Chapter 13:
(Nate POV)
Kinabukasan...
Nagtutulungan kami ngayon ni tropang Darwin mag set up ng kung ano anong plano kung paano popormahan si Jackie at Kams. Well, una na daw muna ako, at eto ang una naming plano... ang surprise-hatid-sa-school-move. Wala nanaman daw magagawa si Kams pag andito na ako e.
5:30 palang naririnig ko na syang mag goodmorning sa mga tao sa bahay nila. Well actually 5am palang andito na ako... excited eh, bakit ba?! haha.
"Goooood Morning, Kamilah!" masaya kong sigaw sa tapat ng pintuan nila ng makita kong bubuksan nya na ito.
Halatang halata ang pagkagulat nya dahil sa laki ng mata nya. Di sya gumagalaw... mga 10 seconds na siguro syang ganun kaya naman...
"Kams! Huy Kams! Sabi ko Good morning! Di mo man lang ba ako papapasukin?"
Mukhang nag sink in na sakanya ang mga pangyayari...
"Ahhhhhh!" sigaw nya.
"Kala ko panaginip lang. Ano ka ba naman Nate! Ano bang ginagawa mo dito ng ganitong oras? Pinalayas ka ba o baka naman naglayas ka? Alam mo mabait ako at pwede kitang patuluyin dito kaso syempre maliit lang tong bahay tapos --"
"Ano? Anong naglayas? Hindi no. Ikaw talaga! Mabait din naman ako e, di ko gagawin yon. Nagjogging kasi ako banda dito kaya dinaanan kita. Yayayain sana kita mag breakfast e. Tapos sabay na din tayo pumasok mamaya" paliwanag ko
"Ah ... ehhh... kasi" nauutal nyang sabi
"Please?" pakiusap ko.
"Hayyy! Ano bang nakain ng mga tao... ano pa nga bang magagawa ko?! sige sige magbibihis lang ako. Intayin mo nalang ako dito"
Nung pumasok sya para magbihis, gusto kong sumigaw ng "YEESSSSSS!" kaso naisip kong baka mabulahaw ko ang mga kapitbahay nila. Kaya nagtatatalon nalang ako na parang bata sa sobraa kong tuwa.
"Iho, anong ginagawa mo?" sabi ng lalaki sa likod ko. Agad agad akong umayos ng tindig at huminto sa pagtalon para harapin sya.
"Goodmorning po! Wala po masaya lang po kasi ako."
"Kaibigan ka ba ng anak ko?"
"po?"
"Kaibigan ka ba ni Kams?"
"Ahhhh. Hello po tito! Opo, kaibigan nya po ako. Yayayain ko lang po sana syang magbreakfast kung okay lang."
"Oo naman. Matagal na ding walang bumibisitang kaibigan dyan sa anak ko kaya sana wag mo syang hahayaang saktan"
Alam nyo ba yung ganitong feeling.... yung parang pinagkakatiwala na ng magulang ng taong gusto mo yung anak nila sayo. Haaaaaaay. Iba na to :">
"Wag po kayong mag-alala tito, di ko po sya pababayaan"
"Sinong di pababayaan? Goodmorning Pa!" sulpot ni Kams sa pinto
"Sige na anak! May tiwala naman ako sa kumag na to e." sagot ng papa nya
"Pa!!!!!"
"Loko lang. Sana maalas kitang makita dito."
"Makakaasa po kayo" at dun na natapos ang pag uusap namin ng papa ni Kams.
"Sooo san tayo?" tanong ni Kams
"Akong bahala sayo." sabay pisil ng ilong nya. Kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi nya. Ang cute e.
Una ay nagjogging kami sa plaza malapit sakanila. Tumigil kami saglit para tignan ang pag sikat ng araw.
"Ahhh! Ang saya. Salamat Nate ah!"
"Ano ka ba, wala yun noh! Breakfast na tayo mamaya ah."
"Sige. Ako naman taya oh!"
"Hindi pwede! Kanina pa natin yan pinagtatalunan. Ako na Kams!"
"Ehhh! Okay."
"If magiging masaya ka kung makakabawi ka sakin... odi sige ilibre mo nalang ako ng isaw mamayang miryenda."
"Isaw? hahaha kumakain ka ba nun?"
"Alam mo masyado mo akong minamaliit. Hahaha. Oo naman noh!"
"Akala ko kasi.... nevermind. Sige kita tayo mamayang miryenda ah"
Tumahimik bigla kami para pagmasdan ang pasikat na araw. Nang bigla syang sumeryoso at nagsalita ng nakatingin sakin.
"Alam mo, namiss ko to. Dati kasi, lagi namin tong ginagawa nila Axle."
"Shh" tinignan ko din sya sa mata
"Please, kahit ngayon lang, wag mo sya isipin, wag mo syang banggitin. Ako lang"
"Pero Nate..."
"Walang pero Kams. Please. I really like you so dont make this hard for me"
![](https://img.wattpad.com/cover/1418801-288-k424648.jpg)
BINABASA MO ANG
Too little, Too much.
Genç KurguWhen you met "The One and Only"... kaya mo bang maging "Ready?" Gaano ka-ready mag handle ang relasyong wala ka pang alam kung ano ang kahihinatnan?