Chapter 3

105 5 2
                                    

Chapter 3:

8:00 am - Taft station:

"Ma, Ingat ka! Aalis na po ako,  baka ma-late  pa ako sa duty ko. Pag tapos po  ng klase ko mamaya, uuwi po ako agad para tulungan kayo." sabi ko kay Mama pag tapos kong iayos yung mga pinamili namin.

"Wag mo kami masyado isipin,  di pa naman kami ganun katanda para laging alalayan at pagsabihan. Parang ikaw ang nanay dito e. Haha. Hay anak, galingan mo nalang sa pag-aaral ha. Okay lang kami ng papa mo." sabay punas nya sa tumutulo kong pawis

"Alam ko Ma. Gusto ko lang mapadali yung trabaho nyo. Mamaya makukuha ko na yung allowance ko for this week."

"Salamat Kams ha. O sya, kumilos na." sabay himas sa ulo ko.

"Sige Ma!  Alis na po ako." at umalis na nga ako.

Ako si Kamilah Aguinaldo. Anak ng isang jeepney driver at vendor ng mga damit at accessories. 3 kaming magkakapatid, Si kuya Jeth, ako at si baby Candice. Graduating na si Kuya, sa UMAK sya nag-aaral at dahil di naman ganun kalaki ang tuition na binabayaran nya, hindi na ako pinag-stop ng magulang ko. Sapat lang talaga ang kinikita ng Mama at Papa ko para sa mga pangangailangan namin  at sapat para makakain kami ng 3 beses sa isang araw. Masaya at close ang bawat isa samin. Lahat nagkakayod ng buto (maliban kay Candice syempre). 

Si kuya, nagtatrabaho sa isang fast foodchain sa MOA tuwing hapon at matatapos na yun ng gabi. Ako naman, pinagsasabay ang trabaho sa pag aaral kaya irregular student ako sa Centrada College. Wag kayong magtaka kung pano ako nakapasok sa mamahaling school na yan. Dahil pinaghihirapan ko ang ibinabayad dyan. Mula umaga hanggang tanghali ang shift ko jan as janitress/utusan ng  mga prof/ Student Assistant. Para na ding "All-around" version ng mga yaya. May binabayaran parin ako pero miscellaneous nalang at school na ang nagpapa-aral sakin at nakakatanggap pa ako ng 1,500/week as allowance. Hapon  hanggang gabi naman ang umpisa ng mga klase ko. Hindi ako nag-iisa. Madami akong kasama o katulad ng pinagdadaanan kaya  hindi naman ako naboboring dahil may mga kausap naman ako.

--Centrada College--

"Hala Kams! Muntik ka nanamang ma-late! Tinulungan mo nanaman si Tita? Uso ba sayo ang salitang tulog at pahinga? Gabi na tayo nakauwi kagabi dahil dun sa Thesis natin sa Creative Writing ah tapos ang aga mo naman gumising ngayon para naman sa pamilya mo. Saludo talaga ako sayo day!" sigaw nya sakin pag  kakita nya saking papasok ng stock room

Sya si Jaqueline. Isa sa mga katulad kong scholar at sya ang pinaka-close ko. Regular student sya, so  isa akong napagiwanan. Bakit? Eh secret muna... basta humahabol ako ngayon sa kanila, ilang units lang naman yun. Talagang sinadya naming sabay kami magtatake ng scholarship  dito sa Centrada. Madaldal at masayahin tong babaeng to.  Masaya sya kasama kaya nawawala yung pagod ko pag nadating ako dito sa  Centrada.

"Sorry na NAY! hahaha. Ang aga namang sermon yan. Wala kasi si Kuya, maagang umalis dahil may aayusin daw sya sa school. No choice naman kasi. Alangan namang pabayaan ko si Mama." sagot ko  habang nagaayos ng buhok

"Okay lang yan ateng. Friday is sweldo day naman e. Rest day na bukas. Fighting!" habang taas ng walis tambo.

