahay ko." Galit at matalim ang mga titig ng Ama ni Armenia kay Star.

Dumating naman ang Ina ni Armenia at inaawat ang kanyang asawa sa pagsigaw. Tumalima na nang lingon si Star nang lumabas naman si Armenia para yakapin siya. "Alam mo wala akong kasiguraduhan sa lahat pero itataya ko na lahat sa iyo." Bulong nito at yinakap na rin siya ni Star.

Pipigilan sana ng Ama ni Armenia ang eksena sa kanyang harapan pero siya ang pinigilan ng kanyang asawa. "Alam mo huwag ka epal! Nakikita mo bang masaya ang anak natin na mayakap si Tata." Hindi nakuha sa salitaan ang Ama kaya itinulak siya papaloob ng kanyang asawa. "Huwag ka nang umalma pa ngayon nga lang lumabas ng kusa iyang anak natin. Look she's smilin' na hindi natin mabigay for so long." Nakakunot ang noo ng Ama at masama ang tingin kay Star.

"Kaya ka naghintay na maalala kita? Kaya ba mas pinili mo maging mag-isa? Kaya ba hindi ka nahihiya? Kaya ba hanggang ngayon umaasa ka pa? Because you know na babalik ang mga alaala ko." Star said with joy in his heart.

"Hindi ko naman pinili, g—ginawa ko maghintay kasi ginusto ko na makasama ko. Dahil kung pinili ko 'to maaaring hindi na ako maghintay dahil posible kong makuha sa iba ang puwede mong ibigay sa akin." Nakangiti at puno ng kasiyahan ang mga mata ni Armenia.

"Ano pinagkaiba no'n?" Star ask being confused.

"Alamin mo sa sarili mo." Armenia replied.
Pinapasok ni Armenia si Star sa bahay nila at sumalubong ang matapang at matalim na titig ng Ama ni Armenia. "Bakit mo naman pinapasok iyan dito?" Seryosong pagtatanong kay Armenia ng kanyang Ama.
"Alam mo Papa ang kontrabida mo ngayon just be happy na bumalik na ang alala niya. Hindi lang naman ako ang nakaranas nang paghihirap maging siya rin." Armenia defends her decision.

"Nang maalala ka niya sana maisip mo na kapag kasama mo siya problema lang dala niya." Madiin ang pagkakasabi nito na halatang may galit.

"Problems can have solutions." Armenia directly to point answered her Father.
"Pasensiya na po pero kung ayaw niyo po talagang naririto ako ay aalis na lang ako." Nakatalungko at mahina ang boses ni Star dahil hindi siya makatingin ng diretso sa mapangahas na titig ng Ama ni Armenia.
"Sino ba may sabing gusto kita naririto? Sino nagsabi na gusto kita para sa anak ko?" Hindi mapigilan ang mga maanghang na salita na nanggagaling sa Ama ni Armenia.

"Sige po!" Star replied and left them.

"Papa naman! Ang selffish mo naman siya na nga lang inaasam ko na maabot dahil pressure yung mayro'n ako palagi ipagdadamot mo pa. Gano'n kahirap maabot ang isang bituin sa kalangitan sana alam ninyo yung pinagdaanan ko." Armenia bursted her words in sadness.

Umakyat ito sa kanyang kuwarto at pinagmasdan muli ang mga litrato na itinabi niya pa sa mahabang panahon. Tumulo na lamang ang kanyang mga luha. "I'm in pain and no one knows that dahil palagi naman ako mukhang maayos. Sobrang nakakapagod magpanggap na everything is okay. Paulit-ulit kong hinihiling na maalala ako ng taong mahal ko ngayon natupad kokontrahin pa." Nakahiga at pinagmamasdan ang litratong nabasa na ng luha.

Sinisisi naman ni Star ang kanyang sarili sa mga nangyayari. "I was rejected by the person I loved the most and my past is chasing me. Ano ba namang buhay 'to?" Malungkot na mga mata at tila pinapatay nito ang kanyang sarili sa mga pag-iisip sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon