Chapter 5

60 5 1
                                    

Chapter 5:
 
-- Monday Morning --

(Kams' POV)


Maaga akong nagising para tulungan sila Mama pero hindi nila ako pinayagan. Natulungan ko na daw sila nung Sabado at Linggo kaya kahit anong pilit ko, hindi na talaga nila ko pinatulong ngayong araw. Nag handa nalang ako ng sarili para sa pag pasok mamaya.



--Centrada College, 7:30 am--

"Dala ko na yung chores. Caf ako, quadrangle ka. Kita nalang tayo mayang lunch ha." sabay bigay ng attendance sheet ng mga scholars

"Ugh! Maeexpose ang beauty ko sa araw te! Naman oh"

"Para sa 1,500 te, kakayanin mo yan"

"Duh! malamang... datung yun e. Sya sige, I'll see you later."

(Jackie's POV)

Isang oras na din ako nag  wawalis, mamaya break  nanaman kaya naisipan kong magpahinga. Konting minuto lang ng pagpapahinga, tumunog na ang bell para sa morning break kaya bumalik na ako sa pagwawalis. Dagsa na ang estudyante sa mini park, kanya kanya ng upo, tambay at KALAT. Sanay na sanay kasing may naglilinis ng mga kalat nila kaya tapon dito, tapon doon. Nakakapagod kaya!

*walis walis*



"Hahaha! tignan mo kasi pre! HAHAHA" rinig kong sabi ng isang lalaki habang nagwawalis ako

"Itapon mo na nga yan! Pati saging pinaglalaruan." sabi naman ng kasama nya

"Tsss. Another kalat." bulong ko sa sarili ko

Lilipat sana ako ng pwesto dahil malinis na dito ng biglang....

*wooop!*

* out of balance*

"Ay pusong ginto ni Maria!!!!! Muntik na ako dun ah! Lintek na!!!!
HOOOOOY! MAY BASURAHAN!!!!!! ALAM NYONG PWEDENG MAY MAAKSIDENTE EH!!!! ASAR!" sigaw ko para talagang marinig nila at true, tumingin sila at ...

.

.

.

.

OH MY GOD! I'm sooo dead! Sila Nate at Darwin pala yun. At ngayon, hindi lang sila ang nakatingin sakin  pati nadin yung ibang estudyante. Oh nooooooo! bumabalik sila. Help me Kams!!!

"Jackie!" rinig kong may sumigaw sa kanan ko. Mejo malayo pa sya pero gusto ko ng tumakbo sakanya sa takot. Narinig ba ni Kams ang sigaw ng utak ko? Kaaaaaams!!!!! :(

"Miss, pasensya na sa kaibigan ko" sabi ni Nate

"Ay ano kasi... pasensya na miss" sabi naman ni Darwin

"Anong meron dito?! Jackie!! Anong ginawa mo?" tumingin sya sakin

"IKAW?!" sabay nilang turo kay Kams. Kilala nila si Kams?! Kelan pa?

(Kams' POV)
 
"IKAW?!" turo sakin ni Nate at Darwin

"AKO?!" sagot ko naman

"Teka, magkakakilala kayo? Close close lang kayong lahat?" tanong naman ni Jackie samin

"Hephep! Di ko sila kilala. Nakikita ko lang sila sa school!!!" sige Kams, deny lang ng deny

"Hindi ako pwedeng magkamali ... ikaw yung --"   <= Darwin

"Ikaw!! Ikaw yun!!! Si Mrt girl. Bakit andito ka? " putol ni Nate kay Darwin.
 Lumapit sakin si Darwin tapos . . .



tapos....

biglang.....



( abangan sa next chapter!   :p  )

Too little, Too much.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon