Chapter 11

25 2 1
                                    

Chapter  11:

ANO DAW?! Nagseselos? Nagpapatawa ba sya?! Mali  mali.  Iba lang yata ako ng dinig.

"Nagseselos ako  sa Axle na yun kasi sya nakatikim na ng luto ni Tita." Ahhhhhh.. yun lang? Errr. As if I wanted more.

"Ayyy, Ikaw naman.  Edi sa susunod na magbabaon ako, good for 2 na. Share tayo"

"Talaga? Talaga? Talaga?!" naeexcite na tanong ni Nate  sakin. Minsan talaga napakachildish netong si Nate

"Oo nga! Parrot?"

"Aasahan ko yan ah?"

"Oo nga ang kulit!" Sabay kinurot nya ako sa pisngi ko.

"Ang cute mo talaga mag blush!" Di ko na mapigilan yung init ng mukha ko. Feeling ko  talagang namumula  na ako.

"T-tara na nga!!!" Pagtayo namin ay kitang kita ang tingin samin ng mga tao. Alam nyang hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyayari.

***

Kinabukasan. . .  maaga akong nagising para tulungan sila Mama at Papa para sa negosyo namin.

"Anak naman, hindi ka ba talaga mapagsasabihang wag mo na kaming intindihin, kaya na namin. Bumalik ka nalang sa pag tulog, may 4 na oras ka pa oh"

"Ma naman, hindi ka din po ba nakikinig? Sabi ko naman, okay lang ako"

"Hay nako! Bahala ka. Tara na, madami ng tao mamaya  talipapa"

Agad - agad kaming umalis ni Mama at naghanda na din ako ng pampasok ko para diretso  pasok na ako sa duty ko  as student assistant.

"Good morning!"  Pagkalabas na pagkalabas palang namin ng pinto ay binati  na ako ng asungot.

"Anong ginagawa mo  dito? Ang aga aga mo mambulahaw."

"Kams, inaaway mo nanaman si Axle" - Mama

"Okay lang tita, sanay na po ako jan kay Kams"

"Che! ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Napadaan ako  dito kanina habang nag jojogging kami ni Daddy tapos pag balik namin sa bahay kinuha ko na yung kotse para alam mo na, ihatid kita. You know... to catch up. Libre ko na breakfast. Alam ko namang kasing tinutulungan mo sila tita araw-araw."

"Eh alam mo naman palang tutulungan ko si Mama e."

"Pumayag na ako nung isang araw anak. Set up to. Kaya sige na. Kaya ko na to."

"Pero Ma--"

"Please Kams, para naman di kami naguguilty lagi ng Papa mo na para ka naming  inaalila minsan."

"Grabe ka naman mag isip Ma, pero sige para di na kayo mag isip ng ganyan. Tara na ugok! Ingat ka Ma!"

***

"Say ahhhh!"  sabay anga ng kutsara

"Kaya kong kumain, Axle"

"Alam ko, pero bakit ayaw mong galawin yan?"

Andito kami sa  kung san mang lupalop ng Mandaluyong  nya ako dinala para kumain.

"Eto na, kakainin na" sabay kagat ng malaki sa tuna sandwich ko

Niyaya ko ng  umalis si Axle pag tapos. As usual pangungulit at panunukso nanaman ang naabot ko. Namiss ko  tong ganito.  Nagyaya syang mamasyal muna sa park dahil maaga pa para pumasok.

"Nga pala. Date tayo mamaya ah"

"Date ka jan?!"

" Oo, tayong tatlo  nila Jackie."

"Ahh. Eh bakit mamaya agad?"

"Pake mo?"

"Suntok?"

"De joke lang. Grabe pikon ka padin Kams!!!

"Namiss kita talaga!!!!"

"Ako din. Hinintay ko munang maging ok ka kasi baka pag nilapitan kita matakot ka sakin, di mo ako pansinin at ipagtabuyan mo ako."

"Ano ka ba?! Di mangyayari yun. Di tayo natitibag tatlo diba?"

Tinignan nya ako sa mata at ngumiti. Hinawi nya din ang mga buhok na hinahangin papunta sa mukha ko. At -- saka nya ako hinalikan

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

sa forehead.

"Thank you Kams. And yes I will never let that happen again" mahina nyang sabi.

At dun alam kong bumalik na talaga kami sa dati. Yung parang walang gulong nangyari dati. Yung komportable at malaya yung pakiramdam. Yung dating Axle-Kamilah-Jackie na trio.

"Tara na. Hahatid na kita. Baka ma-late ka pa"

Kinuha nya ang kamay ko at pumunta na kami  ng kotse nya.

(Nate's POV)

Tumawag sakin kagabi yung nagaayos ng sasakyan ko at sinabing pwede na daw kunin yung baby ko bukas kaya naman maaga akong umalis ng bahay para pick up-in yung sasakyan ko.

Matapos kong bayaran at makuha ang sasakyan ko, naisipan kong pumasok ng maaga at magstay sa library para doon nalang ag aral.

"Ahh ba naman! Aga aga  ang traffic!"

Mag lilimang minuto na akong nagiintay umusad ang daloy ng trapiko ng may  humagip sa mga mata ko.

*ba dump*

*ba dump*

Masakit.

*ba dump*

*ba dump*

Parang  tinutusok ang puso ko. Pero bakit?

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon