Chapter 4

68 5 2
                                        

Chapter 4:

(Kams' POV)

"Look who's back!"

"Anong porma yan?"

"Oh gosh. She's back again. Dami daming school, dito pa talaga kumuha ng scholarship."

"Madami daw kasing mayaman dito"

"Ay grabe tong mga to. Kalma Kams, di mo sila ka-level. Ang o.a nila, di ganung katagal ang isang semester. Maka-"tagal" sila. Wag mo nalang pansinin!! Hinga malalim. Dirediretso lang dapat." bulong ko sa sarili ko habang lantaran ang pagpaparinig ng "Nate's fans" sakin. Konting hakbang lang, nakarating na din ako  sa Cafe. Mahaba ang pila kaya dumiretso na ako sa counter.

"Here's your order Sir" sabay bigay ng order nung isa nyang customer

"Hi Ate Cristy! pwede ko na po ba makuha yung pina'ref ko? Salamat!" tapos ngiti ng wagi

"Uy  Kams! Sige  sige :) Sandali lang ha" at pumunta na sya sa Ref.

"Excuse me Miss." sabi ng tao sa likod ko ,  hindi agad ako lumingon.

"Mag iingat ka naman oh! Nasanggi mo yung inorder ko, ayan tuloy bawas na! Baka sabihin ng nagpabili neto ininuman ko to. " halatang inis ang tono nya. Kinabahan ako. Kalma... uso naman mag sorry

"Kams eto na oh! Enjoy your lunch." sabay bigay sakin ng juice. Kinuha ko ito agad at---

"Pasensya na po talaga. Sorry!" sabay yuko *yung parang sa Korea, yung bow nila pag nag tha-thank you at nag sosorry*

Pag yuko ko, nalaglag ang sumbrero ko. Ay naman, pag nakita nya yung itsura ko talaga baka balikan nya ako. Ayoko talaga sa lahat yung may nakakaaway ako. Ayoko na maulit ang nakaraan.

 Wala na ako magagawa. Kinuha ko nalang ang sumbrero ko at---

"Babayaran ko nalang sa susunod, wala dito yung bag ko e." nilabas ko na ang pinaka-plastik kong ngiti at dali-dali na akong lumabas ng cafeteria. Nak ng tokwa, si Darwin pala yun. Nakilala nya kaya ako?!

(Darwin's POV)

"Babayaran ko nalang sa susunod, wala dito yung bag ko e."

Di ko  na sya natawag  ulit. Her name is Kams, hmmm I'll keep that in mind. I'm dumbfounded that time nung tumingin sya sakin. Yung ngiti nyang punong puno ng sincerity. Ang mga mata nya... halatang kinabahan sya. *ba dump* Ang ganda nya. Parang nag soslow motion yung paligid.

"I think I'm inlove." with matching hawak pa sa dibdib. Andito na ako  ngayon sa table namin

"Nanaman? Parang lagi mo naman yang sinasabi pag may nakikita kang chicks jan sa Tristan's e." sambit ni Nate.

"Hindi pare, iba to. Natamaan ako e."

"Okay, sabi mo eh. Araw-araw naman naririnig ko yan sayo. Ano pa bang bago?" natatawa nyang sabi.

"Labo mo tsong! Kumain ka na nga. Ininuman ko nga pala yan, nauhaw ako e."

"Hot ba talaga?"

"Oo nga pare! Sob--"

"Ah kaya pala nauhaw ka. Kailangang makilala ko din yan para makilatis."

"Don't worry, magkikita't magkikita kami. Si Darwin yata to." evil grin.

(Kams POV)

"Ang tagal lang! Kala ko isang drum na juice yung pina-ref mo." sigaw ni Jackie pag balik ko sa stock room.

"M-May tihhh-tinakasa-tinakasan lang." hingal kong sagot sakanya.

"My god! Binalikan ka nanaman ba ng nakaraan?" nag-aalala nyang sabi

"No. Don't worry. I'm fine"

"Wooh! English! Tara na kain na tayo" at kumain na ng kami.

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon