Chapter 8:
"Uhm Kams, you really look simple, yet gorgeous today. Sana lagi kitang makitang ganyan" bulong sakin ni Nate.
Ba dump....
Ba dump....
Ba dump....
Kaba, takot, gulat at .... kilig ang naramdaman ko. I can hear my heart pounding hardly inside my chest. Feeling ko sobrang pula ko na sa mga oras na to. Nakalagpas na kami ng entrance bago ako nakapagreply sa sinabi nya
"Ahmm.. Nate, Thankyou. Ikaw din, I have to admit... you look so ... PERFECT"
"I'm not. But thank you." then he smiled
Oh god! Those eyes! They sparkle. They did!!! I saw it. Oh no! Na carried away ata ako masyado. Erase erase erase.
"Ano bang hinihintay nyo jan? Kala ko gutom na kayo?" panirang sigaw samin ni Darwin
"A-Andyan na!" pasigaw na sagot din ni Nate saka patuloy na naglakad sina Darwin na ngayon ay nakasandal na ang kamay sa mga balikat ni Jackie. DA MOVES!!!
"Tara na?" sabay baling sakin
"Tara! Gutom na din ako e."
Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung aware ba sya sa mga nangyayari ngayon. Magkahawak kami ng kamay ngayon. Mukhang papunta kami ng McDonald's para kumain pero hindi gutom ang nararamdaman ko kundi pagtataka. Ba't ba ayaw nyang bitiwan ang kamay ko.. Nahihiya na ako. Baka makita pa kami nung dalawa.
(Nate's POV)
Nainis at nainip talaga akong naghintay kanina pero nung nakita ko na sila na papalapit samin, nawala yung inis ko. Relief na din siguro kasi hindi nila kami ininjan. Ang ganda nila. Simple lang si Kams pero nung nakita ko sya may kakaibang kurba ang nabubuo sa mukha ko. Ngiti. Hindi ko maiwasan. Bagay sakanya yung suot nya, yung buhok nya. She's lovely, very lovely. Maganda rin si Jackie, masasabi kong may natatago talaga syang ganda kaya nga napansin kong natulala si Darwin sakanya.
"Uhm Kams, you really look simple, yet gorgeous today. Sana lagi kitang makitang ganyan" bulong ko sakanya habang pumapasok kami sa loob ng Mall. Nabigla ako sa ginawa ko.Yung parang may kumontrol sakin bigla kasi hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin yun. Dala na rin siguro ng desire dahil gustong gusto ko talagang sabihin yun sakanya.
Pero kung nagulat ako sa ginawa ko, mas nagulat sya.Naging awkward yung atmosphere. Salamat sa kaibigan kong si Darwin na bumasag sa awkwardness namin. Next thing I know, magkahawak na kami ng kamay. Eto nanaman ako, nawala nanaman sa control. Oh shoot!! Ibig sabihin ba nun eh I've been dying to hold her hand?! Geez.
Pinagpatuloy ko nalang kahit alam kong mas naging awkward kami. Di naman nya tinanggal yung kamay nya eh, so inassume ko nalang na okay lang sakanya. Ano kaya nasa isip nya ngayon? Occupied din ba yung utak nya sa mga pangyayari?! Hayst.
Naglakad lang kami walang nagsasalita. Binitawan ko na din yung kamay nya nung makarating kami sa McDonald's.
"S-So what do you w-want to e-eat?"
"Kahit ano na, libre mo naman eh." nakangisi nyang sagot nya sakin. Ayos ah, nagawa nya pang mag joke. Mukhang hindi naman masyadong inisip yung mga nangyari kanina. Phew! buti nalang.
"Kayo? Ano order nyo?"
"2 large fries, 1 double cheese burger, 1 McFlurry and a monster float" - Darwin
"Dalawa na ba kayo dun ni Jackie? Ang dami eh." natatawa kong tanong
"Kung ano kay Kams yun nalang din sakin" - Jackie
*Habang kumakain*
"So, anong year na kayo?" tanong ni Darwin dun sa dalawa
"Ano ka ba magkakayear lang tayo. Ka'batch namin kayo. Si Kams nahuli lang ng isang term pero humahabol sya ngayon." sagot ni Jackie
"Bakit?" tanong ko naman
"Eh kasi ganito yan. Dati --"
"Mag ingat ka sa mga sasabihin mo ha!!!" binigyan ni Kams si Jackie ng devilish look
"Don't worry Kams. Actually guys, okay kami dati until binully sya nung grupo nila Miranda. I don't know kung kilala nyo sya e, wala na kasi yun dito kasabay ng pag lipat ni Axle ng ibang school"
"Oh. great! Di ko na gustong marinig yang kwentong yan. CR lang ako." - Kams
"Sino si Axle? Anong ginawa nila Miranda para mag stop sya?" tanong ko pag kaalis na pagkaalis ni Kams
"Actually dapat di natin to pinaguusapan pero since wala sya... Ganito kasi yan. Si Axle, isa sa mga kasabay naming scholar. Ang nerdy nga nun e. Close sya samin ni Kams tapos one day pumasok sya ng sobrang gwapo. Ibang iba yung looks nya tapos nalaman nalang namin na nanalo pala sila sa Lotto pero hindi dun naputol yung pagkakaibigan namin. Mas naging close nga kami kaso mas close sila ni Kams hanggang sa nagkaroon na ng mga haters si Kams. Leader nila si Miranda kasi super crush nya si Axle, kung makadikit wagas. Basta. May sa demonyo kasi yun eh. Grabe yung ginawa nilang torture kay Kams. Hanggang sa pati pamilya ni Kams dinamay na nila. Para kasi sakanya, okay lang lahat yung mga ginagawa nila, wag lang nila idamay yung parents niya. Naawa kami ni Axle kaya si Axle nalang yung umalis ng school para tigilan na ni Miranda si Kams. Dun na din nag umpisa mag suot ng mga unfashionable clothes si Kams"
"Wow! Ganun pala katindi yung nangyari sakanya" gulat ni Darwin
"Tapos na ba?" sulpot ni Kams sa likod namin
"Ang alin? Wala akong kinwentong iba" tanong ni Jackie
"Defensive mo. So ano na bang gagawin natin?" tanong ni Kams
"Getting to know each other tayo" agad kong sagot
"Yiiiiieeee!" hirit ni Jackie
"Iwan nalang ba namin kayong dalawa?" tanong ni Darwin
"WAG!!" sabay namin sagot ni Kams
"Ang ibig kong sabihin e, bakit di nalang tayo mag gala ng sama sama" palusot ko
"Kayo talaga palusot pa. Alam mo ba Kams, magaling mag gitara yan si Nate!" - Darwin
"Talaga? Alam nyo ba na si Kams, magaling kumanta!" - Jackie
"Naks! At nga pala. Favorite ni Nate ang Sinigang na hipon."
"Oh? Si Kams din. Actually kaya nyang lutuin yun. Masarap sya magluto."
"C-cut it guys!" pag pigil ni Kams sa dalawa
"Tsss. Look at you! Ang cute mo mag blush" asar ni Jackie sakanya
"NapakaCOMPATIBLE nyo naman" dagdag ni Darwin
"True. So much in common." sagot ko
"So?" sabay angat ng kilay samin ni Kams
"So... I guess we're destined for each other?!" sagot ko sakanya
"Yieee! Omg di ko kinakaya to"
"Ano ba! Tumigil na nga kayo!" asar na sabi ni Kams, namumula sya. Di ko alam kung sa galit, hiya o kilig din ba. Basta masama ang pagkakatingin nya sa akin.
"Im just kidding, Kams. Haha. Ang cute mo naman maasar." lalo pa syang namula
"Enough! Kala ko ba may gagawin tayo? Gawin na nga natin ng makauwi na tayo"
"Lezz go, Sago. Karaoke, here we go!" sigaw ni Darwin
Teka.... ano nanamang pinaplano nito!?!?!?
(Author's Note)
Guys saglit lang to, okay? pagbigyan nyo na ako :))
NAMISS KO KAYO! Sana namiss nyo din ako at ang pag uupdate ko :)
BINABASA MO ANG
Too little, Too much.
Teen FictionWhen you met "The One and Only"... kaya mo bang maging "Ready?" Gaano ka-ready mag handle ang relasyong wala ka pang alam kung ano ang kahihinatnan?