"Kaya to Jac-ass! FIGHTING!" sabay taas din ko din ng walis tingting.

Tumawa kami ng malakas at pumunta na sa front desk para kumuha ng chores.

Hiwalay kami ni Jackie ng lilinisin ngayon. Dun sya sa may cafeteria ngayon at ako naman dito sa quadrangle malapit sa stage.

*walis walis*

*punas pawis*

*ayos sumbrero*

*walis ulit* and then...

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!!!*

(Nate's POV)

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!!!*

"Favorite subject! BREAK TIME..."  masayang sigaw ni Darwin

"Woooh!" sigaw ng mga kablockmates ko.

"Tara na sa Cafeteria tsong." sabay akbay sakin.

"Mamaya na kas-"

"Tara na!!!" sabay hila sakin at kaladkad papunta sa Cafeteria.

- Cafeteria-

Hindi kami nauubusan ng upuan sa Cafeteria kahit gaano kadami ang tao dahil lagi kaming nirereserve ng mga "NATE'S FANS CLUB" daw at mga "DARWINATICS". Hindi naman namin sila iniisnob kasi mababait naman sila mejo annoying lang minsan. Sanayan lang.

Pumasok na kami at hinanda ang sarili sa di  matigil tigil na greetings hanggang sa makaupo na kami sa pwesto namin.

"Dar, dating gawi ha" sabay abot ng 100.00

"Namihasa ah. Pasalamat ka may nakukuha akong sukli dito" sabay kuha ng binigay kong pera at pumunta na sa Tristan's Cafe.

(Kams' POV)

"Tara Kams,  kain na tayo lunch para makapag-review na din tayo. May algebra quiz tayo mamaya." yaya sakin ni Jackie.

Andito kami sa  tapat ng flag pole kakatapos lang magwalis ng mga tuyong dahon.

"Sige  tara na sa stock room." sabay kuha sa walis at  akbay kay jackie

"Ohh look at them. Mga lesbo" rinig kong bulong ng nakasalubong naming mga babae

"Pangatlong beses ko na yang naririnig ngayong araw simula pa kaninang umaga. Ilabas ang ganda te. Napagkakamalan tayong mag syota e. Kaloka te. Di ko ma-take." sabi nya sakin with eww expression on her face

"Ilang beses ko bang sasabihing MADALI AKONG MAINITAN at yaan mo na nga lang sila, isipin na nila mga gusto nilang isipin. Ayoko na ulit magpaapekto sa mga sinasabi nila.  Mauna ka na sa stock room, babe. HAHAHA. Kukuhain ko muna yung  pina-ref kong  juice sa Cafeteria." at umalis na ako papuntang caf.

Puno  ang caf ngayon. May  kumpol nanaman ng babae sa bandang likod ng caf dahil andun ang Nate and friends.

Oo, kilala ko na yan si Nate dati pa. Ang "Mr. Perfect, Mr. Ideal guy, The boy-next-door" at kung ano ano pang tawag sa kanya. Ka-batch ko din yan e at sikat yan, kaya sinong di makakakilala sakanya di ba? Yung pangyayari sa MRT kanina, alibi ko lang yung i.d nya, di nya naman alam na Centranians ako ... sa  itsura kong yon! Hindi naman talaga ako tibo, madalas lang mapagkamalan.

Mahaba ang buhok ko kaya madalas kong itinatali ng bun at madalas akong naka-cap dahil kailangan sa trabaho. Mas presko at komportable naman akong magsuot ng oversized tshirt at pedal pero nagmamaikling shorts at spaghetti din naman ako. Babae padin ako after-all. (A/N: Nakakita ako ng pic na mejo nerdy yung look na may kasamang old lady so inassume ko nalang na Mama nya yun. Use your imagination :))

So, inayos ko ang cap ko, tumingin sa baba at nag umpisa ng pumasok sa loob ng Cafeteria.

A/N: Pagpapakilala palang halos ang Chapter 1-3 ng mga characters. Watch out for Chapter 3. What will happen when they clash?

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon