Chapter 12

30 2 1
                                        

Thanks JoyMaternum for adding this story on your RL. Dedicated sayo to ;)

Chapter 12:

(Nate's POV)

Nakatulog ako sa library at ang bell na ang nag signal sakin para pumasok sa una kong klase.

"Zup bro?" bati sakin ni  Darwin

Direderetso lang ako sa upuan ko.

"Tsong, meron ka ba!? Anong problema mo?" asar ni Darwin sakin

"Not now, Darwin" malumanay kong sagot

"Ohh oww. Okay Sir!" at  bumalik na sya sa upuan nya

Ang lutang ko ngayon. Grabe. Naiinis ako  na parang pagod na pagod ako. Hanggang sa mag bell na para sa break namin.

"Puntahan ko muna si Jackie bago ako pumunta ng caf. Sama ka?" alok nya sakin. Tumango lang ako at sumama sakanya

"Axleeeeee!" rinig naming tili ni Jakie nang malapit na kami sa may storage room

"Omygosh! Kelan pa? Takte!!! Kelan ka pa lihim na nakikipag kita kay Kams?"

"Nung isang araw lang." sagot ni Axle

"Uyyy kayo ah!" asar ni Jackie

"Anong kami  ka jan?! Ano ka ba, tayong dalawa an balak nyang guluhin dito" sagot ni Kams

"Good morning ladies!" sulpot ni Darwin

"Good morning Darwin! Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Jackie

"Yayayain sana namin kayong mag brunch"

"We can't. May date kami ni Kams today eh."

"Date?!"  tanong ni Darwin

"Oh btw. This is Axle, nakwento na siguro sya sainyo ni Jackie. Axle this is Darwin" pakilala ni Kams kay Axle

*ahem*

"Oh and Nate, you already met each other, right?" tanong nito kay Axle at nag nod lang sya

"Let's go?" tanong naman ni Axle kay Kams

"Wait, sya ba date nyo?" tanong ni Darwin

"Yup, next time nalang tayo mag brunch sabay sabay. Namiss ko na din kasi tong si  Axle  kaya bye!" saka hinila ni Jackie si Axle na hawak ang kamay ni Kams at naiwan nalang kaming nakatayo ni Darwin dun.

"Shit" yun nalang ang nasabi ko

"Wtf?" yun nalang ang  nasabi ni Darwin.

***

"Pare, san kaya pupunta yung mga yun?" tanong sakin ni Darwin

"Malay ko. Tara na kumain na tayo."

"Teka, ayaw mo bang malaman anong ginagawa nila?"

"Oo gusto..." teka bakit gusto ko?!

"Yun naman pala e. Tara na sa precious baby ko"

"Ano ka ba Dar, asawa nya? Syota mo na ba yun si Jackie ha?"

"Anong si Jackie sinasabi mo jan. . . Si Kams talaga yung gusto kong makita  noh"

"Anong Kams pinagsasasabi mo jan!?"

"Bakit syota mo na din ba si Kams?"

"Huh? Hindi."

"Oh hindi pala e. Edi kung ayaw mo ako mag isa ang pupunta kay Kams"

"Teka teka... Si Kamilah? Bakit sya? kala ko si Jackie ang gusto mo? Tangina naman Darwin!"

"Ang labo mo tsong! bakit ba big deal sayo?!"

"Di naman big deal --"

"Eh ano pala?"

Napakamot  ako ng ulo. Hmmm. Ano nga bang DEAL namin ni Kams... ang alam ko halos kakakilala lang namin pero ang bait bait na nya sakin. Di sya katulad nung ibang babae na puro harot. Maganda sya, friendly, mapagmahal sa magulang, matulungin ...

"Ano na?!" pagputol sakin ni Darwin sa pag iisip.

tsk. ano nga ba talaga si Kams sakin?

.

.

.

.

"Woy! Sus. Bahala ka na n--"

"GUSTO KO SYA, OKAY? KAYA SAKIN SYA.  UNA MO SYANG NAKITA PERO BINITAWAN MO NA DIBA? FINE, AAMININ KO NA, KAHIT KAKAKILALA LANG NAMIN, MAGAAN NA YUNG LOOB KO SAKANYA. EWAN KO BA. SHIT. ANG GAY KO, SAYO PA AKO UNANG UMAMIN, KAYA PLEASE LANG,  BALATO MO NA SAKIN TO, DRE!" sigaw ko ng akmang aalis na sya.

Well, si Darwin, shocked by my sudden outburst then he started laughing. What a douche.

"Bwiset ka pare, jan ka na nga! tatawanan mo lang pala ako"

"Hell pare! I didnt expect that. Wow! You like her that much. Finally my boy. Kala ko di mo aaminin e.

"Ang obvious mo, tsong! I knew you when you like someone and I know tamang babae si Kams para sayo. Ang the other thing is, sinabi ko lang yun para paaminin ka. Haha. Kung ano kasi ang nararamdaman mo kay Kams, ganun din ako kay Jackie."

"Tumakbo ka na tol, mapapatay kita!"

"Hahaha. Sorry na bro! Love you bro!"

Nagtakbuhan kami at nagharutan, nakalimutan na namin yung balak naming i-stalk yung date ng mga crushes namin.

"Dont worry bro, sagot kita. Magiging kayo ni Kams.. at magiging kami ni Jackie."

"Nako bro. We don't have to rush things. . . pag napressure sila, lalong olats. And besides, we just met them, we're still unsure of what we really feel. . . malay mo, crush lang talaga to, diba?"

"So  meaning, dapat matagal na muna natin silang nakilala?"

"Yup!"

"Dapat pinagkakatiwalaan muna nila tayo?"

"Yup!"

"So dapat si Axle tayo?"

"Yup! Ay teka... bat nasali dito si Axle?"

"Eh kasi tsong, so far, sya palang yung pinagkakatiwalaan nung dalawa at matagl na nilang kilala ang isa't isa. Who knows,  isa sakanila, type nya. At sana si Kams nalang para walang problema"

"Aba'y oo nga 'noh!  Langya ka! Feeling ko si Jackie nga type nun e."

"Di noh! Eh kung tinatanong kaya natin yung author neto?!"

"Baliw! Alam ko na pre!  Isang bright idea tong naisip ko!" Ting.

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon