Chapter 1

182 6 1
                                    

Chapter  1:

"Anak ng pinritong talong!" di ko sinasadyang sabi sa kausap ko sa telepono.

"*Pfffft* Oh pare, bakit?" natatawang sagot nya sakin.

"Tawagan nalang kita mamaya Dar, andyan ka na sa school diba? Paki sabi kay prof na baka ma'late ako ha."

"Wow! Jusme. totoo?! HIMALA TSONG!!!!!! HAHA. Marunong ka na ma'late ngayon? Anong meron? Nasaan na ang MR. PERFECT NG CS-A1?"

"Langya ka! ETO NAMAN KASING BABY KO, MUKHANG MAY PROBLEMA NANAMAN. NGAYON PA TALAGA KUNG KELAN NAMAN NAGMAMADALI AKONG PUMASOK!!! *sigh* Buti nalang wala tayong exams ngayon, seatwork lang daw diba? Ayyy grabe! Ikaw na bahala mag-explain ha."

"Nako pare, goodluck! hahaha.Ngayon nalang  ulit nagparamdam yang topak ng baby mo ah!  Paniguradong magugulat si Posporo pag nalaman nyang ma'lalate ka. First time talaga to. Wooh! Don't worry bro, ako na bahala mag explain"

"Posporo? Eh di ba Socoro yun? Haha. Baliw ka na nga! Salamat pala ha. Sige na, baka lalo  pa akong ma-late eh. Bye!"

*end call*

Ako nga pala si  Nathan Eusebio. Mas sanay akong tinatawag na Nate.  Mr. Perfect "daw". Well, "daw" kasi wala namang taong perfect. Di ako mayabang, itaga nyo yan sa espada ni panday. Mejo mejo lang. Ewan ko kung anong basehan nila ba't nila nasabi yun. Kesyo mabait at masipag daw ako. True! kasi pala aral talaga akong tao. Studious talaga ang mga Computer Science major. Madami rin akong talent, sporty, masasabi kong good looking ako (di sa pagyayabang) at mayaman.... ang magulang ko.

Kala nila perfect ako... kala lang nila yun. Madami din akong sablay at insecurities. Marunong din ako magalit, magmura at magloko. May bisyo  din ako at kasama ko si Darwin sa mga  bisyong yun. Marunong akong man'chicks pero sa  totoo lang 2 palang nagiging girlfriend ko. (A/N: Abangan ang story sa mga susunod na chapter).

Umiinom ako pero  hindi ako malakas sa tagayan. Hindi din ako naninigarilyo, kahit nakakatanggal stress "daw" ang yosi sabi ni Dar. Nakikipagpustahan din ako sa  mga computer games pero pag may time lang ako. Hindi ako perfect, marunong lang siguro ako magbalance at aware ako sa mga bagay  na di na dapat ginagawa, hindi na ako baby e.

Yung kaninang kausap ko? Si Darwin naman yun. Kabaliktaran ko yun kaya yung mga sinabi kong katangian ko, baliktarin mo, yun sya. Joke. May mga pagkakaiba lang kami tulad ng mejo tamad  syang mag-aral minsan, mas balasubas kesa sakin ... mga ganun, alam nyo na yun. Pero matagal na naming kilala ang isa't isa. Parang mag-utol na kumbaga.

Dahil nga mayaman ang magulang ko... at only son ako, nakatanggap ako ng Suzuki Swift nung nag birthday ako last last year. 17 years old lang ako  ngayon kaya mejo matagal tagal na to sakin.

At ngayon, andito ako sa Cubao, papunta ako ngayon sa pinakamalapit na car repair shop para ipa-check up ang baby ko...

Tama kayo ng basa... Ang tinutukoy kong BABY ko ay ang aking pinakamamahal na sasakyan. Ayoko syang palitan, di naman ako waldas pera at di ako choosy sa gamit. Minsan lang magloko tong  sasakyan ko kasi di naman ako kaskasero at minsan di ko to ginagamit kasi sumasabay ako sa Daddy  ko pag napasok sya sa Makati. Sa Mandaluyong lang kasi yung school ko.

"Kainis! Dapat di ako nauna  umalis e, dapat sa  bahay nalang ako nagreview para sabay nalang kami ni Daddy pumasok. Nabigla tuloy ang baby ko." sabay himas sa manubela.

"Iwan muna kita dito, pababalikan nalang kita mamaya kay Mang Tonyo pag ayos ka na."

Teka,  ang gay nun ah. Hay! kasi naman eh. Full tank ka eh!!! (-.-) Kaasar.

Late na ako kaya lumabas na ako ng kotse at kinausap ko na yung aayos ng kotse ko.

Ayos na lahat kaso may problema nanaman after nun. Hindi nga pala ako sanay mag commute.

Hay buhay. (-.-")

A/N: Si Joe Cheng ang napili kong Nate at si Jiro Wang ang Darwin. Pasensya na sa napili ko. Isa ang casts sa pinakamahirap piliin :))

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon