Chapter 5

160 26 2
                                    

"Taasan mo pa yung boses mo at iyang pride. It only proves you only care about yourself." Tumaas ang boses ni Walter at ang kilay niya. Sumama ang titig ni Violet pero nanahimik siya dahil tama naman ang mga sinabi ni Walter.

"Alam mo kung uunahin mo palagi ang emosyon mo sana kahit minsan gamitin mo rin 'yan para makaramdam sa nararamdaman ng tao." Paalala ni Walter kay Violet.

Makalipas ang isang oras ng biyahe ay nakarating na sila sa Manila. Bumaba si Violet na mas mabigat ang loob. But Walter open his car window, "Gaya ng pangalan mo puwede ka rin magbigay ng kulay sa iba." Then Walter left her with a smile.

Muling bumiyahe si Violet papauwe na sa kanyang tinutuluyan. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating din siya pero tuliro ang isipan. Pagkaupo niya mismo ay siyang pagdating ni Star.

"Onyeng you're here! Kanina pa kita hinihintay." Agaran siyang yinakap ni Star.
"Hindi ka ba galit?" She asked.

Star laughs bitterly. "Ano ba dapat kung ikagalit? Wala naman." Bumuntong-hininga si Violet. "Sorry for the words I said a while ago."

Nginitian lang niya ito at biniro pa. "Hoy! Ayos lang, hindi bagay sa ganda mo at ganda ko ang masaktan." A gayly move of Star to make Violet smile.

Makalipas ang ilang araw ay hindi na bumisita si Star sa tinutuluyan ni Violet. Halos magkalapit lang ang tinitirhan nila pero dumidistansiya na ito dahil sa nangyari. Ngayon ang dati nilang buhay na laging magkasama ay nag-uumpisa nang maglaho.

Mag-isa noon si Star na naglalakad at umiinom ng kape nang masabuyan siya ng tubig na galing sa itaas. Basang-basa siya dahil isang timbang tubig ang na ibuhos sa baba.

Agarang bumaba ang nakabuhos ng tubig sa kanya. "Kuya! Pasensiya na po nadulas kasi ako at nabitawan ko ang timba na pandilig ng halaman. Sorry talaga!" The girl said habang umiinda ng sakit sa hita. "No, I'm okay! Iisipin kong binuhusan ako ng blessing galing naman sa itaas, eh. Ikaw ayos ka lang ba?" Sabay pagtingin sa kamay ng babae na nasa hita niya nakahawak.
"Yeah, I'm okay! Don't worry malayo sa bituka medyo masakit lang malakas kasi ang pagkatumba ko." Sabay paghingi ng pasensiya kay Star. "I said I'm okay! Ikaw ang dumi ng hita mo at kitang-kita ang ang pamumula niyan. Lagyan mo agad ng yelo para hindi mamaga." Star left her.

Nakauwe si Star at agarang nagpalit ng damit. "Anak! Bakit naman basang-basa ka? Huwag mo sabihing nabuhusan ka ng tubig doon kila Armenia." Tumawa si Star, "Paano mo naman nalaman, Ma?" Tinawanan lang siya ng Ina niya.

"Alam mo sa lahat ng magandang babae sa lugar natin si Armenia na ang nakita kong mahinhin at talagang Filipina kung kumilos." Aniya nitong natatawa.

"Armenia ba ang pangalan ng babaeng maputi ang hita at sobrang simple lang ng mukha?" Star ask his mother.

"Hindi mo ba 'yon natatandaan? Iyon yung humalik sa 'yo noong mga bata pa kayo Hindi mo pala siya kilala pero ako siguradong kilala ka pa niya dahil paminsan-minsan nasa kanila ako." Biglang naghagilap ang Ina nito sa kanilang drawer para maipakita ang childhood photos nila.

"I can't remember her pero parang pamilyar nga ang mukha niya from my childhood days." He said.

"Hoy, baliw! Alam mo ba kapag nasa kanila ako, eh! Talagang may mahinhin 'yan at sobrang galang. Focus din sa pag-aaral masyado pero hindi halatang stress. Kung ako nga lang masusunod ay boto ako sa kanya para maging karelasyon mo." Ngumisi naman si Star na animo'y nauumay sa iniisip ng kanyang Ina.

"Why do you say so?" He asked.

"Parehas kasi kayong naka-focus sa pangarap at ambisyon." His mom replied.

"Dahil lang doon?" He added.

"Kung susumain mo naman mas maganda na yung parehas kayo ng karelasyon mong may goal sa buhay. At ang mas masarap pa doon ay yung sabay ninyong mapagtagumpayan ang lahat. Gano'n kasi kami ng Papa mo." A confident answer coming from his mom.

"But I like someone to be with me." Mahina niyang pagbulong na agaran naman siyang binatukan ng Ina niya.

"Gusto mo pero gusto ka ba? Don't be offended, anak!" Nakataas ang kilay ng kanyang Ina.

"Hindi niya ako gusto kahit naghintay at umamin na ako sa kanya." His voice sarcastically in sadness.

Binatukan ulit siya ng kanyang Ina. "What a sad boy? 24 years old and turning 25 ka na, Star! You should know the difference of "holding on" and "letting go" huwag mo hayaan na masira ang puso mo. Listen you're worth it and you deserve the best. Kung ayaw niya just accept it. Maraming iba riya'n." His mom became serious while turning back all the old photos in photo album.

"Is it okay to move on and knowing how she is miserable?" He added.

"Kung miserable siya huwag ka na dumagdag. Hindi porket mahal mo laging tama sometimes we can love the person pero hindi puwede maging sa atin." Paalala naman ng kanyang Ina.

Lumipas ang ilang buwan na hindi na nga nanumbalik ang dating samahan nila ni Violet. They're okay pero hindi na tulad ng dati. Nawala ang closeness, flirtious actions, and concern to each other. Parehas stress sa work and they keep pushin' their own dreams.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon